My Kuya's Assitant
Chapter Five
"Jennica, wag ka sabing makulit, iniistorbo mo na 'ko. Can't you see it? Busy ako!"
Tinigilan ko na kakayugyog ang balikat ni Kuya at pinameywangan siya.
Nasa kwarto niya siya nang mambulabog ako.
"Nahiya naman ako sa pagka-busy mo! Nagti-Tibet Quest ka lang 'di ka na agad maistorbo?"
You know the Tibet Quest thingy? Parang laro siya sa computer na may pagka- Candy Crush na Jewels and Fruits na whatsoever?
Oo yun ang libangan ni Kuya. Kaysa naman mambabae siya at maghang out, haharap na lang siya sa laptop niya. Eh ako naman, ano'ng malay ko sa mga ganyan?
Sinasayang ko lang naman ang oras ko sa paggawa ng mga designs ng sapatos o di kaya magbasa ng mga novels. Nagwa-w*****d din nga ako pag may time, eh. Hehe.
"Tingnan mo na lang ang f*******: niya para malaman mo kung may girlfriend na siya. Pag ako nag-game over dito, lagot ka sa 'kin.”
"Wala siyang f*******:!"
"Pa'no mo nalaman?"
"Napudpod lang kaya ang daliri ko kakahanap ng account niya pero nabigo ako, Kuya. At ang saklap nu'n!"
"Edi tanungin mo siya mismo. Problema ba 'yon?"
"Egh, Kuya, nahihiya ako," ingos ko.
"Edi wag ka na lang magtanong. Kalimutan mo na siya at mag-aral ka na lang nang mabuti nang pakinabangan ka naman ng gobyerno balang-araw.”
Napataas ang kilay ko.
"Wow, Kuya, ang heavy. Phew!" sarcastic kong sabi.
"Ang bata-bata mo pa, Jen. Hindi naman aalis si Thomas kung hihintayin mo lang ang tamang panahon,eh. Magtapos ka na muna tapos kung gusto mo pa rin siya after nu'n, ako na mismo ang pipilit sa kanyang pakasalan ka.”
Hindi makapaniwalang hinawakan ko sa mukha si Kuya Jeric.
"Hindi nga, Kuya?"
"Try me, Little sister."
"Okay! Pero pakibilisan lang, ha? Maghanap ka na ng girlfriend. Sabi ni Mom hindi ako pwedeng magpakasal hangga't hindi ka pa settled! Ahihi. Bye, Kuya. I love you! Nyahaha," sabi ko at patalon-talon na tinungo ang pintuan.
"Argh, game over!!"
Oo. Inistorbo ko si Kuya para lang kompirmahin sa kanya kung may girlfriend na nga ba si Thomas kasi sumuko na 'ko sa paghahanap sa mga social networking sites.
Pero sana seryosohin ni Kuya yong sabi niyang siya na mismo ang pipilit kay Thomas na pakasalan ako balang araw. Then I'd be the luckiest girl in the world.
Ahihi. Feeling ko talaga in love na nga ako. Kaya lang hindi naman natin masisiguro na pareho kami ng nararamdaman. Pero okay lang, hindi nga lang ngayon pero alam ko dadating din kami doon.
May tiwala naman ako sa ganda ko,eh. Nyahaha.
***
Akala ko sapat na maganda lang ako para mahulog siya sa 'kin pero wala, bato talaga siya eh!
For two years, ganu'n na lang ang ginagawa kong pagpapa-cute pero walang epek,eh. Ano'ng problema ni Thomas? Bakla ba siya?
Graduation ko na sa college. Proud na proud sila sa 'kin kasi Cumlaude ako.
"Hoy, Cumlaude, cheer up naman diyan!" sabi sa 'kin ni Kuya.
For two years din, single lang si Kuya. Never ko man lang nakitang lumabas kasama ang kahit na sino'ng babae. Isa pa 'to,eh. Ito siguro ang nanghawa ng kabaklaan kay Thomas ko. Hmp!
"Kuya, okay lang ako. Ano'ng cheer up ang pinagsasabi mo?"
"Para kasing malalim ang iniisip mo,eh.”
"Wala naman. Actually, oo tama ka may iniisip nga ako, bakit kasi hindi ko masyadong ginalingan para Summa Cumlaude din ako gaya mo.”
Ginulo niya ang buhok ko.
"Hindi ko na kasalanan kung crush ako ng Dean namin.”
"Psh! Kuya naman,eh," sabi ko at sinuklay ng kamay ang buhok ko.
"Magulo, maayos, kahit ano pa 'yang buhok mo maganda ka pa din.”
"Kuya, naalala mo pa 'yong promise mo sa 'kin two years ago?"
"Ano'ng promise yon?"
"Na kapag nakagraduate na 'ko at stable sa buhay ko, ikaw mismo ang pipilit kay Thomas na pakasalan ako?"
Ganu'n na lamang ang pagkunot ng noo ni Kuya.
"Naalala mo pa 'yon??"
"Kuya lagi kayang nasa isip ko 'yon!"
"In love ka talaga sa assistant ko, 'no?"
"Kaya lang hindi naman niya napapansin,eh.”
"Alam mo, Jen, may kasalanan ako sa'yo. Sinabi ko lang 'yon kasi gusto kong lalo kang mag-focus ka sa mga priorities mo. Iniisip ko kasi na magbabago din ang isip mo kasi bata ka pa naman. Hindi ko naman ini-expect na siya pa din. Tindi mo din.”
"Kuya naman,eh! Niloloko mo naman pala ako,eh.”
"Jen, hindi naman sa ganu'n. Seriously, bata ka pa din naman. Unahin mo muna ang career mo. Yang pag-ibig na 'yan hindi naman nawawala yan,eh. Marami ka pang makikilala, makikita mo.”
"Pero Kuya.. ."
Gusto ko si Thomas lang wala nang iba!
"Ano ba ang plano mo after ng graduation?"
"Gusto kong pumunta ng Italy para magpursue ng shoe designing career. Naipaalam ko na din 'to kina Mom, wala nang problema.”
"You mean magtatagal ka du'n?"
"Hmm, yeah. Mga ilang taon din siguro.”
"I'm gonna miss you, Little Sister.”
"Same here, Kuya," tapos niyakap niya 'ko.
***
Pagkatapos ng graduation ko ay nagkaroon ng thanksgiving celebration sa bahay.
As usual, bongga at maraming imbitado. Parang hindi ko na naman ito party. Halos lahat ng mga bisita namin mga business associates ni Daddy. Wala akong naalalang nag-enjoy ako sa mga ganito. Kahit kumain lang siguro kami sa fastfood basta kompleto kaming pamilya masaya na 'ko. Inimbitahan ko si Chippy kaso may sarili naman na siyang celebration kaya wala naman akong halos makausap.
Nagpunta ako sa gilid ng bahay namin kasi may swing doon. Mas gusto ko pang tumambay doon. Tahimik. Hay, naku, magparty kayo hanggang sa magsawa kayo.
"Pwedeng maupo?"
Napapitlag ako nang may magsalita sa tabi ko.
"T-Thomas.”
Oh, I almost thought he's not coming.
"Maupo ka, go ahead," sabi ko pa.
Naupo naman siya sa kabilang swing.
"Bakit nandito ka? Nandoon ka dapat sa loob. Party mo 'yon, di ba?"
Nagmake face ako.
"Party ko nga ba eh wala namang pumapansin sa 'kin du'n.”
"Congratulations, Miss Jennica.”
"Thank you," sabi kong napangiti.
My first genuine smile for the night. I owe it to Thomas.
***