Chapter 4

572 Words
Lutang akong naglalakad palabas ng mansyon kung saan naghihintay si prinsipe Kai. We have to deliver an invitation for our engagement party to other royalties. We need to personally deliver the invitations, just like the traditional royal weddings. Nakakapagod pero iyon ang tradisyon at wala kaming magagawa kundi ang sundin ito. "What took you so long? You beg to me not to cancel this wedding but you're giving me more reasons to." "I'm sorry, bibilisan ko na sa susunod." Masungit siya, malayong malayo sa ugali niya noong nakilala ko siya sa bar o baka marahil ay hindi ko naman talaga siya kilala. Sa royalties ng Alteria muna kami mamamahagi ng inbitasyon pagkatapos ay sa Silverio, huli na sa iba pang kaharian. Una naming pinuntahan ang mansyon ng aking tiya Cecil at tiyo Rome. Masaya nila kaming sinalubong at pinapasok. "Sa wakas ay matutuloy na ang iyong kasal Veronika, iha masaya talaga kami," wika niya. Matapos ang sandaling kwentuhan ay kinailangan na naming umalis at maghatid pa sa iba. Malapit nang maghapon ng matatapos na kami. Ang huli naming pupuntahan ay ang mansyon nina Karina. Siya ang sumalubong sa amin at nagpapasok sa loob. Naghihintay sa loob si tiyo Rodrigo at tiya Rebecca. Istriktong nakatingin sa amin ang tiyo bagay na nakapagpakaba sa akin. "This is a loveless marriage, I just want you two knew how to handle your hearts, don't let foolish love ruin your marriage in the future." Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi ng tiyo. Hindi ko pa nararanasang magmahal at sana'y hindi na iyon dumating kung makakasira iyon sa aming pagsasama ni prinsipe Kai. "You don't have to worry, who knows maybe we will fall in love with each other." Napatingin ako kay prinsipe Kai ng sabihin niya iyon, tumingin pa siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Gusto kong matuwa sa sinabi niya ngunit alam kong hindi siya seryoso ng sabihin iyon. Hinatid na niya ako sa aming mansyon at sinabayan pa akong kumain ng dinner. Tahimik lang akong naglalakad paakyat ng hagdan para magtungo sa aking silid ng maramdaman kong kasunod ko siya. "Hindi mo na ako kailangang samahan pa patungo sa aking silid," wika ko sa kanya. "Don't tell me what to do." Hindi na ako nagsalita ng sungitan na naman niya ako, daig niya pang bipolar sa bilis magbago ng kanyang emosyon. Kanina lamang ay parang mabait na sweet tapos ngayon ay masungit na naman. Nasa tapat na kami ng pintuan ng aking silid, binuksan ko iyon at pumasok. Hindi ko muna isinara at humarap sa kanya. "Salamat," naiilang na wika ko. Seryoso lang s'yang nakatingin sa akin at ng magawi ang kanyang mga mata sa labi ko ay agad ko iyong nakagat. Tumalikod na siya at handa ng umalis ngunit bigla siyang humarap sa akin at walang paalam na hinalikan ang labi ko. Sinimsim niya ang ibabang labi ko, dahil sa gulat ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Nanlambot ang mga tuhod ko, at bago pa man bumigay ang mga iyon ay hinapit niya ang bewang ko gamit ang isang kamay, nakapalupot ito sa maliit kong bewang habang ang isang kamay niya ay nasa pisngi ko. Mas diniinan pa niya ang paghalik sa akin at ng tila nagsawa na siya ay binitiwan na ako. Halos bumagsak ako sa panghihina mabuti nalang at nakahawak ako sa pinto. "What's that?" Di ko maigilang tanong sa kanya. "It's just a kiss, forget it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD