Chapter 4

1613 Words
Luna's POV Kakatapos niya lang ilagay ang mga gamit niya sa kwartong itunuro nang Maid sa kanya. Tutulungan sana siya sa pag aayos pero tumanggi siya dito. Kanina nung makarating siya sa bahay ni Kyros halos malula siya sa ganda at laki nito. This is her first time to step on a very fancy house. Nakadinig siya nang katok sa pinto kaya agad niyang binuksan iyon.  "Ma'am nakahanda napo ang meryenda ninyo." Sabi nang katulong na kaedad niya lang ata. Tatalikod na sana ito nang hawakan niya ang kamay nito.  "Ahmm wag mo na akong tawaging Ma'am, Luna nalang po . Tsaka ano po ang pangalan niyo?"  Ngumiti ito tsaka bahagyang yumuko sa kanya. "Baka magalit po si Sir pag di po kita tinawag ng Ma'am. At ako nga pala si Nina, yung mayordoma naman dito si Nanay Ising. Yung dalawang guard sa gate ay sina Lando at Fabian. May dalawa pa po akong kasama sina Claire at Lourdes. Halika po sa baba, nang makilala mo po sila." Sabi nito tsaka ito nag patiuna sa paglalakad.  Nang makarating sila sa kusina ay may nakita siyang tatlong babae, dalawang kaedaran niya at isang matanda.  "Ma'am siya po si Nanay ising." Turo nito sa matanda. "At sila naman po si Claire at Lourdes." Pakilala ni Nina sa dalawa na agad naman ngumiti sa kanya. "At siya naman ang asawa ni Sir Kyros si Ma'am Luna."  Dinig niya ang pagsinghap nina Claire at Lourdes kaya napatingin siya sa mga ito.  "Hala Sorry Ma'am, nagulat lang po kasi kami. Wala po kasi kaming nakikilala na girlfriend ni Sir kaya na shock po kami sa sinabi ni Nina na asawa ka ni Sir Kyros." Claire said.  Ngumiti siya sa mga ito tsaka tumingin kay Nanay Ising. "Wag na po ninyo akong tawagin na Ma'am, Luna nalang po." Mahinang sabi niya na nagpangiti sa matanda.  "Napakabait mo namang bata iha." Sabi nito. "Sige tatawagin ka naming Luna pero pag wala si Kyros pag nandito siya, Ma'am ang itatawag namin sa iyo."  Tumango siya tsaka umupo sa upuan. "Sabayan niyo po ako sa pag memeryenda. Hindi ko po kasi mauubos ang ginawa ninyo. Tsaka bigyan niyo nadin nang meryenda sina Lando at Fabian sa labas panigurong gutom na ang mga yon." Sabi niya bago sinimulang kumuha nang pagkain sa mesa.  Nang makabalik si Claire galing sa pagbibigay nang pagkain sa dalawang gwardiya ay agad itong umupo at nakisabay sa pagkain nila.  "Nay Ising pwede po ba akong tumulong sa mga gawaing bahay dito?" Tanong niya na nagpalaki nang mga mata nila.  "Naku iha hindi pwede, papagalitan kami ni Kyros." Agad na sabi ni Nanay Ising. "Isa pa nandito naman sina Nina para gawin yun."  "Ayaw ko lang po nang walang ginagawa Nay." Sabi niya na ikinangiti nito.  "Mag garden ka nalang ma'am." Lourdes said. Na sinang ayunan agad ni Nina. "Oo nga po. May space po sa likod na kulang nalang ay mga halaman. Yun nalang po ang gawin niyo wag lang kayong maglilinis dahil baka tanggalin kami ni Sir."  Tumango siya bago sumubo nang Cake. "Sige ipakita niyo sa akin mamaya. Para makausap ko si Kyros kung pwede ba ako mag tanim don." Sabi niya tsaka tumingin ulit sa matanda. "Nay pwede po bang banana cue naman ang gawin nating meryenda bukas? Mas sanay po ako dun kesa dito sa cake." Sabi niya na ikinatawa nang apat.  "Alam mo Ma'am unang kita ko palang sayo mula ng ihatid ka ni Ashton dito, alam ko nang mabait ka. Kaugali mo po si Ma'am Kara, down to earth at hindi mapag mataas." Nina said na nagpakunot nang noo sa kanya.  "Sino po si Kara?" Tanong niya.  "Di pa po ba pinapakilala sayo ni Sir? Kapatid po siya ni Sir Kyros. Mas gusto din nun ang mga pagkaing hindi pangmayaman. Sigurado pong magiging kasundo niyo po yon." Claire said.  "Hellooooooo, may tao ba dito?" Sabi nang isang boses sa may sala.  Agad nag tayuan ang apat at sabay sabay na lumabas sa kusina kaya sumunod nadin siya. Nakamasid lang siya nang biglang niyakap ng bagong dating si Nanay Ising habang kinukuha naman nila Nina ang mga gamit nito. Naka nursing uniform ang babae at tila ito modelo sa  ganda. Walang kabahid bahid na kulorete ang mukha nito pero tila ito isang manika dahil sa puti at kinis.  "Sino ka?" Sabi nito tsaka ito lumapit sa kanya.  "Wag mo ngang takotin ang asawa ng kuya mo Kara." Sabi ni Nanay ising na nagpalaki sa mga mata nito.  Ganun nalang ang gulat niya nang bigla itong tumili kasabay nang pagyakap sa kanya.  "Wahhhhh sorry , akala ko kasi may mga desperada na namang nakapasok dito sa bahay ni Kuya. Sorry talaga. Nako ang ganda ganda mo naman. Bagay na bagay ka talaga sa kuya ko." Sunod sunod na sabi nito.  "Ahmm Hi?" Sabi niya dito na ikinatawa nang babae.  Bumitiw ito sa kanya bago inabot ang kamay niya. "Hi, I'm Kara. Kapatid ako ni Kuya Kyros." masaya nitong sabi.  "Luna, asawa niya?" patanong niyang sabi na ikinatawa nito. "Halina kayo't ipagpatuloy natin ang pagkain nang meryenda."putol ni Nanay Ising sa kanila  tsaka ito naunang nagpunta sa kusina. Naka angkla si Kara sa kanya at nakangiti lang itong naglakad katabi niya. Nang makaupo sila ay agad tumabi sa kanya si Kara.  "Nay sana banana cue nalang ang niluto niyo." Agad na sabi ni Kara na nagpangiti sa kanya.  "Sus mag katulad kayo nang sinabi nitong asawa ng kuya mo. Hala sige bukas yun ang lulutuin ko." Sabi ni Nanay Ising.  Kara look at her habang malaki ang ngiti nito. "So ate kailan ako magkakapamangkin?" Tanong nito na nagpatawa kina nay ising at nila nina habang nagpapula naman nang mukha niya.  "Stop that bunso, your making my wife look like a tomato." Sabi nang bagong dating.  "Kuya." Agad na sabi ni Kara sabay tayo at halik sa pisngi nang kuya nito.  Ramdam niya ang pag lapit nang lalaki tsaka siya hinalikan sa ulo. "Hi love, kinukulit kaba nang kapatid ko?" Tanong nito.  Tumingin siya kay Kyros at kiming ngumiti sabay iling. Ramdam niya na naman ang lakas nang kabog nang dibdib niya lalo nat subrang lapit nito.  "Bat ang aga mong umuwi kuya? Alas tres palang nang hapon pero nandito kana."  Kyros sighed bago siya nito hinila patayo at inakay palabas ng kusina. Ni hindi man lang nito sinagot ang tanong nang kapatid nito.  Paakyat na sila sa second floor nang tinawag sila ni Kara . "Galingan niyo sa pag gawa nang pamangkin ko ah? Gusto ko kambal kuya." Nakangisi nitong sabi sabay takbo sa kusina. Dinig na dinig pa niya ang mga tawanan nito at nina nay ising.  Tumingin sa kanya si Kyros bago nito ipinagpatuloy ang pag akyat habang hawak hawak ang kamay niya. "Sorry for that, sadyang maloko lang talaga ang kapatid ko." Sabi nito.  Ganun nalang ang pamumula nang pisngi niya nang pumasok ito sa kwarto kung saan siya hinatid ni Nina.  "Sandali bat diyan ka pumasok? Wala kabang ibang kwarto.?" Tanong niya. Agad siyang napatalikod nang magsimula itong maghubad sa harap niya. "Tsaka bat ka naghuhubad?"  Dinig niya ang tawa nang lalaki. "You can look now Love, tinanggal ko lang ang polo ko. I still have clothes on." Sabi nito kaya tumingin siya sa lalaki. Nakasando nalang ito at slacks na pantalon. Napalunok siya nang madaanan nang mga mata niya ang biceps nito at ang abs na bakat na bakat sa sando nito.  "Did my body pass to your standards sweetheart?" Nakangisi nitong sabi kaya namula ang mukha niya.  Tumayo ito ilang hakbang sa kanya tsaka siya tinitigan. "And for your question awhile ago. I am here cause this is my room too sweetheart." Sabi nito na nagpanganga sa kanya.  "Eh pano ako? Saan ako matutulog? Dito ako hinatid ni Nina." Sabi niya na nagpatawa sa lalaki. Ganun nalang ang panlalaki nang mga mata niya nang hinila siya nito at iniyakap nito ang mga braso sa bewang niya.  "Of course Nina will send you here because your my wife. Saan ka nakakakita nang mag asawa na hindi iisa ang silid tulugan?" Tanong nito.  "Pero hindi tayo normal na mag asawa Kyros." Sabi niya habang nakaiwas ang tingin dito. Hindi niya kasi matagalan ang pagtitig nito.  "Alam ko, but we need to act like a normal husband and wife everywhere Luna. Kahit dito sa bahay dahil mga mata ng mama ko ang lahat ng katulong dito." Sabi nito.  Magsasalita na sana siya nang bigla nitong sinakop ang labi niya. Nanlalaki ang mga mata na nakatingin lang siya sa lalaki habang nakapikit itong hinahalikan siya. Ganun nalang ang pagsinghap niya nang umakyat baba ang mga kamay nito sa bewang niya hanggang sa gilid ng dibdib niya. Sinamantala naman nito ang pagsinghap niya at agad na sumalakay ang dila nito sa loob ng bibig niya na nagpapikit at nagpaungol sa kanya. She was about to respond to his kisses ng tumigil ito bago sinapo ang mukha niya at  pinakititigan ang buo niyang itsura.  "Get used to my kisses, cause this will not be the last." ————————####——————————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD