Kahapon pa umalis sina Shazia dahil may kailangan pa silang asikasuhin sa mga kumpanya nila. Aside from our work, may mga kumpanya sila, ako lang ang wala dahil mabubuhay ako kahit wala akong trabaho, sila rin naman kaso mas gusto nilang may pino problemang kumpanya. Wala akong magawa kaya napag desisyunan ko na bisitahin ang opisina ni Victor, wala rin naman akong alam gawin dito kaya pagka tapos kong maligo ay sumakay ako sa big bike ko at nag maneho papunta sa opisina niya. Hindi naman nag tagal ang byahe dahil agad akong nakarating sa kumpanya. Nakilala ako ng mga empleyado kaya agad nila akong iginiya papunta sa opisina ni Victor. "Uhm madame, why don't sit first?" kinakabahang sambit ng secretary ni Victor sa akin. "Why? is he in an important meeting now?" tanong ko sakanya.

