RAPIDO 11 ("TUKSO")

1145 Words
RAPIDO? YES,, PLEASE,,,! WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 11 ********TUKSO******** Patagal ng patagal lumalalim ang paghihinang ng mga labi ng dalawa na para bang ni isa sa kanila ayaw magpatalo sa paligsahan. Kumalas lang silang dalawa ng pareho nang kinapos ng hininga ,pinagdikit ni Atty.ang kanilang mga noo na katulad niya habol hininga rin si Atty.na katitig sa kanya. “H-indi ako hihingi ng Sorry dahil sa ginawa ko paghalik sa iyo dahil ginusto ko iyon ,kaya kung magalit ka man sa akin at magbago ang isip mo na magpakasal sa akin tatanggapin ko pero wala ako pinagsisihan sa ginawa kong paghalik sa iyo!”. Seryosong sabi nito. Hindi niya makuha magalit kay Atty.Dahil kahit siya ay nadala sa halik nito na siya itong lubos na sa katinuan ay hindi niya man lang niya nagawa tumutol sa halip ay tumugon at nakipagpaligsahan pa siya rito sa pakikipaghalikan. “H..halika na Atty.ihahatid na kita sa Silid mo!” Tanging usal lang ni Prim at patay malisya sa nangyari. “Dito ako matutulog ,ikaw na lamang ang gumamit ng silid ko Prim alam kong hindi ka magiging komportable kung dito ka sa Sofa matutulog!” “P…pero—-?” “No More pero Prim ! Pumasok kana sa Loob uubusin ko lang itong iniinom ko at matutulog narin ako,maaga pa tayo Bukas.!” Sabi nito na nagpakunot ng noo ni Prim. “Saan tayo pupunta?”. “Kay Ninong !” “Ano gagawin natin?at bakit kailangan maaga?”. “It’s Our wedding so kailangan maaga tayo pumunta !”.seryosong sabi ni Atty.Sirius. “What?”. “Bakit Prim nagbago naba ang isip mo? “ “H–indi naman sa Ganun pero diba napakabilis naman ata? kapapayag ko lang kanina tapos kinabukasan na agad? Sabi mo pa nga di ka nagmamadali—--!?”. “Tumawag sakin ang Secretary ko nakalaya ang Tito mo masyado magaling ang Tito mo at ngayon ko napapatunayan na marami siyang connection na gaya niya ginagamitan ng pera ang batas!”. “P…aanong?”.nanlaki ang mata ni Prim sa binalita ni Atty. “Pero huwag ka mag alala sa oras na maikasal tayo wala na siya karapatan sayo dahil bilang asawa mo mas may karapatan ako sayo! Kung maruming laro ang gusto niya bakit hindi natin ibigay sa kanya Prim?”.hindi nakaimik si Prim sa sinabi ni Atty.kaya pinagmasdan niya lang ito,ginap ni Atty.ang kamay ni Prim. “At hindi ko hahayaan masaktan ka na naman muli ng lalaking iyon Prim,kahit ano pang laro ang gusto niya lalabanan ko siya para sayo,para sa ikabubuti mo Sweetheart!”. “S-alamat!”. “Matulog ka na huwag mo na isipan pa ang lahat lagi mo lang tatandaan hindi kita pababayaan!”. Tumango lang si Prim at pinanghawakan ang pangako ng binata sa kanya. ************ Maaga nag ayos si Prim at pagkatapos ay napagpasyahan ng lumabas ng silid ,wala si Atty.sa sala at maayos narin ang sofa naamoy niya ang aroma ng niluluto nito kaya naisipan niya pumunta sa kusina nito para tumulong dahil hindi naman siya bisita sa pamamahay ng binata kahit di siya marunong magluto marunong naman siya maghain ng mga gagamitin nilang pinggan at mga kurbyertos. Nadatnan niya si Atty.na abala sa niluluto nito ,akmang lalapit siya para kumuha ng mga gagamitin nila pero natanaw niya ang mesa na may mga kagamitan na kaya wala na siya maitutulong pa kundi maghugas ng pinggan at magligpit mamaya ng pinagkainan nila. “Gising kana pala ? Maupo kana at luto na itong niluto kong ulam para sa break fast natin dalawa.!”. “Salamat!”.at naupo na si Prim,pinagsandok pa siya ni Atty.ng Kanin at ulam,hindi niya alam kung nagkataon lang na niluto nito ang favorite niyang beefsteak,kaya naman lalo siya nagutom sa nakahain. “Alam kong favorite mo yan “.usal ni Atty “Paano mo nalaman?” Usisa niya “Sa Daddy mo!” Nakaramdam na naman ng lungkot si Prim ng maalala muli ang Daddy niya.. “I..m sorry !” Paghingi ng paumanhin ni Atty.ng mapansin ang pananahimik niya. “Ok lang Atty.wala kang dapat ihingi ng sorry!”.tumango lang si Atty. At di na muli umimik pa,kaya ganun din siya kumain nalang din siya ng tahimik. Katahimikan ang namutawi sa kanilang dalawa sa hapagkainan hanggang sa sasakyan. Hindi rin naman talaga maiiwasan hindi nila mabanggit ang Daddy niya dahil kaibigan ito ni Atty.at hindi niya rin masisisi ang binata kung mamiss nito ang presensya ng kanyang Ama ,dahil matagal din sila nagkawalay magkaibigan tapos Hindi pa nga nagtatagal ang kanilang pagsasama ay muli na naman sila nagkawalay. “Narito na tayo Prim!”.napatingin siya sa labas at sa isang boutique sila huminto. “Bakit tayo naririto?”. “Hindi naman pwede ganito ang suot natin sa kasal kahit na simple dapat naman ay maging pormal ang suot natin!”.paliwanag ni Atty.,hindi na siya nagprotesta at bumaba nalang . Pagkapasok nila sa isang Luxury boutique sinalubong sila ng isang napakagandang babae at kung susuriin mo ito para lang ito kaedadan ng Mommy niya. “Sa wakas Sirius naisipan mo narin magpak—-Omy God!? Siya ba ang Bride mo?” baling nito sa akin ng makita ako . “Yes? Bakit may problema ka?Ivory?” Seryosong tanong ni Atty. “W…wala naman magaling ka pumili huh? Hindi ko naman akalain na bata pala ang gusto mo?” Biro ni Ivory. “Shut up Ivory!” Banta ni Atty. Na kinatawa lang ng magandang si Ivory. “Kaya naman pala atat na atat ka ngayon magpakasal huh? Bakit tanders takot maagawan ng mas bata sayo?”.biro nito na kinatalim ng mata ni Atty.kaya bago pa magkainitan sa pagitan ng dalawa ay kinuha niya ang atensyon ni Ivory. “Hindi naman ako magpapaagaw kung may aagaw man na mas bata miss Ivory dahil si Atty lang ang gusto ko pakasalan.!” Sabat ni Prim.akala ni Prim na magagalit ang babae pero kinilig lang ito… “Aayyiiee ,jackpot talaga itong kaibigan kong si Atty.nakahanap ng bata na loyal sana all nalang talaga ano nga palangan mo ganda?” Nakangiting tanong ni Ivory kay Prim. “Isabelle Primrose Jocson po!” Pakilala ni Prim na kinagulat ng babaeng si Ivory. “K…ano ano mo si Primo at Rose?” “Mga magulang ko po!” Paliwanag ni Prim at bakas ang pagkagulat kay Ivory pero mabilis na napalitan din agad. “Ah ganun ba kaya naman pala ang ganda mo! O siya pumasok kana sa loob at magsukat baka mahuli pa kayo sa kasal niyo!” Sabi nito,tumango lang siya bilang tugon at sumunod sa mga Staff ni Ivory . Hindi na nagawa ni Prim na usisain pa ang napansin niya kay Ivory dahil baka isipin pa ni Atty.na interesado siya sa buhay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD