PATINGIN-TINGIN si Xyrus sa mga kasambahay na naghahain ng hapunan. Sina Chia at Nanay Salome ang naroon. Nasaan kaya si Ira? Bakit hindi nila kasama? Gusto sana niyang itanong iyon kay Nanay Salome pero dahil nakaharap ang mga kapatid niya at si Lana, hindi na lang siya umimik. Natapos silang kumain na hindi man lang niya nakita si Ira. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hinahanap niya ito. Pagkatapos ng gabing may mangyari sa kanila, hindi na niya ito nilapitan o kinausap man lang. Iniiwasan niya ito. Pero iba ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niya itong makita at makausap. Nasaan kaya ang babaeng iyon? Pagkatapos nilang kumain, dumiretso na agad si Xyrus sa kanyang kuwarto. Pumasok siya ng banyo saka hinubad ang lahat ng kanyang suot. Nagpapalatak siya nang mapansin

