Maaga akong nagising dahil sa alarm ko, inalis ko ang eye mask ko at umupo sa kama para tumulala sandali, dahil nag aadjust pa ang katawan ko ay kailangan ko munang mag laan ng ilang minuto para sa pag aadjust ng katawan ko sa bagong lugar na tinutulugan ko. "Ugh, I hope my body will be settled once I moved into my house," sambit ko sa sarili ko at tumayo na. Dumiretso ako sa bathroom para maligo. Pagka tapos kong maligo ay nag suot ako ng sando at shorts na komportable ako kumilos dahil ngayon ang pag lilipat ng gamit. Pagka tapos kong mag ayos ay tinawagan ko na si Sera dahil kanina pa siya nag chat sa akin, tinatanong ako kung anong oras kami mag lilipat ng gamit dahil tutulong sila sa akin. "Hi, Sera good morning," bati ko sakanya pagka sagot niya ng tawag. "Hi ate! good mornin

