Kisses tried to mimic Ava's voice in her mind. Nahuli pa nitong bahagya siyang inirapan ni Ava kaya naman pinagtaasan niya ito ng kilay. Malandi at walang sawa pa rin nitong hinahaplos ang katawan ni Kone na tila ba nakikipag-kumpetensya ito sa kanya. Damn! Sino ba siya sa tingin niya? Siya ba ang nag-iisang ex-girlfriend ni dumbass? Sunod sunod na tanong nito sa sarili. "Sinabi ko naman sa'yo di'ba. You'll always be Ava's property, walang ibang makakapalit sa'kin sa puso mo." Gusto niyang matawa sa narinig na sinabi ng babae. Hindi niya maiwasang huwag ma-disappoint sa magaspang at nakakairitang ugali nito. "Do you need privacy? I can leave," mahinang sambit ni Kisses nang makita nitong walang ginagawa si Kone. Kulang nalang maging sintigas ito ng bato dahil sa mainit na haplos ng mag

