RAPIDO 14 ("SING-SING")

1623 Words
RAPIDO? YES,, PLEASE,,,! WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 14 *******("SING-SING")******* Nagising si Prim na tila ba may nakayakap sa kanya,kaya dahan dahan siyang nagmulat at nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Atty.Sirius na mahimbing na natutulog napangiti siya ng bahagya at akmang iidlip muli ng mahimasmasan kaya dumilat siya at sa sobrang lapit nila sa isa't isa,kumabog ang dibdib niya lalo pa ng mapagtanto ang kanilang pwesto,binabalak niya umalis pero mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Atty. Dahan dahan niya inaalis ang mga bisig nito sa kanyang bewang pero mas lalo pa siya nito kinabig at inayakap kaya ganon nalang ang pagbilis ng t***k ng dibdib niya marahil dala ng matinding kaba. Umangat ang tingin ni Prim at nabighani sa natutulog na si Atty.pinagmasdan niya ang maamong mukha nito habang natutulog pero nanlaki ang mata niya ng magsalita ito. “Are you done to checking me?” Sabi ni Atty. Na kinakunot ng noo ni Prim. Mas dumoble pa ang kabog ng dibdib niya ng magmulat ang binata ,at nakangiting tumingin sa kanya. “Good morning Sweetheart!” Namaos pa ang boses nito at mapupungay ang mga mata,hindi nakaimik si Prim at tanging napatulala lang siya kay Atty. Bumalik lang siya sa wisyo ng bahagyang pisilin ni Atty.ang ilong niya. “Hey bakit natulala ka?” Nakangiting tanong ni Atty.Lalo tuloy nataranta si Prim at halos mautal pa sa pagsagot kay Atty. “H-indi no!” Maang maangan ni Prim.na kinatuwa pa ata ni Atty.ng mapansin nito nauutal siya. Akmang aalis na si Prim ng hapitin pa siya ni Atty.kaya lalo siya natigilan dahil sa ginawa ng binata. “A-ttorney.?” Tawag niya pero hindi kumibo si Atty.sa halip pumikit ito at bakas ang pagkapagod din nito sa trabaho kaya hinayaan nalang ni Prim na umidlip si Atty.at hanggang pati siya ay dinalaw muli ng antok. Tinanghali na ng gising si Prim at Atty.marahil pareho sila kampante sa isa't isa. Nakangiting pinagmamasdan ni Atty.ang maamong mukha ni Prim at para bang may kung anong mahika ang umudyok sa kanya para gawaran niya ito ng halik sa mga labi. Ganun nalang ang bigla bilis ng t***k ng dibdib ni Atty.ng madampian ng halik si Prim,mahimbing parin ang pagkakatulog ni Prim ,kaya bumangon agad si Atty.dahil baka ano pa magawa niya sa dalaga kung magtatagal pa siya sa tabi nito,at ayon ang hindi niya nais mangyari dahil malaki ang respeto niya sa dalagang si Prim. Nagtungo siya sa banyo upang maibsan ang init na narramdaman niya alam niyang sumalubo ang alaga niya sa dalaga at yun ang simula ng pananakit ng puson niya. Habang si Prim naman ay nagising na at sinipat ang katabi niya pero wala na si Atty. Kaya bumangon ito upang magtungo sa banyo kukusot kusot pa ng mata si Prim ,natigilan lang ito ng bumukas ang pinto ng banyo at niluwa ang malaadonis na pangangatawan ni Atty.nagkagulatan pa silang dalawa ,kaya dali dali umiwas ng tingin si Prim at nagmamadaling pumasok sa Banyo pero hindi inaasahan na masagi niya ang towel na nakapulupot sa pang ibaba ni Atty at naging dahilan para matanggap sa pagkakaipit at mahulog ito pipihit sana si Prim paharap kay Atty.na mabilis na niyakap ito ni Atty upang pigilan sa pagtangkang pagharap . “D**n !” Narinig niya pa ang mahinang pagmura ni Atty.pero natigilan siya ng maramdama sa likuran niya ang pag-umbok ng alaga nito. Hindi na siya bata para hindi malaman kung ano iyon alam niyang alaga ni Atty.iyon at alam niyang iyon ang bumubundol sa likuran niya. “A-ttorney?” Kinakabahang usal ni Prim. “S**t Sweetheart alam mo bang pinahihirapan mo ako!”nahihirapang usal ni Atty. “P-o?” “N-othing basta huwag kang haharap baka kasi paghumarap kapa mawalan na ako ng control sa sarili at ayoko gumawa ng ikagagalit mo!” Sabi ni Atty.at mabilis na bumitaw sa kanya at kinuha ang towel at tinakip sa pang ibaba nito. Walang lingon lingon na pumasok si Prim sa banyo at sinarado ang lock ng pinto napahawak pa si Prim sa kanyang Dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito at naramdaman niya rin ang pag init ng pisngi niya ,alam niyang namumula ang mukha niya sa kahihiyan. Nagpalipas ng ilang minuto si Prim sa banyo nahihiya parin siya sa nangyari kanina at sarili niya ang sinisisi niya dahil kung hindi niya nasagi ang towel hindi sana nangyari yung kanina . Napabuntong hininga si Prim at naisipan magbanlaw,hindi naman siya pwede umiwas nalang dahil narito siya sa pamamahay ni Atty.at hindi maaring hindi niya ito pansinin baka isipin ng Binata na bigdeal iyon sa kanya ,at ano pa isipin ni Atty.kapag nagpadala siya sa nangyari kanina. Lumabas si Prim ng kwarto suot ang pants at croptop ,tinext niya si Lindsay na magkikita sila para naman mabawasan ang kahihiyan sa sarili na nagawa niya kanina marahil naman sa pagbalik niya ay makalimutan na ni Atty.ang nangyari kanina. Nahihiya na lumapit si Prim sa table kung saan nakahain ang mga pagkain nilang dalawa,tumingin sa kanya si Atty.at ngumiti kaya bahagya na napangiti rin siya pero di parin maitatanggi ang hiyang nararamdaman niya. “Aalis ka?” Tanong ni Atty.ng mapuna ang suot niya,linggo ngayon kaya walang trabaho si Atty.at dito lang ito sa Condo mag mamalagi. “Oo magkikita kame ni Lindsay!” Sagot niya na kinatango ng binata. “Gusto mo hatid na kita?” Suhestiyon nito. “N-aku Atty.hindi na magcommute nalang ako salamat!” Sabi niya at hindi na umimik pa si Atty.kaya kumain silang dalawa nang tahimik. Matapos ang agahan nila siya na sana ang maghuhugas ng pinagkainan nila ng biglang kunin ito ni Atty.sa kanya at ang katwiran ay baka mabasa pa ang damit niya ,nagpaalam na siya kay Atty.at sinundan lang siya ng tingin nito. Hindi mawari ni Prim ang nararamdaman para bang may tampo sa kanya si Atty.at bigla nalang hindi siya kinibuan nito,marahil sa nangyari kanina kaya ganun nalang ang reaksyon ng binata kaya sinawalang bahala nalamang ni Prim ito at nagpatuloy sa paglalakad. ***** “Prim!?” Tawag ni Lindsay kaya naman hinanap ni Prim si Lindsay at nakita niya ito naglalakad patungo sa direksyon niya akmang kakawayan niya ng mapansin niya ang kasunod nito na si Miguel. Hindi malaman ni Prim ang dapat niya ireaksyon ng makita si Miguel ,kaya naman dali dali niya hinubad ang wedding Ring nila ni Atty.at nilagay sa bulsa ng pants niya. Pero sa sobrang taranta di namalayan ni Prim na sala ang paglagay niya sa bulsa niya at nahulog ito sa damuhan . Nakatambay lang silang tatlo sa may Park at nakikinig sa mga kwento ni Lindsay na walang kapaguran at katapusan sa kwento nito. Hapon na at kailangan na nila magsiuwian,nakasakay sila sa sasakyan ni Miguel at nagpahatid nalang silang dalawa ni Lindsay sa Condo nito hindi naman siya maaring magpahatid sa Condo ni Atty.at katakot takot na tanong ang makukuha niya kay Miguel,nagets naman agad ni Lindsay kaya naman pumayag ito sa gusto niya. Hinantay lang nila makaalis si Miguel at saka siya nagpaalam kay Lindsay ,magtataxi na lamang siya papuntang Condo ni Atty. Nagbeso pa silang dalawa magkaibigan at hinantay pa siya makasakay ng Taxi ni Lindsay bago ito pumasok ng building. Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng mapuna niya ang daliri niya na wala ang wedding Ring niya at ng maalala na nilagay niya ito sa bulsa niya ay dinukot niya ang bulsa ng pants niya pero sawi siya ng di niya makapa ang singsing kaya naman binundol siya ng kaba na baka nahulog ito sa may park. Pinakiusapan niya ang driver ng Taxi na ihatid siya sa Park nung una nag alanganin ang driver dahil gabi na at paniguradong wala nang tao doon pero nagpumilit siya at sinabi niya ang dahilan kaya naman inihatid siya nito. Mahigit isang oras na siya naghahanap sa singsing ,hirap siya sa paghanap lalo pa’t ang ilaw lang ng parke ay nanggagaling sa poste at madilim ang kalangitan . Hindi tumigil si Prim sa paghahanap kahit na halos libutin na niya ang buong parke na nadaanan nila. Halos mangiyak na si Prim kakahanap dahil di niya talaga matagpuan ang singsing ,nanghihina siya na napaupo sa bench ng park at mangiyak-ngiyak. Hanggang sa may taong tumigil sa harapan niya ,kaya nag angat siya ng tingin at bumungad sa kanya ang nag aalalang mukha ni Atty.Sirius. “What happen?” Tanong nito.pero di siya umimik sa halip pinagpatuloy niya ang paghahanap ng singsing. “Prim Let's go umuwi na tayo!” Yaya ni Atty.pero di siya kumibo hanggang sa hawakan siya ni Atty. “Stop Prim! Ano ba ang hinahanap mo hayaan mo na iyon ibibili nalang kita bukas!” Usal nito pero natigilan si Atty. Na makita ang luha sa mga mata ni Prim.kaya nahabag siya sa dalaga. “Hindi Atty k-ailangan ko mahanap iyon!” Umiiyak na sagot ni Prim. “Hindi na natin makikita iyon kung gusto mo bumalik nalang tayo dito bukas ng umaga!?” “Hindi ako aalis hanggat hindi ko nakikita iyon!” “Sweetheart umuwi na tayo!?” “Kung walang halaga sayo ang singsing na iyon pwes sa akin mahalaga iyon !” Natigilan si Atty.lalo pa ng makita na hindi suot ni Prim ang wedding ring nila. Para bang nagkaroon ng saya sa puso niya ng marinig iyon sa dalaga na mahalaga rito ang wedding ring nila kaya naman,hinanap nalang din niya ito. Ilang saglit pa napansin ni Atty. Ang singsing na malapit sa bench kaya inilawan niya ito at ng makasigurado yun nga ang wedding ring nila at dinampot niya ito at binigay kay Prim. Naging emosyonal pa ang dalaga kaya labis na kaligayahan ang namuo sa puso ng binata ng makita ang saya sa nga mata ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD