Tahimik lang itong nakaupo sa harapan ni Kone. Ipinagdarasal nitong sana ay matapos na ang araw upang matapos na din ang kaniyang pagpapanggap. Titig palang nito kinikilabutan na siya ng sobra, paano pa kaya mamayang kelangan na nilang maghawak ng kamay upang maipakita sa lahat that he's a gentleman? "So you are the heiress of the Sandoval Clan, dimwit?" mapang-asar na tanong ni Kone. "Shut up. Kumain ka nalang at ipakitang masaya tayo sa camera," seryosong sambit ni Kisses. Biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa tinidor nang mapansing pasulyap-sulyap pa rin sa kaniya si Kone. "Maganda ka din naman pala. Pwede nang pagtiisan," ngumiti ang binata at napakalumbaba sa kaniyang harapan. She rolled her eyes on him. Ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa na naayon sa plano ng kaibigan. "H

