Chapter 13 Self pleasuring(Spg)

2460 Words

Angelo Sky Halos inabot ako ng dalawang oras bago nakabalik sa opisina. Bukod sa sobrang trapik dahil sa malakas na ulan ay malayo layo pa ang restaurants na pinili ng aking napakabuting boss. Para na rin akong basang sisiw dahil hindi maiwasan na mabasa ako sa lakas ng ulan. Buti na lang at may cover ang parkingan dito sa kumpanya. Pinasadya talaga ito ng Don para nga kung sakaling maulan ay maiiwasan mabasa. Papasok na ako nang tumunog ang aking cellphone. Kahit hindi ko pa tignan ay alam ko na sino ang tumatawag. Hindi ko sinagot ito.Bahala siya sa buhay niya. Nagpatuloy ako sa pagpasok. Lahat ng mga mata ng empleyadong naroon sa ground floor ay nakatutok sa akin. Paano ba naman hindi,para nga akong basang sisiw. "Sir Angelo, ayos lang po kayo?" tanong ni manong guard sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD