“Ate,” tawag ni Athari sa kaniya. Kabababa lang niya mula sa kanilang kuwrarto ni Allaric. Tulog pa kasi ang asawa niya. “Bakit beb?” tanong niya rito. “Sabi ni, Mommy punta tayo sa private island niya for a short vacation. Para na rin sa pre-honeymoon niyo ni Kuya,” nakangiting sagot nito. Kaagad na lumiwanag naman ang mukha ng dalaga. Mukhang maganda nga iyon. She loves the sea so much. Matagal na rin simula nu’ng huling beses na nag-beach siya. “S-sige, sasabihin ko mamaya kay, Allaric. Magpe-prepare na rin ako mamaya,” sagot niya. “Yes!” masayang saad ni Athari. “Ah, nga pala Ate puwede ko bang isama si, Nia?” tanong nito. Natigilan naman si Sai at hindi alam kung ano ang isasagot. Nagkibit balikat na lamang siya at tipid na ngumiti. “Okay,” aniya. Kaag

