Chapter 22 It was already dark when April sent me home. Walang hanggang sermon muna ang inabot ko sa kanya bago ako nilubayan. "Will you be okay here? Kailangan ko na rin kasing umuwi," aniya habang binibigyan ako ng tubig na maligamgam. Itinaas niya rin ang kumot hanggang sa aking dibdib. "Ayos na ako. Go home at baka hinahanap ka na ng kambal mo." April looked at me with concern in her dolly eyes. "Kung puwede lang ako na rin sana ang mag-aalaga sa 'yo." She heaved a sigh. Titig na titig siya sa akin at akmang yayakap ngunit ihinarang ko ang dalawang kamay sa dibdib. "Ano ka ba? Mamaya mahawa ka sa akin tapos madala mo sa bahay n' yo, kawawa naman ang kambal kapag nagkasakit." Her eyes dimmed. She gave me a frown. "Damot! Yayakap lang, e! "Paano nga kung mahawa ka? Umuwi ka na n

