Angelo Sky Hindi ko alam kung magandang ideya ba ang sinabi ng asawa ko sa akin. Ipinaalam niya na inimbitahan niya magdinner sa mansion ang mag-ina. Tumanggi akong makisalo pero hindi ako pinayagan ng asawa ko. Hindi ko alam kung anong balak niya. Alam naman niya kung gaano kaayaw ng dalawa sa presensya ko. Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwal ang aking asawa. "Mister, not done yet?" Hindi ko naiwasan mapangiti sa tinawag niya sa akin. I find it cute. "Uwi na ba tayo, misis?" balik-tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang natigilan pero saglit lang at bumalik na naman ang seryosong mukha niya. "Yea, I wait you outside, Mister. I don't want to wait long." Nagsimula na akong iligpit ang gamit ko ng makalabas ang aking misis. Hindi ko na naman napigilan mapangiti. Kung anuman ang na

