“MALIGO ka na, iha. Ako na ang bahala rito,” ani Nanay Salome habang pinupunasan nito ang ulo niya. Hindi naman umiimik si Ira. Gusto niyang maghinanakit. Pero kanino ba siya dapat magalit? Kay Xyrus ba dahil dinala siya sa lugar na ito? Sa daddy ba niya na nagkasal sa pamilyang ito kaya siya nadamay? O sa sarili niya dahil hindi siya umaalma kahit nasasaktan na siya sa ginagawa ng ibang tao sa kanya? Pero naisip niyang hindi rin naman pala siya puwedeng tumakas o umalis sa lugar na ito dahil siguradong babalikan siya ni Xyrus. Ang malala pa nito, hindi na lang siya ang parurusahan nito. Baka idamay pa nito ang mommy niya kaya hindi pa rin siya dapat umalis. Kawawa ang mommy niya kapag ginawa niya iyon. Titiisin na lang niya ang hirap sa poder ng magkakapatid na ito. Matatapos din naman

