"GOOD MORNING, Ericca!"
"Morning Lee!"
"Good day! Miss Lee."
Bati kay Cai ng kapwa estudyanteng nakakakilala sa kaniya sa unang araw ng pasukan sa Marillac Academy. Maliban sa isa siyang varsity player, galing siya sa isang kilalang pamilya.
Ngini-ngitian niya ang mga ito bilang ganti sa magandang pagbati sa kaniya. Snob naman siya sa mga taong alam niyang plastic ang pagkatao at hangin lang ang utak. Mayayabang, nawala naman ibubuga kundi ang kaakibat na apelyedo ng mayayaman at sikat na pamilya.
Papunta siya sa locker area ng may tumawag sa kaniya. "Miss Lee!" Boses ng isang lalaking palapit nang siya'y lumingon. Tinignan niya ito at hinahalukay sa kaniyang isipan ang taong tumawag sa kaniya. Nang hindi niya makilala ay tumalikod na siya. "Wait, Ericca!" Hinawakan siya nito sa kaniyang braso para pigilan siyang makaalis.
Nagulat siya sa ginawa nito at pati rin ang mga taong nasa paligid nila. Lahat ay napahinto sa kani-kanilang ginagawa at palihim na nagmamasid sa kanilang eksena.
"Hala kuya feeling close lang."
"Mukha naman hindi siya kilala ni Ericca."
"Makahawak wagas!"
"Mamaya guys may makikita tayong bulagta diyan sa semento, alam niyo na kung sino."
Naririnig ni Cai ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa kanila ng estrangherong lalaki dahil sa pagkahawak nito sa braso niya. "Who the heck are you?" Mataray na tanong niya. "Pwedeng pakitanggal yan kamay mo sa braso ko."
"Sorry." Marahan na binitawan siya nito. "I'm Josef Ariel Buenaventura... Joriel for short, isang taga-hanga mo." Paglahad nito ng kamay.
Kunot-noong tinignan lang niya ang nakalahad na kamay nito. Pero nang makita niya ang nagmamakaawang mata nito sa kaniya. Kinamayan na rin niya ito. Sino naman siya para hindi pagbigyan ito, lalo na sa isang taga-hanga niya.
"Ericca Raphael Lee." Ngiting pakilala niya.
"Sayang walang bulagta scene."
"Tama, maganda pa naman sa yearbook ilagay iyon di ba?.. Every year, first day of school, the bulagta scene from Ericca Lee."
Tinignan ni Cai si Joriel at binigyan niya ito ng isang wait-a-second-gesture. Plinaster niya sa kaniyang mukha ang mapait na ngiti bago siya humarap sa dalawang taong nagpainit ng ulo niya. Paglingon, nakita niya ang dalawang taong may kakayahan at lakas ng loob na asarin at biruin siya. Sina Alec Leizelle Lim at Raven Lois Saja, ang kaniyang mga childhood bestfriend since daycare.
"Gusto niyong ma-upper kick para kayo ang ilagay sa front page ng yearbook, hindi lang yearbook pati sa school paper... gusto niyo!" Pagmamataray na pagbabanta niya sa dalawa.
Tumawa lang ang mga ito sa kaniyang sinabi. "Kulang ang scene ng first day high ngayon taon, Cai." Loi said with a poker face.
"Oo nga, kita mo lahat nakaabang sa gagawin mo." Lei said pouted at her, then pointed out the bystander.
Tumingin siya sa paligid kung saan lahat ng tao ay nakatuon ang pansin sa kanila. Binigyan niya ng tig-iisang matatalim na tingin ang mga ito. "Wala ako sa mood gumawa ng bulagta scene ngayon. Kaya pwede ba, ...stop staring at us okay... O baka gusto niyong subukan lalong mawala ang mood ko ngayon." Deklarang niya sa mga nakamasid na estudyante. Nagsikalasan ang mga ito sa kani-kanilang kumpulan. "At kayong dalawa, baka gusto niyong umayos diyan." Komento niya nang makitang nakatingin ang mga ito kay Joriel.
Humarap siya kay Joriel, pinasadaan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hmmm not bad si kuya, gwapo, matangkad at may kakisigan ang katawan. Bumalik ang tingin niya sa mukha nito na maamo na parang anghel. "It's nice to meet you, Josef Ariel Buenaventura." Pormal na sabi niya.
"Joriel na lang." Nakangiting sabi nito.
"Sef na lang pwede, kung ayaw mo hindi tayo bati." Sabay talikod kay Joriel at inakbayan ang dalawang kaibigan na tulala pa rin sa pagkakatitig kay Joriel. "Let's go!"
NAKARATING silang tatlo sa Locker Area nang nagkukulitan at nagkakasiyahan nang bigla na lang sumulpot kung saan ang tatlong lalaki.
"Why don't you make some friends, para naman hindi laging REA THE TRIO ang nakikita ng namin." REA, stands for Raven, Ericca at Alec. Nagulat silang tatlo sa biglang pagsulpot nila Migz kasama sina Jace at Gelo.
"Hey bawal ang mga Senior High sa building ng Junior High Department." Pinagtuturong saway ni Cai sa mga ito.
"Little bear, don't forget you are an Abellana. You can do anything in this Academy. Katulad nang ginagawa namin, di ba." Her brother Migz proudly said to her.
"Whatever, kuya! What are you three doing here?" Aniya na hindi nililingon ang tatlo habang may kinukuha siya sa locker.
"I heard Joriel Buenaventura approached you a while ago." her cousin Gelo firmly said to her.
"Kilala niyo siya?!" Sabay na sambit dalawang kaibigan niya.
"Kinda!" Jace said while Migz and Gelo just nodded their heads.
"So what about him?" Mataray na tanong niya, pagkatapos isara ang locker niya sabay sandal dito.
"Nothing," Migz said.
"As in nothing?" Taas kilay na pangu-usisang tanong niya dahil may hinala siyang meron itong dahilan kung nandito ang tatlo.
"Nothing, gusto lang namin i-kompirma sayo... and besides..." Makahulugan tumingin si Migz kay Jace. "May gusto lang din makita si Jace."
Pinalakihan ni Cai ng mata ang tatlo. "I can't believe you! For goodness' sake! First day of school, nang chi-chicks na naman kayo...LALO KA NA, JACE!" Sabay inis na tinuro niya ang binata.
"Di ba ikaw din may ritual tuwing first day high, ano nga 'yon Miguel?" Pang-aasar ni Gelo sa kaniya. "Ahh, The Bulagta Scene of Lady Ericca Raphael Lee." May pang hawi ng kamay sa ere sambit nityo. "Tama ba ako, ladies?"
"Gusto mo ng sample," sarkistong sabi niya. "Wala pa naman akong na-upper punch at na-upper kick ngayon. Maganda raw kasing ilagay nga sa yearbook 'yon, sakto last school year niyo na ito bilang senior high." Pagkuyom ni Cai ng kamao niya sa harap ng mukha ni Gelo.
"Little Bear, huwag mong bangasan. Maraming magagalit, sige ka." Awat ni Migz sa kaniya. "Jace, bilisan mo na. Malayo ang building natin."
"Hay naku, Ericca. Bakit masama na bang makita ang nagbibigay ng inspirasyon samin at lalo na sa akin?" Lumapit si Jace sa kaniya. "Hindi ko naman siya lalapitan at kakausapin, titignan ko lang siya... Parang ganito oh." Pinagmasdan siya nito at nginitian. "Masama ba yon?"
"Whatever Jace!" Nakipagtitigan din si Cai dito. Haist gwapo talaga!
Hindi maikakaila ni Cai sa sarili na namiss niya si Jace ng husto. Dahil ilang linggo rin nagbakasyon ito sa Sacedon. Ang huling pagkikita nila ng binata ay nung araw na tinulungan siya nitong maglinis ng silid niya at ng kinagabihan din non ay hinatid nilang magkapatid si Jace sa airport.
"Did you miss me, Heart?" Umuklo ito para magkatapat ang kanilang mga mukha. Na nagdulot tuloy ng kakaibang kaba sa dibdib niya. "Kasi ako namiss kita..." Mahinang pinisil nito ang ilong niya at naramdaman niyang may inabot ito sa kanang kamay niya.
"Namiss kitang asarin." Nakangiting tumalikod ito at mabilis naglakad palayo sa kanila.
"Okay na sana eh, maniniwala na ako...Yong pala joke!" Pahabol niyang sigaw kay Jace. Kaya nagsitawanan ang nasa paligid niya dahil sa eksenang nangyari. "Gusto niyo ng upper kick?!" Baling na banta ni Cai sa apat.
"Wag masakit yan!" Nakangiting sabi ni Migz.
"Parang magkasintahan lang sila, ano Migz?" Nakangiti rin sabi ni Gelo.
"Hahaha, as if naman kuya Gelo." Taas kilay na sabi niya. "Let's go girls, bumili tayo ng matinong kausap."
Napansin niya sa kamay ang binigay ni Jace. Isang pirasong bulaklak ang nagpangiti sa kaniyang mga labi. A yellow rose bud.
"SETTLE down, students." Saway sa kanila ng isang may katandahan na guro sa may pinto. Nagsiayos ang lahat ng pagkakaupo nang pumunta na ito sa harapan. " Good morning, class. I'm Mrs. Germina Montalban, your class adviser and Science teacher for the whole school year." Pagpapakilala ng guro sa kanila.
"Students!" Sabi ni Cai sabay tayo. Nagsitayuan na rin ang mga kaklase niya.
"Good day! Ma'am Montalban." Bati nilang lahat.
"Good day, class. Before we start, let me introduce our transferees in this block." Sabi nito, sabay senyas ng kamay para papasukin ang mga transferee.
"Ma'am, ilan po sila." Tanong ng isa nilang kaklase.
"Lima syempre." Sagot ni Loi.
"Eh how did you know?" Kalabit na tanong ni Lei kay Loi na nasa harapan nito.
"Ilan ba ang kulang satin para maging 30?" Balik natanong niya kay Lei. Nasa kanang bahagi niya ito at sa kaliwang bahagi naman niya ang tinted window.
"Lima!" Sagot ni Lei pagkatapos nitong bilangin isa-isa ang mga kaklase nila.
"Eh di lima." Tumingin si Cai sa labas ng bintana. Natatanaw niya sa kaniyang pwesto ang Higher Education Department (HED) Admin Building ng Academy. Parang mas gusto kong pumunta na lang dun...Tumambay at magpahangin...o kaya matulog.
"Uy, si Joriel oh." Kalabit na sabi Lei sa kaniya nasa kabilang desk sabay turo sa harapan.
"May pagka-lastikman ka Lei, alam mo yon.." Pang-aasar niya rito dahil may kalayuan ang desk nito sa kaniya.
"Nakakain kasi ako ng sinumpang prutas, alam mo yon. Gomu-gomu no." Pinakita pa ni Lei kay Cai ang kunwaring paghaba ng braso nito. Katulad ni Luffy na pinapanuod nilang anime na One Piece.
"Mera-mera no mi, naman sakin." Gatong niya sa kalokohan ng kaibigan.
"Ano kayo si Luffy at Ace?" Komento ni Loi na lumingon sa kanila.
"At ikaw si Sabo." Napalakas nasabi nilang dalawa kay Loi.
"Pwedeng ako naman si Chopper?" Singit ni Mrs. Montalban sa kanila. "Miss Lee, Miss Lim and Miss Saja. Lower your voice."
"Sorry Ma'am." Hinge niya ng paumanhin at ngiting bumaling siya sa mga transferee sa harapan. "Transferees, sorry." Ngumiti siya ulit sa kanilang guro. "Si Ma'am oh nakiki-one piece din."
"Bakit kayo lang ba ang pwedeng manuod noon? Cute kaya noon." Ganting ngiti ni Mrs. Montalban sa kaniya. Nagpakilala ang mga transferee including Joriel. Tatlong babae at isa pang lalaki ang komumpleto sa kanilang klase.
In Marillac, 300 students with 10 blocks section per grade level for Basic Education Department (BED). Including the elementary level with 1st Grade up to 6th Grade, Junior High with 7th Grade up to 10th Grade and Senior High Department with two year level. Kapag may transferee, pinapasok sila sa block na kulang sa estudyante. Pero pwede pang mag-exceed for 20 students per grade level para sa mga special students para sa mga MArillac's grantee, academic or athletic scholarship.
"Miss Crisologo, you may take your seat in front of Miss Lee and Miss Sechico in front of Miss Saja." Sabi ni Mrs. Montalban habang tinitignan nito ang kanilang seating arrangement chart sa teacher's table. "Mister Buenaventura and Mister Castillo sa likod nila Miss Camacho at Mister Reolanda. And last Miss De Leon in front of Mister Dela Cruz." Nagsisunuran naman ang tatlong transferee maliban kay Joriel at sa babaeng katabi nito.
"Ma'am pwede po sa likod na lang ako ni Ericca. I mean ni Miss Lee po." Paghingi ng permiso ni Joriel sa kanilang guro.
"That seat was taken, Sef." Deklara ni Cai sa buong classroom habang nakapalumbaba siya at nakaturo sa silyang nasa likuran niya.
"Pero nakalagay dito, wala naman nakaupo diyan." Pakikiusyuso ni Joriel sa chart.
"Because I said so." Mataray na sambit niya.
"Bakit hindi pwede, hindi mo naman uupuan ang dalawang silya sa iisang klase." Pakikipagtarayan kay Cai ng babaeng katabi ni Joriel.
"If you don't want to obey my simple request or rules sa klaseng ito, you're free to get out of this class... Miss Ayane Belle Hernandez De Leon." Pinasadaan niya ito ng tingin mula ulo hanggan paa, habang binabangit niya ng dahan dahan ang buong pangalan nito.
"Or better yet, transfer yourself AGAIN to a different academy. We don't need you anyway." Nakahalukipkip na sabi ni Lei.
"You have no choice young lady, you just need to obey. Wala kang magiging problema." Loi said while reading manga.
"Transferee ka, kaya wag kang umusta na pag-aari mo ang academy."
"Enough Ladies." Saway ni Mrs. Montalban. "Did you all undergo an early orientation for transferees last week?" The five transferees nodded. "Okay, then you heard the special request and rules of Abellana?"
"The SRRA, Ma'am." The other guy named Daniel said. Pagkatapos ay bumaling ito kay Cai. "It mean to say, you are the unica hija of Abellana Clan. Ericca Raphael Lee y Abellana! I'm pleased to finally meet you, young lady." Sumaludo ito sa kinauupuan na may masayang ngiti sa kaniya.
"Now you know!" Pang-aasar ng mga kaklase nila.
"So that's it, the little arguement we have here is already settled and you two may sit down in your respective seats." Wala ng nagawa si Joriel, at si Aya naman ay isang masamang tingin ang pinupukol nito sa kaniya..
In your face! Cai mouthed on Aya. Kay Dayle yan..walang uupo diyan kundi siya lang.
"Okay class, introduce yourself first for our new students. Then I'll give the class schedule, school calendar activities, and all the subject's lessons for this semester grade." Malumanay na sabi Mrs. Montalban.
"Then we're free to go and roam around the campus, Ma'am!" said of one of the transferee. Biglang nanahimik ang buong klase sa lakas ng loob na tinuran nito sa kanilang guro. Nagsitawanan na may kasamang palakpak silang tatlo nila Lei at Loi sa sinabi nito.
"Nice one! you have a gut..." palakpak na sabi niya habang tumatawa. "Don't be shy, Meri...Mukhang masaya ang school year na 'to. Ano sa tingin niyo." Habang natatawa pa rin siya. "I'll think I like you. What do you think?" sabay tanong niya rito. nakitang niyang ang pagkagulat sa kaniyang tanong.