C H A P T E R 3 7: R U N A W A Y "MANG NARDO, pakiuwi na lang ang mga 'to," ani Caleb sa caretaker na nagmaneho sa kanila patungong bayan, ipinapasok sa bintana ng pick-up ang mga plastik na naglalaman ng mga gagamitin niya sa pagtatanim. Kunot na naman ang noo sa narinig ay pinagmamasdan lamang ni Natalie si Caleb at ang caretaker habang itinatabing ang kamay sa noo. Ang buong akala niya kasi ay uuwi na sila. Gayunman ay hindi niya nagawa pang magtanong dahil sa tindi ng pagpapawis niya. She wasn't comfortable. Hindi kinaya ng suot niyang sumbrero ang tindi ng sikat ng araw. Hindi siya kumportable dahil karaniwang hindi siya gaanong pinagpapawisan. Ngayon lang. "Balikan mo na lang kami rito ng mga... " ani muli ni Caleb, tumingin sa relong pambisig. "Mga five o' clock." Tumango

