Gia * * " Hindi ko sila anak maniwala kayo saakin. Wala akong anak." Mariing pagtanggi ng aking tunay na Ina Nandito kami sa Korte para sa final na hatol sa kaso na sinampa namin magkakapatid. Hindi kami kumikibo tahimik lang kami na nakatitig sa mag-asawa na nag abandona saamin magkakapatid. Pinisil ni Kuya Rocco ang kamay ko " It's okay Bunso! Hindi natin sila kailangan. Mabuhay tayo na wala sila kaya hindi mo sila kailangan iyakan. Nakikita mo naman kahit sa harapan ng Kotre tinatanggi nila tayo. " Mahinahanon na wika ni Kuya Rocco Tahimik ang buong paligid tahimik na binasa ng Hukom ang DNA test " Mr And Mrs 99.9999999% Positive na mga anak mo sila." Paunang wika ng Hukom Biglang humagolhol sa pag-iyak ang tunay kong Ina. " Dapat pinatay ko nalang sila. Sila ang sumira

