My Kuya's Assistant Chapter Twenty- Two "At papaano ko gagawin 'yon?" tanong ko pero deep inside ay interesado naman ako. "Kapag ibinaling mo na ang atensyon mo sa iba, tingnan lang natin kung hindi siya magpanic na baka maunahan na siya ng iba! Alam mo kasi 'yong dapat sa mga lalaking katulad niya ay tinuturuan ng leksyon!" "Papaano naman kung hindi magwork?" "Kung hindi magwork edi useless. Move on. Eh sa wala talaga siyang puso ano naman ang magagawa natin!" Napaisip ako. Bakit nga ba hindi? "Sa'n naman ako kukuha ng lalaking babalingan ko kunwari ng atensyon ko?" Napangisi nang malapad si Fifi. "Hoy, Ferdinand, ano ang ibig sabihin ng ngising 'yan?" "Tse! Wag mo nga 'kong tawagin sa bulok kong old name! Si Fifi na 'ko, si Fifi!" "Watibur, Fifi." "Basta ipaubaya niyo na sa

