Kabanata 12- Sweet dance.

2146 Words
MARAMI na ang tao sa loob ng bulwagan nang dumating silang dalawa ng pinsang si Eunice. Matapos siya nitong ipakilala sa kasintahan nito ay minabuti niyang pumili ng pinakasulok na bahagi at hindi gaanong tinatamaan ng liwanag. Hindi naman tumutol ang pinsan sa napilli niyang puwesto. Matapos ang ilang sandali ay nagpaalam ito sa kaniya. "Pinsan, okay lang ba kung iwan kita saglit?" saad nito malapit sa kaniyang tainga. Dahil malakas nga ang tugtugin. "Pupuntahan ko lang si Emerson doon." Sabay turo nito kung saan nakapuwesto ang sound system. "Oo naman. Sige puntahan mo na," aniya sa pinsan. "Babalik din ako agad. Mamaya pagbalik ko kasama ko na si Emerson. Tapos sayaw na tayo." Tumango na lamang siya rito. Pero ang totoo ay wala siyang planong sumayaw. Sumama siya kay Eunice dahil na rin sa naka oo siya. At gusto rin kahit paano may paglaanan na ibang bagay ang oras niya. Marami na ang mga nagsasayaw sa gitna ng dance floor sa saliw ng masayang tugtugin. Nakakatuwang panoorin ang ma ito sapagkat hindi lang pala mga kabataan ang naroroon. Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid ganoon din sa labas ng pinaka bulwagan. Marami rin nasa labas ang nanonood lang. Tila ba animo nanonood ng isang palabas. Naalala niya noong teenage time niya. Mahilig silang magkakaibigan na dumalo sa mga ganito. Dumadayo pa nga sila sa ibang bayan kapag may nabalitaan pasayaw. Pinapayagan siya ng kaniyang Mommy at Daddy basta kasama niya si Barry. Ganoon katiwala ang mga ito sa binata noon. Nagsilbi niya itong bodyguard na palaging naka bantay sa kaniya. Na sa anumang sandali ay handa siyang protektahan. Habang nakatingin sa mga nasa dance floor na karamihan ay grupo at masayang nagsasayawan ang mga ito. Ganoong-ganoon sila noon magkakaibigan habang si Barry ay nakamasid lang sa kanila partikular sa kaniya. May pagkakataon pa nga noon na, na-e-excite siya sa pagpapalit ng music lalo na kung pang-sweet dance na. Iyon ang best part para sa kaniya sa mga pasayaw dahil iyon din ang pagkakataon para maisayaw siya ni Barry kahit hindi naman siya nito inalok kahit isang beses lang. Lihim siyang napailing sa isiping iyon. Paano ba naman, never siyang niyayang magsayaw kapag sweet dance na? Iyong kahit sino ang magyaya sa kaniyang lalaki sa sweet dance ay pumapayag siya makuha lang atensiyon nito. Hantaran pa nga niyang ipinapakita kay Barry noon iyon. Umaasang isasayaw siya pero hindi nangyayari. Kaya ipinaparamdam naman niyang naiinis siya kapag ganoon na baliwala lang naman kay Barry. Bakit niya ba iniisip ang lalaking iyon? Kaya nga siya nandito para malibang sa panonood sa mga kabataang nagsasayaw. Pero puro memories pa rin nila ni Barry ang naiisip niya. Mas tama yata na sana pinilit na lang niyang matulog kaysa sumama sa pinsan rito. Matapos ang tugtuging pang-indakan ay isang tugtugin muli ang pumaibabaw. Sa pagkakataon na iyon ay napalitan na iyon ng mga love song. Nakatutuwa lang isipin na sa kabila ng mga bagong naglalabasang klase ng music genre ngayon ay isang classic love song ang ngayon ay tumutugtog. Mas na-feel niyang damahin ang ganoon klase ng mga tugtugin talaga. Eighties and nineties classic lovesong. Mas masarap kasi sa tainga pakinggan. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at sinabayan ang bawat liriko nito sa pamamagitan ng kaniyang isipan. Got to believe in magic by David Pomerans. Napamulat siya nang mata ng tila pakiramdam niya ay may tao sa kaniyang harapan. Naging malinaw lamang iyon sa kaniya na mayroon nga nang magsalita iyon. "Hi, puwedi ka bang maisayaw, binibini?" anito kay Arsie na may nakapaskil pang ngiti sa mga labi. Lumingon muna siya sa kaniyang kaliwa at kanan sa pagbabakasakaling hindi siya ang tinutukoy nito. Ngunit wala naman na siyang katabi. "Ako ba?" tanong niya pa rin sa lalaking nasa kaniyang harapan, sabay turo sa kaniyang sarili. "Oo ikaw nga. Wala ka naman ibang katabi na babae? At kung mayroon man sigurado ako na ikaw pa rin ang aalukin kong maisayaw." Nakangiti pa ito sa kaniya. Inaninag ni Arsie ang wangis nito. Nagbabakasakaling kilala niya ngunit hindi. Marahil ay tiga kabilang bayan ito na dumayo pa rito sa bayan nila. May itsura rin at marahil hindi naman sila nagkakalayo ng edad nito Nahiya naman siyang tangihan ito kaya napilitan na siyang pumayag. Wala naman masama doon. Ngumiti siya sa lalaki. "Sure, tara." Inabot niya ang kamay nitong nakalahad sa kaniya at tsaka tumayo. Magkasabay nilang tinungo ang dance floor at pumuwesto kasama ng ibang nagsasayaw rin doon. Ipinatong niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng lalaki at inilagay naman nito ang dalawang kamay nito sa kaniyang baywang. Nilagyan niya ng sapat na distansiya ang pagitan ng katawan nila para magkakitaan pa rin sila ng mukha. "Ako nga pala si Jhony, ikaw?" "Arsie," matipid niyang sagot. "Dayo ka rin ba dito? Ako kasi dumayo lang. Nayaya lang ng barkada." "Tigarito talaga ko pero sa Manila na ako nag-i-stay. Naroon kasi ang trabaho ko at naka-lieve lang ako pansamantala." "Oh, I see. Napansin ko na mag-isa ka lang kaya nagbakasakali akong lapitan ka at ayain nga sumayaw." "I'm with my cousin, pinuntahan lang niya saglit iyong boyfriend niya na nag-o-organize ng sound system nitong pasayaw." Tumango-tango lang ito sa kaniya. Wala nang naging kasunod na tanong ito sa kaniya kaya napokus na sila sa bahagyang indayog na pagsasayaw. "I hope na hindi ito ang huli natin pagkikita, Arsie," anito nang malapit ng matapos ang tugtog. "Sure, why not." saad na lang niya. Natapos ang isang tugtugin na iyon ng humirit si Jhony ng isa pa. Nakahanda na ang sagot niya nang pagpayag rito ng biglang may sumulpot sa tabi ni Johny na isang lalaki. Hindi niya agad nakita ang mukha nito sapagkat patalikod ang pwesto nito sa kaniya. Tila may sinabi iyon kay Jhony malapit sa tainga ng lalaki. At sa pag-uumpisa ng bagong kanta ay nagpaalam na si Johny sa kaniya. "Nice to meet you Arsie and thank you sa pagpayag na maisayaw kita." "Huh, te-teka. Bakit bigla-bigla ang paalam mo?" At may pagmamadali na nga siya nitong iniwan na hindi na nasagot ang tanong niya. Ikinadismaya niya iyon. Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong si Jhony. Nakahanda na siyang umalis din para bumalik sa kaniyang puwesto ng biglang may humawak sa braso niya para pigilan siya. Otomatikong nag-landing ang paningin niya sa mukha ng may gawa noon. "Ba-Barry?" saad ni Arsie. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Can I dance with you?" bagkus ay sagot nito sa kaniya. Hindi pa man siya nakasasagot ay hinatak na siya ng sobrang lapit sa katawan nito. Dahil hindi siya handa ay halos nasubsob siya sa dibdib ni Barry. Agad naman ipinulupot ni Barry ang mga kamay nito paikot sa baywang ni Arsie. Halos nakayakap na ito sa kaniya. Agad siyang naalarma sa posisyon na mayroon sila, sapagkat kung may makakakita sa kanilang dalawa na nakakikilala ay ano na lang ang sasabihin ng mga ito sa kanilang dalawa? Pilit inilalayo ni Arsie ang katawan kay Barry ngunit mahigpit ang yakap nito sa kaniya. Napilitan na siyang tingnan ito sa mukha at hindi niya inaasahan ang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Bigla ang atake ng pamilyar na pagkabog ng kaniyang puso. Ngunit pinilit niyang bawiin ang pagkagulat na iyon at gigil na sinalubong ang mga mata ni Barry. "Ano'ng ginagawa mo? Naghahanap ka ba ng issue sa atin?" "Ofcourse not. May masama ba sa pagnanais ko na maisayaw ka sa ganitong mga moment. Just like the old time." "Ano'ng old times pinagsasabi mo riyan? Wala tayong ganito noon kaya umayos ka! Never mo akong isinayaw ng sweet dance o kahit man lang iyong rakrakan," turan ni Arsie. "So, this is our first time," ani Barry. "First time mong mukha mo! Ngayon mo pa talaga naisip iyan?" Gigil pa rin na aniya rito. Huwag mong kalilimutan na asawa ka na nang ate ko Barry." "Hindi ko kinakalimutan kaya wala kang dapat ipag-alala." Bakit sa kabila ng pag-aalala niya sa sitwasyon nila ngayon ay parang tila baliwala naman dito iyon. "Ano'ng sinabi mo roon sa tao ha? Bakit bigla na lang iyon umalis pagkatapos mong bulungan? Tinakot mo siguro noh?" sunod-sunod na tanong niya. Tumawa ito ng nakaloloko sa kaniya. "Sinabi ko lang naman na kung gusto niyang mapanatili ang kakaunting kaguwapuhan na mayroon siya ay ipaubaya ka na sa akin. Becaause you are my girl." "I'm not your girl, not anymore! Let me go." At pilit niya itong itinutulak. "Dance with me first, Arsie." "Baka nakakalimutan mo na nasa public place tayo at any moment may makakakilala sa atin dito. Kaya kung puwedi paki kalas na ang pagkakahawak mo sa akin. Syete naman Barry, halos nakayakap ka na sa akin, ah!" "Dont mind them, okay. Just enjoy and feel the symphony of music with me, baby." malambing na anito kay Arsie. Biglang tila may hatid na hipnotismo ang lambing ng tinig ni Barry sa kaniya at ang mga mata nitong tila nangungusap ay napalitan ng paghihipnotismo sa kaniya. Bigla siyang walang naging pakialam sa paligid at kusang humilig ang kaniyang ulo sa dibdib ni Barry malapit sa balikat nito. Kusa na rin otomatikong yumakap ang mga kamay niya sa balikat nito. Lihim na napangiti si Barry dahil doon at labis-labis ang kaniyang ligayang nadarama. Kasabay ng banayad na pag-indayog ng mga katawan nila ni Barry sa saliw ng musika na ngayon ay tumutugtog ay ipinikit ni Arsie ang kaniyang mga mata. At tulad ng sinabi nito sa kaniya ay dinama niya ang presensiya ng musika sa kaniyang puso at isipan. Hangang sa pumailanlan ang kantang mas tumagos sa kaniyang isip dahil sa bawat lirikong ipinababatid nito. I Fall all over again by Dan Hill. "Ayokong isipin na coincidence ang pagkikita nating muli," narinig ni Arsie na saad ni Barry malapit sa kaniyang tainga. "Kahit naman ako. Ni sa panaginip hindi ko hiniling," turan ni Arsie. "Pero alam mo ba nang bumalik ako ng Pilipinas, nadarama kong magkikita talaga tayong muli, baby." Napalunok si Arsie sa narinig mula kay Barry. Pilit man niyang alisin ang kilig sa tuwing tinatawag siya nito ng Baby ay kakaibang saya ang dulot niyon sa kaniya. Kaya hinuli niya ang mga mata nito. "Bakit? Dahil ba sadyang plinano mo ang pagpunta sa reunion?" tanong niya at hinuli ang paningin nito. "Hindi, nagkataon lang na nabalitaan ko na magkakaroon ng reunion ang batch niyo. At may nakapagsabi sa akin na dumalo ka nga raw. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na pumunta roon at matiyagang maghintay sa iyo. God know's how much I want to see you again, baby." Pakiramdam ni Arsie ay ang bilis nang t***k ng puso niya sanhi para kumabog iyon. At nag-aalala siyang maramdaman ito ni Barry. Naiinis siya dahil doon sa kabila ng kilig na nadarama niya. "You look so beautifull, you know," dagdag pa nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mata at labi ni Barry habang nagsasalita ito. Tila nagkaroon ng pagkasabik sa kaniya at paghahangad na matikman muli ang labi nito. Pakiramdam niya ay sila lamang ang nandirito ni Barry at tila tumahimik sa buong paligid. Walang musika, walang mga tao. Kung hindi tanging silang dalawa lang. Nagtagpo ang kanilang paningin at kapwa may lagkit iyon. Ang klase ng titig ni Barry sa kaniya ang unti-unting nakakapagpahina ng kaniyang dipensang pilit na inilalagay niya sa pagitan nila sa tuwing sila ay magkasama. Ang unti-unti pagbaba ng mukha nito palapit sa kaniya. Ang mga labi nitong bahagyang nakaawang at patungo sa kaniyang mga labi. Tiyak siyang hahalikan siya ni Barry. Inihanda niya ang kaniyang sarili upang salubungin ang halik nito. Tuluyan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata nang tuluyang lumapat ang labi nito sa kaniya. Banayad lamang ang pagdampi noon sa kaniyang labi ngunit damang-dama niya ang init na hatid niyon sa buong katawan niya. Naramdaman niya ang mas paghapit pa ng mga kamay nito sa kaniyang katawan. Ang banayad na halik nito ay unti-unting nagiging malalim na mainit naman niyang tinugon. Sa pag-angat ng isang kamay nito papunta sa kaniyang batok upang sapuhin iyon at mas lalo pang palalimin ang halik na iyon ang tila kusang nagpamulat sa kaniyang mga mata. Noon palang bumalik sa kaniyang isipan na hindi lang silang dalawa ang nandirito. Maraming parehang nasa paligid na mga nagsasayaw ng sweet. Ang tugtog na pumapailanlan ay malinaw niya muling naririnig. Bigla siyang nakadama ng lamig sa buong katawan dahil sa kahihiyan. Ang pagpayag niyang mahalikan ni Barry ay isa nang pagkakasala sa kaniyang Ate Emellia. Kaya lihim niyang minura ang sarili. Tuluyan niyang inilayo ang mga labi kay Barry upang putulin na ang kanilang ginagawa. Mariin din niya itong itinulak. At nang magtagumpay ay matitgas ang kaniyang paulit-ulit na mga pag-iling. At walang ni anumang katagang namutawi sa kaniyang mga bibig. Mabilis na niya itong iniwan at tumakbo siya palabas ng bulwagan. Ni hindi siya nagtangkang lumingon ng tawagin pa siya nito. "Arsie, saan ka pupunta?!" sigaw na turan ni Barry sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD