Chapter 21 “Ang katana na iyan ay tinawag kong zix. Si Sayah ang pinili ko na pagbigyyan ng katana na iyan ngunit ang katana pa rin mismo ang siyang mamimili ng tagapangalaga nito. Maaaring hindi ito mapasakamay ni Sayah, pero nagpapasalamat ako dahil pinili siya ng zix upang maging tagapangalaga nito.” Napatingin muli si Sayah sa kaniyang palad, ang itim na krus doon ay halos sakupin na ang kaniyang palad at nararamdaman niya ang init na nagmumula roon. Ngunit ang nasa isip ngayon ni Sayah ay paano niya mapapalabas ang katana na ‘yon? Mayroon ba siyang dapat na sabihin upang lumabas ito galing sa kaniyang palad? Paano niya iyon magagamit? “Nakakamangha, kung ganoon ay nakatadhana talaga kay Sayah ang katana na ginawa mo, Bari at saka tiyak na naramdaman din ng katana ang kagustuha

