NAPASIMANGOT si Ira pagpasok niya ng library. May nakita na naman kasi siyang bulaklak sa mesa niya. Ang mas malala pa nito, nakalagay iyong bulaklak sa mismong teacher’s table niya. Dati rati kasi nakikita niya lang ito sa mahabang mesa na ginagamit ng mga bata. Ngayon sa mismong mesa na niya. Nang damputin niya ang bulaklak, may napansin din siyang pink na sobre sa tabi nito. Nakasulat ang pangalan niya sa harap. Nang buksan niya ang sobre, may nakatuping papel roon. Napangiti siya nang makita kung ano ang nakasulat sa papel. Miss na maganda, Kailan mo ba ako mapapansin? Pakiwari ko, ako’y isang hangin Na dinadaan-daanan mo na lang Kailan mo ba papansinin Ang pusong nahuhulog na Sa iyong angking kagandahan At mabuting kalooban Kahit itago mo pa Sa iyong kasungitan Ang tot

