Chapter 24 "Wait for me, baby! Magbibihis lang ako!" "Ok po, mommy!" sigaw ng anak ko pabalik. Lumabas ako ng bathroom. Agarang naghanap ng damit sa cabinet. Ang bulaklaking daster ang nahila ko. Hindi ko na nagawang magsuklay ng buhok, pinanatili kong nakabalot ang ulo sa tuwalya. Hindi ko inaasahan na darating si Teacher Jeremiah ng ganito kaaga. Wala ba siyang trabaho ngayon? Hindi ba oras na ng klase niya? Nang sulyapan ko ang orasan, alas diyes pa lamang. Naisip ko na baka gusto niyang ibigay ang pinag-usapan nila ni Karla kahapon bago siya papasok sa eskuwela. Malawak ang ngiti sa labi ng aking anak nang lumabas ako ng aming silid. "Hindi ka na mukhang may sakit, mommy. You look pretty!" bulalas niya. She watched me in awe. Sinenyasan niya akong yumuko kaya sumunod ako. Mabili

