Chapter 25 Nakita ni Sayah sa mukha ng kaniyang ina na nais talaga nitong malaman ang tungkol sa marka sa kaniyang kamay. “Si Bari ang nagbigay sa kaniya ng katana. Espesyal na ginawa ni Bari iyon para kay Sayah at ang katana ay hindi katulad ng ibang katana dito sa vantress. Ang marka sa kanang kamay ni Sayah ang palatandaan ng katana iyon.” Sabi ni Zico. “Kung ganoon nasaan ang katana?” tanong ni Ilina. Humarap siya sa kaniyang ina at itinaa niya ang kaniyang kamay at ipinakita dito ang kaniyang palad kung nasaan ang marka na krus. “Narito po mismo sa aking palad. Nang ipakita sa amin ni Bari ang katana ay nagulat kaming lahat nang hawakan ko iyon ay maglaho ito at mapunta sa palad ko. Kaya na rin ako nagkaroon ng marka ng krus sa aking palad, ina.” Sabi niya. Halatang-halata a

