Chapter 34 Ayaw namin but my father is pursuing us to have a honeymoon. Siya na raw muna ang bahala sa mga bata at kita ko kay Anton ang bahagyang pagkinang ng mga mata niya. Ramdam kong gusto niya pero nahahati iyon dahil gusto rin niyang makasama ang mga bata. "Gusto kong bumawi sa mga apo ko at hindi ko iyon magagawa kung narito kayong dalawa, so go abroad. You both deserved it," ani Papa. "Why don't you go with us together with the kids, Senyor? I mean, Pa?" si Anton. "May pasok pa ang mga bata!" giit ko. "Makakapaghintay naman ang honeymoon." Nilingon ko ang ama ko. "Saka na lang, Papa." Pumayag naman sila sa desisyon ko. Sa pagdaan ng araw at buwan ay hindi sila nagkulang sa atensiyon sa mga anak ko. Papa is always with us at every dinner. Babalik ulit kinabukasan. I could fee

