Achilles POV
Ang ganda naman sa condo na to.
*tingg. bumukas na ang elevator.
Black na pinto ang hahanapin ko seriously bakit kailangan iba pinto nila at black pa mangkukulam ata yong dalawa yun. Nang makita ko na ang pinto nagtatype ako ng password ano nga ulet yun 0000 ano ba next ahh onga pala 2 at bumukas ang pinto.
Wow ang ganda ng condo nila saan kaya sa dalawang kwartong ito ang kwarto ni ash baka itong black na pinto yung isa kase pink baka eto sa kanya yung black may nakaukit rin palang Imperial sa pinto niya sa kanya nga ang kwarto na ito. Bago ko pumasok sa loob ng kwarto nya pumunta muna ko sa kusina at magluluto ng lugaw wala kase akong mabilhan nag grocery na lang ako napakahaba ng pila kaya natagalan ako baka maabutan pa nga ako ni cash sa condo dahil 3 subjects lang ang meron kame dahil may aayusin daw sa bldg. ng mga 3rd year.
Nang matapos ako magluto pumasok ako sa loob ng kwarto niya at nilapag yung lugaw sa table na malapit sa bed niya black and gray yung kwarto niya na may konting dark blue tsk boyish. Pinagmasdan ko ang mukha niya kahit hindi nakangite napakaganda nya.
Sino ka? nagulat ako sa biglang pagsalita niya pagkatapos niyang magtanong mabilis na gumalaw si ash pero nakapikit ito at kinuha ang isang ba--b***l sa ilalim ng unan niya bakit siya may ganyan nananaginip ba ito.
Sino ka? tanong niya ulet saken ng hindi pa rin dumidilat ang mata.
Ahh ehh si achilles.
Ano? dinilat niya agad ang mata niya pero hindi pa din binababa ang b***l nya.
Pwede ba ibaba mo nga yang b***l mo di ako masamang tao nandito ko kase nilutuan kita ng lugaw. kamot ulong sabe ko.
At sino nag papasok sayo dito? napatingin siya sa pintuan dahil bumukas ito.
Omg ash put your g*n down. si kev
Ash pls wag mo papatayin kaibigan namin. si juno
Rain sorry ang kulet kase ni achilles kaya nasabe ko address ng condo natin patawarin mo na ko boy. sinabe nya yun ng nakatago sa likod nila juno at kev.
Ibaba mo na yang b***l mo at kumaen kana ng lugaw. napabuntong hininga kameng apat ng sobrang lalim ng ibalik ni ash ang kanyang b***l sa ilalim ng unan.
Kumaen ito at nakatingin lang kame sa kanya.
Stop staring at me that's rude. cold na sabe nya.
Ah eh onga lalabas na kame tara na guys sa sala muna kayo hahatiran ko kayo ng pagkaen don. si cash.
Cashmere POV
Nasa kusina ako at nagluluto ng buttered chicken wings, fries and burger meryenda namin sinobrahan ko dahil nandito yung tatlo pag alis nila siguradong malamig na bangkay nako.
Tulungan ka na namin diyan cash. si juno
Naglagay ng mga plato at baso yung tatlo.
she will eat again? si kev
Ah oo malakas kumaen yon lagay ka din para sa kanya. kamot ulong sabe ko
Bakit siya may b***l cash?. si achilles
Ah ehh incase of emergency pareho kase kameng babae dito. yun na lang nasabe kong dahilan dahil hindi ko rin alam pero alam kong marunong lumaban si rain kaya nga feeling ko safe ako palagi pag nanjan sya matagal ko namang alam na may b***l sya at mga kung ano anong balisong ang babaeng yon pero ok lang saken.
She looks dangerous nakakatakot siya kanina. si kev
Lagi naman yon nakakatakot. natatawang sabe ko.
I heard you. si rain
ah eh biro lang boy ikaw naman kakaen kana ulet? chicken niluto ko. pag iiba ko sa usapan.
Sino sa inyong tatlo nakakaalam ng password ng pinto. si rain
A--ako. si achilles
Walang makakaalam ng password na yon oras na malaman ng iba yon malilintikan kayong tatlo kapag may ibang tao na nakapasok dito kayo agad ang salarin. mahina ngunit sapat lang para marinig namin
Ahh ehh boy so di kana galit na nandito sila? sure naman ako di nila ipagsasabe kung saan tayo nakatira takot lang ng tatlong to diba boys?. tanong ko na pataas baba ang kilay.
Ahh oo naman. silang tatlo
Kayo pa lang unang bisita namin na nakapunta dito si kuya ashton nga hindi pa nakakapunta. matapos kong sabihin yon kinindatan ko yung tatlo.
Why you not let anyone in? si kev
Kase pareho kameng babae mahirap na magpapasok ng kung sino sino.
Eh kahit kakilala or kaibigan. si juno
Eh kame lang naman magkaibigan ni rain. katwiran ko.
Ok na ba pakiramdam mo. si achilles
Ok na. si rain
Matapos namin kumaen umuwe na yong tatlo at ako ay kinakabahan dahil nakatingin saken si rain.
Boy kumalma ka ako lang to. pinagmamasdan ko ang galaw nya baka isang kurap ko lang nasa harapan ko na ito.
Kalma naman ako. aniya
Ahh eehhh patawarin mo na ko kase kanina sobra pag alala sayo ni achilles kinulet kulet ako. nag puppy eyes ako baka sakaling maawa.
Ok na ikaw kaya ang kumalma jan tss patay saken yung tatlong yon pag may iba pang nakapasok dito sa condo.
Thank you boy pakiss nga. pangungulit ko.
Kiss mo kamao ko? aniya
Gago goodnight. tapos nagflying kiss ako sa kanya pero ang ungas pumitik sa hangin pinitik yung flying kiss ko natawa na lang ako at tumakbo na sa kwarto ko.
Achilles POV
Bakit may b***l si ash? tanong ko sa isip ko kahapon habang nasa daan ako nagdadrive pa uwe.
Nandito ako ngayon sa parking lot napaaga ata ang pasok ko lalabas muna ko at bibili ng coffee sa madeline.
Matapos kong umorder ng capuccino at paglabas ko ng coffee shop may umakbay saken na lalaki.
Anak ni denver? tanong nito.
O--Oo bakit sino ka?. nauutal na sabe ko.
Ngumisi lang ito at sinabeng wag akong maingay.
Saan mo ba ko dadalhin?. lalo akong kinabahan ng papuntan kame sa eskinita kung saan muntik na makidnap si dad.
Nasan tatay mo? napakalalim ng boses nito nakakatakot.
A---at ba---bakit ko naman sasabihin sayo hindi naman kita kilala. pagmamatigas ko.
Matigas ka ah ayaw mo magsalita. sinapak ako nito sa tiyan at sa sobrang sakit napaupo ako.
Ano sagot agad?! nasan tatay mo wag ka mag alala may itatanong lang ako sa kanya. nakakatakot ang tingin ng lalaking ito tila sanay na sanay siyang kumitil ng buhay.
H--hindi ko alam hayop ka mga katulad mong tao dapat nasa kulungan. nauutal na sabe ko.
Labas pasok nako don bata. palapit ito ulet saken at hindi ko alam kung anong gagawin nya hindi ako makatayo para kong naduduwal sa sobrang sakit.
Subukan mong humakbang pa ng isa mawawalan ka ng paa. yung boses na yun kilala ko bakit parang gumaan ang loob ko at feeling ko ay safe na ko.
Sino ka namang bata ka. Naka black na face mask si ash na lumapit sakin.
Kaya mong tumayo?. humarap ito saken at lumuhod.
K---konti ang sakit ng sikmura ko. sagot ko
Umurong ka sa banda don akong bahala sayo. ang boses niya ay tunog kaligtasan.
Wag kang maninipa nakapalda ka. paalala ko sa kanya at tumango naman ito tumayo na siya sa harap nung mga lalaki at nag smirk
Napakatapang mo naman bata. sumenyas ito sa tatlong kasama niya at pinasugod kay ash.
Sa dalawang minuto napatumba niya ang mga ito at buti naman ay hindi niya ginamit ang kanyang mga paa.
Ok next ikaw ba leader siguraduhin mong kaya mo ko kanina pa lang binalaan na kita pero sa tanda mong yan wala ka atang pinagkatandaan. ngumiti ito na parang nang aasar.
Putang ina mo kang bata ka sisiguraduhin kong babaliin ko yang buto mo sa harap ng nobyo mo. singhal na lalaki
Nobyo? bakit ang sarap pakinggan bulong ko sa isip ko.
Sasapakin nito si ash kinakabahan ako at tatayo na sana ko para tulungan siya dahil masyadong malaki ang katawan ng lalaking to pero sinalubong lang ni busangot ang kamao nito at isinandal niya sa pader ang lalaki hinampas niya yung kamay ng lalaki sa pader kaya napasigaw ito sa sakit lalo na ng sipain ni ash yung alaga nito at yung tuhod ng lalaki.
Halika na hindi pa yan makakalakad. Inalalayan ako nito nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at yung kamay niya sa bewang ko.
Umangkas ka sa motor ko ihahatid kita sa inyo. malumanay na sabe niya
Huh? nakapalda ka magmomotor tayo? ako na lang mag drive. tumingin ito saken at nagbaba ng tingin sa tiyan ko
Sa lagay mong yan makakapag drive ka? tanong nya
Hindi pero nakapalda ka. hinubad ko ang coat ko at tinakip ko sa palda niya. Nagmotor ka papunta dito sa eskinita ng nakapalda buti hindi lumipad yang palda mo.
May short naman ako tsaka hindi ko naman na naisip yung palda ko dahil nakita kita napakatakaw mo sa disgrasya. mahinang sabe niya sapat lang para marinig ko.
P--pero pano ka baka malate ka. nakakahiya naman baka hindi siya makapasok dahil saken
Ok lang kesa naman iwan kita dito hindi ako ganoong kasamang tao ikaw lang naman ang ganon. simpleng turan nito pero may pag atake.
Bahagya akong natawa Grabe ka na--naman saken a--aray yung tiyan ko.
Sakay na para makapagpahinga ka sa inyo. aniya
Pagkaangkas ko sa motor niya hindi ko alam kung hahawak ba ko sa balikat niya hindi na lang ako humawak baka magalit sya. Nang nagstart na ang motor nagsalita ito pero nahiya pa kong gawin ang pinapagawa nya.
Humawak ka sa bewang ko baka malaglag ka diyan kung masakit yang tiyan mo wag mong tiisin wag kang mahiya kesa naman malaglag ka diyan. aniya
Ahh ehhh ok lang ba talaga. nahihiyang sabe ko.
Dalian mo na at kung masakit pa din ang tiyan mo ipatong mo ang ulo mo sa likod ko para kahit papaano maging komportable yung lagay mo diyan sa likod ko. nakakahiya
Ahh sige sinunod ko na lang ang sinabe niya dahil ang sakit talaga ng tiyan ko gusto kong ipitin ng unan tong tiyan ko. bahala na kakapalan ko na mukha ko.
Habang nakayakap ako sa likod ni ash parang ito yung pinaka komportableng pamamahinga para saken parang nawawala lahat ng pagod ko at lalo na tong sakit ng sikmura ko at ang bango niya omnia amethyste ang pabango na ito tigasin pero babaeng babae pag dating sa pabango.
Pagdating namin sa bahay bumungad samin si manang.
Oh denden iho anong nangyare at bumalik ka dito. nag-aalang tanong nito at napatingin kay ash
Ah eh manang may sumapak po sa tiyan ko at hinatid ako dito ni ash. paliwanag ko
Anong nangyare sa inyong dalawa? pasok kayo wala yung mommy at daddy mo nag grocery sila pumasok ka muna sa kwarto mo at ikukuha kita ng ointment para diyan sa tiyan mo.
Ah halika pasok ka. yaya ko sa kanya.
Rain POV
Pumasok ako sa kwarto ni achilles na sky blue at white ang kulay.
Upo ka muna dito sabihan ko din si manang magdala ng meryenda dito.
Wag na ok lang ako humiga ka na muna diyan pag akyat nya aalis na din ako.
*Tok tok
Iho eto na ipahid mo sa tiyan mo yan iha maaari ko bang iwan mo na itong batang to sayo kailangan kong kunin yung damit na pinagawa ni Ma'am Des. si manang ang tanda na nagpapacute pa.
Ah sige po. ok no choice na ko
Salamat iha napakabait mo talagang bata bago ako umalis dadalhan kita dito ng brownies meron ginawa si ma'am des kanina. ngumiti at tumango lang ako kay manang factory ba to ng brownies bakit prang laging meron sila.
Ok lang ako dito pwede ka ng pumasok sa school nakakahiya naman kung aabsent ka. aniya
Ok lang naka oo nako kay manang baka magtampo yon.
Bumalik si manang at ibinigay saken ang mga brownies excited na kong kagatin isa isa to.
Oh eto yung remote kung gusto mo manuod ng tv iiglip lang ako para di ko maramdaman yung sakit. inabot ko ito at nahawakan ko ang kamay niyang mainit.
Oh teka bakit mainit ka. tanong ko
Ah eh parang di naman. aniya
Nilagay ko ang kamay ko sa noo nya at ang taas ng lagnat niya kanina wala ito ah baka nilagnat sa sobrang takot kanina. mga daican talaga pati bata pinapatulan.
Humiga ka diyan at kukuha lang ako ng bimpo at tubig saan nakalagay mga gamot niyo dito. itinuro niya saken at lumabas ako ng kwarto.
Ang laki ng bahay nila maganda at masasabe mong mayaman talaga mukang wala naman dito yung mga taong humarang sa kanya kanina ang titigas talaga ng mga mukha ng Daican na yon.
Umakyat ako at nakita kong nakaidlip na ang unggoy na ito. Pinunasan ko siya at nilagay sa noo niya ang basang bimpo tinapik ko ito at sinabeng uminom muna ng gamot matapos nyang uminom nakatulog ulet ito.
Haysss naubos ko na ang brownies ang boring naman nasan na ba si manang hindi ko naman pwedeng iwan tong unggoy na to mahirap na baka may mga daican na man loob dito sa bahay nila. Sa sobrang boring di ko namalayan nakatulog na pala ako sa sofa.
Des POV
Manang nasan ka nakuha mo na ba yung damit?. pumunta ko sa kusina nang marinig ko ang boses ni manang.
Nandito po ako sa kusina at saka nga po pala maagang umuwe si denden dahil napagtripan po ata at nasapak sa tiyan buti at nakita sitya nung magandang bata na ano nga ulet ngalan ahhh.....ash ash oo tama ash nga ang pangalan iniwan ko sa kanya si denden para makuha yung damit at nasa kwarto po sila nakatulog din yung magandang bata kaya hindi ko na ginising ma'am. mahabang paliwanag ni manang
Ah ganon ba manang o sige puntahan ko sila sa kwarto. natuwa naman ako at nandito ulet si leyley
Nang makarating kame sa kwarto nakita ko si leyley natutulog sa sofa.
Napakagandang bata niya hon.
Oo nga hon at mabait pa. si denver
Mom dad. si achilles
Oh anak may masakit pa ba sayo? nag-aalalang tanong ko.
Nasan po si ash nakauwe na po ba? yung baby ko binata na ata.
Ayun anak oh natutulog sa sofa nakatulog ata kakaalaga sayo ikaw ah. pang-aasar ko
Achilles POV
Ayun anak oh natutulog sa sofa nakatulog ata kakaalaga sayo ikaw ah. si mommy na may nangaasar na tingin at ngiti
Nakakahiya hindi siya nakapasok dahil saken.
Ano ka ba anak sadyang mabaet lang talaga tong si leyley may dala kong hapunan natin hindi na ko nakaluto kaya bumili na lang ako gisingin mo na si leyley dito mo na sya pakainin bababa na kame at ihahanda ko na ang dinner. gustong gusto niya talaga si ash
Gigisingin ko ba siya o hindi? ang sarap ng tulog nya ah bahala na.
Ash gising Ashhhh. tinapik tapik ko pa ito.
Hinawakan nito ang kamay ko at pinilipit.
Arayyyy! sigaw ko.
Bakit nandito ka sa kwarto ko?. tanong niya naalimpungatan ata.
Ah eh kwarto ko to. tiningnan niya bawat sulok ng kwarto ko.
Ay sorry akala ko kanina ikaw si cash ayoko kase ng ginigising ako pag natutulog. so binabalian niya ng kamay si cash brutal naman to
Ah eh sorry pinapababa na tayo ni mommy dito ka na daw mag dinner. yung bagong gising niyang muka ay napakaganda pa rin.
Anong oras na ba? tanong niya dahan dahang tumayo.
7pm na. sagot ko
Ginabe na pala ko dito sige magtetext muna ko kay cash. aniya
Bumaba na kame at pumunta sa kitchen.
Oh leyley iha buti gising kana salamat nga pala at binantayn mo tong baby boy ko. ngumiti lang si ash sa kanya.
Mom naman eh. maktol ko.
Sus binata na ayaw patawag ng baby umupo na kayo at kumaen. Leyley iha balita ko kasama ka sa archery sabe ko kay achilles video'han ka para makita ko. si mommy talaga.
Ngumite naman si busangot kay mommy.
Ilan taon ka na leyley? patay kana ash dame magtanong yan.
15 po.
Oh kaedad mo pala tong baby ko huminto kase yan ng 1 year dahil nagpunta kame sa japan kasama si kevie at junie dahil sinubukan nila don mag aral pero mukang di nila nagustuhan madalas kase kame dun for business kaya naisip namin kung dun sila mag-aral kaso ayaw naman nila. Ikaw iha bakit 3rd yr. ka diba dapat 4th yr kana din. mahabang tanong ni mommy.
Ah kase po nagpunta po ako ng america para po doon sana mag-aral pero hindi ko rin po nagustuhan doon kaya nagbakasyon na lang po ako. baka naman marami siyang binugbog don kaya hindi sya tumagal.
Rain POV
Ah kase po nagpunta po ako ng america para po doon sana mag-aral pero hindi ko rin po nagustuhan doon kaya nagbakasyon na lang po ako. pagsisinungaling ko
Matapos namin kumaen ng dinner nagpaalam na ko na uuwe na kinukulet nanaman ako ni tita des na ihatid ako ni achilles pero sabe ko ok na kaya ko naman at nagpaalam na ko sa kanila.
Magtext ka kapag nakauwe kana. si achilles.
Tumango ako bilang sagot sa kanya.
Thank you. si achilles na napakamot pa sa ulo
Tumango na lang ako ulet at umalis na.
Nang makarating ako sa condo sinilip ko sa kwarto niya si cash mahimbing na ang tulog makatulog na nga rin at bukas kailangan ko ng energy dahil may practice ng sayaw.
Kinaumagahan ginigising nanaman ako ni cash na napaka ingay.
Ashleigh Raina!!! Gising na!!!! mag almusal ka na!!
Oo eto na ang ingay mo!
Tumayo na ko at kumaen naligo at nag ayos para pumasok sa school.
Tara na may practice tayo mamaya diba. tumango lang ako bilang sagot sa kanya.
Nasa parking lot na kame ng school nang may bumato ng itlog saken
Bullshit. mahinang sabe ko.
Oh well well well hi bitches. si trisha.
Anong problema mong kupal ka. si cash
Wala naman wala kase akong magawa eh.
Tara na cash. wala ko sa mood makipag away
Paalis na kame ng hatakin ni trisha ang buhok ko.
Hoy bruha wag kang tumalikod hindi pa ko tapos sayo feeling close ka sa three kings
Inalis ko ang kamay niya sa buhok ko at akmang aalis na ng magsalita ulet siya kaya napahinto kame ni cash.
Pokpok! Mga p****k wala kayong pinagkaiba kay sheena mga feeling maganda didikit sa three kings attention seeker. nagpantig ang tenga ko pero pinipigilan ko ang sarili ko
Wow coming from you b***h. si cash
Sinong p****k? bakit narinig ko pangalan ko diyan? si sheena na kakarating lang.
Bago pa mag royal rumble hinila ko na si cash at dumiretcho kame sa cr buti may extra kong uniform dito sa locker ganto ba sa school na to mayayaman pero basura yung ugali konti na lang dadalhin ko na yung closet ko dito araw araw ata kong magpapalit ng damit dito..
Achilles POV
Nasa parking lot kame ng makita namin sila sheena at trisha na nag aaway.
Para kayong mga bata. sabe ko
Babe. si sheena
King hello. kumindat pa ito
Tiningnan ko lang silang dalawa at tumalikod na ko pero napahinto ako sa akmang paglakad ng mag salita si sheena.
Babe pwede ba tayong mag usap sa sunday sa dating tagpuan. si sheena
Nang marinig ko yun umalis na ko agad at dumiretcho sa room namin at ano naman pag uusapan namin pupunta ba ko o hindi bahala na.
Rain POV
Tapos na ang klase namin at nandito kame ngayon ni cash sa dance club. Hindi na daw magreremix si andreng yung buong kanta na Wedding dress ang sasayawin namin pinalitan na niya hindi na yung Wet the bed sa isip isip ko buti naman kase medyo malaswa sa pandinig pero gusto ko yung steps namin don since may story daw tong school dahil si dean daw ay may bestfriend at gusto niya ito umamin daw si dean pero huli na dahil ikakasal na yung babae sabe ng iba totoo daw yun sabe naman nila hindi daw pero si dean daw mismo ang nagkwento sa mga dancers nung first year si andreng.
Guys thank you ulet sa pagpunta next week last practice na natin sige pwede na kayo umuwe. si andreng
Naglalakad na kame ng akbayan kame ni Lancelot.
Cash and ash sabay na ko sa inyo papunta sa parking lot ang galing niyo talaga. nakipag apir pa ito samin.
Magaling din naman tong si lancelot halos lahat naman sa boys gwapo pero lamang tong mokong na to at swabe gumalaw.
Magaling ka din swabe mo nga gumalaw. sabe ko
Oo nga lance ilan taon ka nung nahilig ka sumayaw?. si cash
Well it runs in my blood 7 years old ako nung sumali ako sa mga dance class dancer din kase ang parents ko.
Wow dancer din pala sila astig. si cash
Kayong dalawa din ang galing niyo nga well sa sexy dance di ko makakaila yung galing ni cash pero sa lahat ng genre ng sayaw etong si ash ay level 1000 ang galing. kinurot pa ang pisngi ko sabay akbay.
Nagulat ako ng biglang may humatak saken napalingon ako kung sino ang may hawak ng braso ko ang unggoy lang pala na to at ang sama ng tingin niya kay lance.
Bakit mo ko hinata... bwiset na yon hindi pinatapos ang sasabihin ko at inilayo na nya ko kay lance at cash.
Hingal na hingal ako ng makarating kame dito sa madeline.
Ano ba bakit mo ko hinatak problema mo? inis na tanong ko.
Achilles POV
Kakatapos lang namin sa practice ng basketball at papunta na ko sa parking lot iniwan ko na yung dalawa dahil ang tagal kumilos at gusto ko ng umuwe.
Pero nakita ko si ash at cash na may kasamang lalaki at pinisil ng mukang paa na lalaki na to yung pisngi ni ash at nung inakbayan niya to di ko alam pero nabwisit ako.
Ano ba bakit mo ko hinatak problema mo? nakabusangot agad muka nya
Ah kase wala ko kasama magkape yayayain sana kita. pagsisinungaling ko di ko na alam idadahilan ko at di ko alam kung bakit nagawa ko to.
Ano? pwede ka mag aya ng maayos tss.
Ah sorry kapeng kape na kase ako. anong dahilan ba dapat ang sasabihin ko.
Tss anong klaseng dahilan yan sa sobrang lakas ng hatak mo saken muntik na ma-out of balance si lance.
Lance pala pangalan nya ah. baho ng pangalan nya.
Oh eh ano naman kagrupo ko yon sa dance club. kunot noong sabe nya.
Ah edi magkasama kayo tuwing practice. nakakabobong tanong ko.
Anong klaseng tanong yan achilles malamang oo kase kagrupo ko nga diba. galit na siya
Wag kang lalapit don. matapos kong sabihin yon tumingin ako sa kanya pero ako din ang unang umiwas makipagtitigan.
At bakit hindi ako lalapit sa kagrupo ko?. tanong niya
Basta wag kang lalapit nga kulet mo. bakit nga ba achilles ano ba kaseng pinagsasabe mo.
Ikaw ang makulet bigyan mo ko ng magandang dahilan para hindi ko lapita.... hindi ko sya pinatapos sa sasabihin nya.
Kase nga gusto kita nagugustuhan na kita. parang gusto ko na lang maging pinto ng coffee shop na ito sa sobrang hiya parang tumitibok lahat ng organs ko
Rain POV
Hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko ng magsalita ito at nabigla ako. Anong anong anong gusto daw nya ko? di ako makapaniwala sa sinabe niya nakatingin lang ako sa kanya at nakayuko naman sya.
Seryoso kaba? tanong ko
Ta--takot akong magkagusto ulet dahil nasaktan na ko noon at hindi ko rin alam kung bakit nararamdaman ko ito sayo sorry hi--hindi ko alam kung gusto ba kita kase naiinis ako pag may lumalapit sayong lalaki hindi ko rin alam kung bakit? ganon ba kapag nagugustuhan mo na ang isang tao? hindi ko kase alam ano ba talaga tong nararamdaman ko baka nga gusto na kita o baka hindi bahala na hindi ko alam. napakainosente niya pagdating sa love life pagkatapos niyang sabihin yon umalis na agad ito
Ako naiwang tulala at gulat na gulat sa sinabe niya gusto nya ko? tss bakit niya ko iniwan dito akala ko ba magkakape kame bwiset na unggoy yon.