Chapter 36 Napatingin si Sayah kay Fenris habang nakatingin ito sa mga libro na naroon. Nang mapansin ni Sayah na hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ni Fatima ay nilapitan niya ito at hinimas ang likod nito. “W-Walang gustong magbanggit ng tungkol sa itim na wizard...” Napahinto ang kaniyang kamay sa likod ng dalaga nang marinig ang sinabi nito. “Bakit?” tanong niya. Tumingin sa kaniya si Fatima sandali at nakita niya ang takot na mga mata nito. Muling bumalik sa pagkakasubsob sa mga tuhod nito si Fatima at nagpatuloy sa pagsasalita. “Unang araw nang lumusob ang mga bandido at ang itim na wizard, sinabi ng mga bandido na kung sino man ang makakatakas sa lugar na iyon at ipinakalat ang tungkol sa itim na wizard at ang nangyayari sa bayan ng riza ay bigla na lamang mag

