February 27, 2020
Ms. Eroina G. Ceres
Hello, we are inviting you! We want you to know about the upcoming Alumni Party of the batch 2013-2014 of Xanfield University that will be held within the university.
The said party will be exclusive for the Xanfiers, and Morsoars from the Sister School— Morsetell University.
We are expecting for your presence!
That was the message in the email that I received from my former school— Xanfield. Napabaling ang tingin ko ka Entreis ng binato niya ako ng unan.
"What?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. Dinuro-duro pa ako nito bago siya nagsalita.
"Alam ko mga itsurang 'yan!" nanlalaking matang sagot niya. "Tumawag na sa akin si Xeila. Uuwi raw siya para umattend kaya 'wag kang kill joy." dagdag pa nito bago ako inirapan.
Tumayo ako mula sa sahig at umupo sa sofa upang tumabi sa kanya. Humilig ako sa balikat niya bago umiling. Alam kong naiintindihan na ni Entreis ang gusto kong ipahiwatig sa simpleng aktong ito.
"Anong iniiling mo? Pupunta tayo! Ang arte nito, bakit ba ayaw mo ha? 'Di mo ba namiss si Xeila?" naiinis na tanong nito sa akin bago ako itinulak palayo sa kanya.
"Namiss pero pwede naman kasing tayong tatlo na lang ang magkita-kita eh," nakangusong sagot ko sa kanya. "Tsaka siguradong pupunta roon si Niall." mahinang dagdag ko pa.
"Ah kaya, akala ko ba ayos ka na ha? Limang taon na nakalipas affected ka pa rin?" seryosong tanong nito sa akin.
Tiningnan ko siya at masama ang tingin nitong ibinibigay sa akin. Minsan talaga napaka-insensitive nitong pinsan ko. Hindi naman kami parehas ng coping process. Napabuntong-hininga na lamang ako bago sumagot sa kanya.
"I stalked him yesterday." pag-amin ko sa kanya. Agad na bumalatay sa mukha niya ang pagkagulat at pagkaasar.
"You did what?! Eroina, ano sinasaktan mo na naman ba 'yang sarili mo ha?" galit na singhal nito sa akin. Napatawa naman ako ng mahina at umiling-iling.
As expected, alam ko namang magagalit na naman ito pag nalaman niya iyon pero masisisi niya ba ako? Hindi ko naman sinasadya na ma-bored para sumagi sa isip ko si Niall. That's why I ended up stalking his social media accounts.
"I just stalked him nothing more." simpleng sagot ko sa kanya. Tumalim ang mga titig nito sa akin dahil sa sinagot ko.
"I know you, Yna. I know you..." sagot nito sa akin. "Please, I don't want to see you being broken as f**k, again. I don't want you to be that kind of person again."
Ngumiti na lamang ako sa kanya ng maliit at nagkibit-balikat. Ayos naman ako, after stalking him I realized that I am already happy for what he is right now.
It is just I can't stop myself from missing him after all these years.
MABILIS kong tinakbo ang soccer field dahil kanina pa tawag ng tawag sa akin si Entreis na nag-uumpisa na raw ang laro. Hindi ko ba alam kung bakit pinagmamadali niya ako eh wala naman akong papanoorin doon.
Nang makarating sa stadium ay marami ng nakaupo upang manood ng laban ng Xanfield at Morsetell sa championship.
"Yna!" sinundan ko ang boses ng tumawag sa akin at nakita ko si Entreis na nakaupo sa pinaka-unahang bahagi ng bleachers. "Sobrang tagal mo! Nag-uumpisa na 'yung laro kanina pa." nagpapapagyak na sermon nito sa akin. Inirapan ko lamang siya at umupo sa tabi niya.
"Bakit kasi pinapunta mo pa ako eh wala naman akong papanoorin dito? Dapat si Xeila na lang inaya mo eh," naiinis na singhal ko rito. Nilingon ko ang score board at nakitang 3-1 ang score kung saan lamang ang Morsetell University.
"Tamo! Talo pa tayo my gosh." maarteng dagdag ko pa. Binatukan naman ako ni Entreis at ngumuso sa akin.
Tunay naman ang sinabi ko. Porket player ng team namin ang crush niya parang hindi niya alam ang katotohanang matatalo ito ng Morsetell. Ang bulok-bulok naman kasi ng team namin, kainis!
Inabala ko na lamang ang sarili sa panonood sa mga naglalarong players sa field ng biglang matumba si Harris. Halatang binangga ito ng isang player sa Morsetell dahil nakita ko pang ngumisi ang lalaking naka-jersey number 1.
"Hoy! Ano 'yon?! Sino 'yong number 1 na 'yon? Anong karapatan niyang saktan si Harris ha!" malakas na sigaw ni Entreis mula sa kinatatayuan niya. Hinila ko naman ito at pilit na pinaupo.
"Kumalma ka nga, Entreis! Sasakalin na kita." naaasar na singhal ko rito. Napaka-eskandalosa talaga nitong si Entreis. Akala mo naman ay kilala ni Harris para magtanggol ng ganito roon sa tao.
"Hindi, Yna! Mali 'yon. Hahanapin ko talaga 'yang Fossler na 'yan. Babash ko siya!" sigaw nito sa akin habang nakaturo sa lalaking bumangga kay Harris.
Tangina, malala na 'tong pinsan ko.
Hindi ko na lamang pinansin si Entreis hanggang sa matapos ang laro kung saan ang Morsetell nga ang itinanghal na panalo. Agad namang bumaba si Entreis ng stadium at tumakbo papunta sa field kaya wala akong nagawa kundi ang habulin siya.
Malamang ay pupunta iyon kay Harris at magpapapansin na naman, stress!
Sa pagtakbo ay bigla akong nabangga ng mga babaeng nagtatakbuhan patungo sa mga nanalong manlalaro.
"Aray! Kainis naman 'di manlang nag-sorry." sigaw ko sa mga lumampas na babae sa akin at agad na dumiretso ng lakad.
"Tapang," dinig kong sabi ng isang lalaki na nilampasan ko. I looked at him and he was sporting a soccer t-shirt with Morsetell written in front. His deep black hair was perfectly disheveled. Shorter on the sides than on the top. His jawline was defined, below on his neck was a defined adam's apple. And his eyes were deep brown that perfectly suits his eyebrows that were same bottomless black of his hair.
I'm impressed. Why do this man was so freaking attractive?
Ngunit wala akong oras para rito. Hindi ko na lamang ito pinansin at nilampasan na lamang siya. "Suplada rin pala buti 'di ka kinuyog ng mga 'yon." tumatawang dagdag nito kaya tumigil ako sa paglalakad at nilingon ito.
I raised my right eyebrow and crossed my arms. "Duh, wala akong pake sa kanila. Hindi na nga marunong mag-sorry tapos makikipag-away pa? Is that what they learn from your university?" maarteng tanong ko sa kanya.
Dahan-dahan itong lumapit sa akin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Nang makalapit ito sa akin ay napansin ko na malaki ang tangkad nito sa akin at napakadaming emosyong mayroon sa mga mata niya.
"Ewan ko sa kanila." nakangising sagot nito sa akin. Napairap na naman ako dahil sa sinagot niya.
Wala talagang sense kausap mga taga-Morsetell. Weird!
"Wala kang sense kausap, ewan ko sa'yo." naiinis na sagot ko sa kanya at muli siyang tinalikuran. Hindi pa ako nakakasampung hakbang ay muli akong napalingon sa kanya. Nandoon pa rin ito sa kinatatayuan niya at nakatingin lamang sa akin.
"Ikaw 'yong bumangga kay Harris kanina diba?" tanong ko rito habang masamang nakatingin sa kanya. Tumawa ito kaya lumabas ang perpekto nitong mga ngipin at sobrang gwapo nang paggalaw ng adam's apple niya!
Shit, that was hot.
"Oo, ang lampa kaya niya. Huwag mong sabihin na gusto mo 'yon? Mas gwapo naman ako doon." nakataas ang kilay nitong tanong sa akin. Attitude lang?
Hindi ko naman ipagkakailang gwapo nga siya kaso napakayabang naman. Hindi ba uso magpa-humble sa lalaking ito kahit kaunti? Parang ang sarap niya tuloy hambalusin.
"Lah, kapal mo naman. Saang parte 'yong gwapo? Tsaka super galing ka ha? Epal." tinalikuran ko na ito nang tuluyan at iniwan siya roon nang marinig ko itong sumigaw.
"Yes, I'm handsome and I'm good at a lot of things. By the way, I'm Nialliv Fossler!"