Bandang hapon nga ay sabay na umuwi silang dalawa. Ang iba ay napapatingin sa gawi nila at kahit na may pagdududa ay tikom ang bibig dahil ayaw mapagalitan ng boss nilang si Cross. Maaring sobrang soft nito outside pero huwag mo na lang pangaraping magalit. “Feeling ko talaga may binabalak kang masama sa akin, kanina ka pa eh. Sinasabi ko sa ‘yo, Cross wala akong sinasanto,” banta ng dalaga. Napalunok naman ang binata at ngumiti. “You know I will never hurt you,” saad nito. Napataas naman ang kilay ng dalaga. “Siguradohin mo lang,” aniya. Kinindatan lamang siya ng binata. Ilang minutong biyahe nga ay huminto sila sa isang restaurant. Maganda ang ambiance kahit nasa labas. Sabay na lumabas silang dalawa. Kaagad na inakbayan siya ng binata papasok sa loob. Kumunot naman ang noo nga

