NAGISING si Ira na masakit ang buong katawan niya. Napangiwi pa siya nang mapansin na nakayakap ang isang braso ni Xyrus sa kanya. Samantalang nakaharap ang mukha nito sa kanya. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito sa katawan niya. Pinilit pa rin niyang bumangon kahit nahihirapan siya. Peste kasi si Xyrus! Para itong gutom na gutom. Ginawa siyang pagkain. Ilang beses siya nitong inangkin sa buong magdamag. Kung hindi pa siya nagreklamo na mahapdi na ang p********e niya, hindi siya nito titigilan. Sinilip niya ang oras sa relo ni Xyrus na nakapatong sa bedside table. Alas-singko na ng umaga. Hinawi niya ang comforter na nakatakip sa kanyang katawan saka siya dahan-dahang bumaba ng kama. Pinulot niya ang bathrobe na nahulog sa sahig at isininuot ito. Nahihirapan man, pinilit pa ri

