Chapter 6

742 Words
Luna's POV Kanina pa siya nakaupo sa gilid ng kama, after nilang mag usap ni Kyros ay agad siyang nagpunta sa kwarto nito na magiging kwarto na nilang dalawa.  She still can't believe na nangyayari ang mga sinabi nito, nang tawagan kasi niya ang ina ay sinabi nga nitong may sumundo sa kanila at nasa airport nadaw ang mga ito patungong manila para ayusin ang mga papeles na kakailanganin ng mga ito bilang paghahanda  sa  pagalis nang bansa. Hindi niya alam kung anong klaseng mahika ang meron ang asawa niya para magawa ang lahat ng ito pero ipinagpapasalamat nalang niya iyon. Pagkatapos niyang kausapin ang mama niya ay dumeretso na agad siyang naligo at ito nga hindi siya mapakali dahil ito ang magiging unang pagkakataon na may tatabi sa kanya sa pag tulog na lalaki.  "Why are you not asleep yet?"  Napalingon siya nang biglang may magsalita sa likuran niya. Sa subrang lalim nang iniisip niya di niya man lang napansin ang pag pasok ng asawa.  Nahihiyang umiwas siya nang tingin dito nang mapasin na naka sandong puti lang ito at boxer shorts. Siguro naligo ito sa isa sa mga bakanteng kwarto dito sa bahay. Ramdam niya ang pag lundo nang kama sign na humiga na ito kaya agad din siyang humiga patalikod dito.  "Are you afraid love?" Mahinang sabi nito sa may batok niya kasabay nang pagyakap nang braso nito sa bewang niya.  Tila siya na estatwa nang maramdaman ang init nang katawan nito sa likuran, kagat labing pinigil niya ang hininga nang hilahin nito ang kumot at ikumot sa kanilang dalawa. Pinapanalangin niya na sana hindi nito naririnig ang lakas nang kabog nang puso niya dahil sa ginawa nito.  "Get used of my hug Luna  dahil asawa na kita and I am a hugger type. At kailangan mong sanayin ang sarili mo na ganito tayo kalapit dahil ayaw mo naman sigurong magtaka ang mama ko diba?" Sabi nito kaya tumango siya at dahan dahang bumuntong hininga. "Di kaba makatulog?" Tanong nito kaya tumango ulit siya. Ewan ba niya pero natatakot siyang magsalita. Ganun nalang ang pamumula niya nang hilahin siya nito paharap at titigan sa mata. Ang gwapo talaga ng lalaking to. Sigaw nang isip niya. Ganun nalang ang gulat niya nang tapikin nito ang hita niya habang ang isang braso ay inilagay sa likod nang ulo niya at hinila siya palapit dito. Nang makuntento ito sa pwesto nila ay agad itong nag hum ng isang lullaby ng mahina habang tapik tapik padin ang hita niya na parang bata.  Halos dumugo ang labi niya sa diin nang pagkagat niya para lang mapigilan ang sarili na itulak ang asawa. Hindi niya akalain na may ganito pala itong katangian, aaminin niya gusto ng mangisay nang katawan niya sa kilig na nararamdaman dahil sa ginagawa nito. Never in her wildest dream na may isang lalaki na gagawin ang ganito makatulog lang siya.  "Sleep now Luna. Sleep." He said kaya agad siyang pumikit at pinagsalikop ang dalawang kamay sa pagitan nang katawan nila.  "Good night wife." Bulong nito bago niya naramdaman ang masuyong halik sa  noo niya. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na gising habang nakapikit , pero nang yakapin siya nito at pinaunan sa dibdib nito ay tila siya hinihila ng antok habang nakikinig sa malakas na t***k nang puso nito.  —————————— Kyros POV  Napangiti siya nang maramdaman ang payapang paghinga ni Luna, mukhang nakatulog na nga ito. He then remove some hairstrands in her face para makita niya nang maayos ang mukha nito. She got a small face na walang kabahid bahid na make up.  In his investigation she's 25 years old and no boyfriend since birth. Hanggang first year college lang ito dahil narin siguro sa kahirapan, at namasukan ito bilang tindera sa isang malaking grocery store sa Davao city bago ito napadpad sa manila and you guys know what happen next.  Napangiti siya nang mapatingin ang mga mata niya sa labi nito. Dahan dahan niyang hinaplos iyon na tila dinadama ang kalambutan nito.  Hold yourself Ky, calm the f**k down geez Napailing siya bago bumuntong hininga at halikan ulit ang asawa sa noo nito. Then he hug her comfortably bago ipinikit ang mata.  Sleep tight Luna. ———————————####—————————-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD