Matapos nilang kumain ay hindi na rin nagtagal pa si Allaric dahil gabi na. Matapos makapagpaalam s aparents niya ay nagpaalam na rin ito sa kaniya na umalis. “Anak, ihatid mo naman ang manliligaw mo sa labas,” wika ng ina niya habang nakangiti. Kaagad na kumunot naman ang noo ng dalaga. “Kabisado naman niya ang daan Ma, kaya niya na iyon,” sagot niya sa ina. Kaagad na natigilan ang ina niya at nahihiyang napangiti kay Allaric. “Okay lang po Tita,” sagot ni Allaric. Nagpaalam na ito ulit at lumabas na. Naiwan namang nagtataka si Sai. “Anak, okay rin namang ihatid mo siya sa labas. Ganoon kapag may suitor,” kombinsi ng ina niya sa kaniya. “Talaga?” tanong niya. Tumango naman ito. Kaagad na tumayo naman ang dalaga at nagmamadaling sinundan ang binata. Nakaangkas na ito sa motor

