My Kuya's Assistant Chapter Twenty- Nine Nang magmulat ako kinabukasan, nakayakap pa rin kami sa isa't-isa. Napangiti ako nang tumingin ako sa mukha niya. Tulog pa siya. Ang sarap niyang pagmasdan. "Hey," sabi niya nang magmulat siya ilang sandali pa. "Hey," nakangiting sabi ko naman. "Kanina ka pa gising?" "Hindi naman masyado. Mga ilang minuto pa lang." "Bakit hindi mo 'ko ginising?" "Mas gusto kong pagmasdan ka habang natutulog, eh." Kunwari umirap siya. "Hindi ka papasok?" "Sunday ngayon." "Oo nga pala." Ang tange ko naman. Nakalimutan kong nagdi-day off din pala siya. "Gusto mo bang umuwi na?" tanong pa niya. "No!" "Then ano'ng gusto mong gawin?" "Matulog pa nang mas matagal katabi ka?" sabi ko at ngumisi. Nagsalubong ang kilay niya. I giggled. If I know pinipigilan

