“Good morning, Ma’am,” bati ng kaniyang sekretarya. Nginitian naman ito ni Sai. “Good morning,” sagot niya at pumasok na sa loob ng kaniyang opisina. Kaagad na naupo siya at kinalikot ang kaniyang laptop. Tambak ang files sa kaniyang lamesa. Kailangan pa niya iyong isa-isahin mamaya. Ni hindi niya namalayang lunch break na. Kung hindi pa tumawag si Allaric hindi niya pa matandaan. “Baby, kumain ka na ba?” tanong nito sa kabilang linya. Kaagad na nahilot ni Sai ang kaniyang noo. “Not yet, kakain pa lang. Ikaw ba?” tanong niya rito. Narinig niya ang paghinga nito nang malalim. “Sai, sinabi ko naman kasi sa ’yong sa bahay ka na lang,” ani ng asawa niya. Napangiti naman nang tipid si Sai. “I’m fine, sige na kakain na ako. Ibaba ko na ang tawag,” saad niya. “L

