My Kuya's Assistant Chapter Thirty- Eight HINDI pa 'ko nakuntento at si Sandy naman ang tinawagan ko. Kasi naman itong babaeng 'to masyadong makaluma. Masyadong vulnerable, masyadong submissive, masyadong hindi ako! Grr! "And then what? Wala ka man lang gagawin? Sandy naman, ikaw ang girlfriend niya, kung may pakakasalan man si Kuya ikaw yun!" "Jennica, alam naman nating wala akong panama sa desisyon ng daddy niyo. Tsaka ano ba ang maipagmamalaki ko, wala di ba?" "Sandy hindi naman yun ang point, eh. Kuya loves you!" "Hindi ko din gustong magpakasal siya kahit kanino, Jen," "We should do something!" "Jen, kakalabanin mo lang ang dad niyo. Ayoko namang mangyari yun," "Sandy, you just can't give up on him," "Hindi nga. Pero thank you at iniisip mo din ang kapakanan ko, Jennica."

