Rain POV.
So sinong pipiliin natin Heneral o Utak ng himagsikan? tanong ko sa kanya
Pwede bang si Apolinario Mabini na lang hindi ako makarelate kay Heneral Luna dahil hindi ko naman naipaglaban yung saken. weird na sagot nya
Ha? Anong hugot mo? Sinong di mo naipaglaban?. weird netong unggoy na to
Pano ko ipaglalaban kung sya na mismo ang umayaw at pinili yung iba. malungkot siyang tumingin saken at pagkatapos ay yumuko ito.
Achilles? ano bang nakaraan neto at humuhugot sa assignment namin.
Tumingin sya ulet saken na may malungkot na mga mata. Napakaganda ng mga mata nya kahit malungkot masasabeng may maipagmamalaking kagwapuhan hindi na ata mawawala sa muka niya yon kahit anong emosyon ipakita niya gwapo pa rin kahit siguro nakanganga sya matulog gwapo pa rin.
Ok sige si Apolinario Mabini na lang isend na din natin ngayon kay sir. Pag sang ayon ko dahil ang weird na nya.
Actually nakakarelate naman ako kay Apolinario Mabini kailangan ko na din sigurong kalimutan yung masakit na nakaraan kailangan kong magpatuloy kahit wala na siya gaya ni Dakilang lumpo nawalan man ng silbe ang kanyang mga paa nagpatuloy siya sa buhay. dagdag paliwanag ko
Simula ng mawala siya parang nawalan na din ako ng direksyon parang may isang parte sa katawan ko na nawala pero sa ngayon kailangan ko na din atang gayahin ang utak ng himagsikan na magpapatuloy pa rin kahit anong mangyari lalaban pa din kahit ilang problema pa ang makaharap nawala man yung isa sa mahalagang tao sa buhay ko lalaban pa din. idinagdag ko ito sa unang ko sinabe ngunit sa aking isipan lang dahil ayokong nagpapakita ng emosyon.
Sinong nawala? tanong nya
Ah wala sige type ko na yung akin ha pahiram ako ng computer mo. pag iiba ko sa usapan
Sige lang ano nga pala pagkakapareho natin kung bakit natin sya nagustuhan diba yon ang ilalagay sa last sentence?.
Tapusin natin sa katagang "Once you've accepted your flaws, no one can use them against you"
Ahh sige ok na yon. Nagthumbs up siya saken.
*Tok tok
Mga anak kumaen muna kayo. si Mrs. De Ocampo.
Napatitig ako sa brownies na nasa lamesa mukang masarap gutom na din ako.
Oh leyley iha ayaw mo ba? si Mrs De Ocampo na ka pout pa.
Ah hindi po actually favorite ko po ito. at kumuha nako ng isa.
Ang sarap po. at kumuha pa ko ng isa.
Nakangiteng pinagmamasdan ako ni Mrs. De Ocampo. Medyo nahiya tuloy ako takaw ko ata
Achilles POV
Ang cute niyang kumaen ganto sya kalakas kumaen kaya siguro kahit nasa bingit na kame ng kamatayan nung isang araw pagkaen pa rin nasa isip nya. Natawa ko sa aking isipan.
Matapos namin i-send kay sir sales inalok ko sya na ihatid na sakanila.
Iha sigurado ka ba na hindi ka na magpapahatid kay Achilles? Nakamotor ka pa naman at pagabe na. nag alalang tanong ni mommy
Ok lang po ako kaya naman po. ano pa bang aasahan ko di mo talaga sya mapipilit.
Sige iha mag iingat ka balik ka ha gagawan kita ulet ng brownies. yumakap si mommy kay ash gustong gusto nya talaga si ash di nya alam nambubugbog yan tapos matakaw na cute pa.
Rain POV
Sige iha mag iingat ka balik ka ha gagawan kita ulet ng brownies
Napangite na lang ako dahil nahiya ako ng maalala kong naka pito akong brownies eh sampu lang ang ginawa ni Mrs. De Ocampo tatlo lang tuloy nakaen ni Achilles.
Sige po Mr. and Mrs. De Ocampo salamat po. magalang na paalam ko
Mag-iingat ka iha. Si Mr. De Ocampo na binigyan ako ng makahulugang tingin na dapat ay siguraduhin kong makakauwe ako ng maayos.
Iha tita tito na lang ha. Si Mrs. De Ocampo.
Ah eh sige po tita. tumingin ako kay achilles bago ako tumalikod.
Hatid na kita sa gate. Pano ko malalaman kung nakauwe kana. humabol ito saken at pantay na kameng naglakad papunta sa gate nila
Pag nakapasok ako sa lunes. sagot ko
Tss seryoso pano ko malalaman kung nakauwe kana. inis na sagot niya asar talo talaga to.
Kinukuha mo ba no. ko? Pwede mo naman sabihin. sarap asarin neto mabilis mapikon.
Oo sana baka kase pagalitan ako ni mommy kapag di ka nakauwe ng maayos pero wag kang mag isip ng kung ano diyan. paliwanag nya
Dame mo sinabe wala naman akong iniisip na iba ah baka ikaw yon oh eto text mo ko rereplayan kita kung nasa bahay nako. matapos kong ibigay ang number ko pinapasok ko na si achilles at napatingin ako sa may balcony nila nakita kong nakatayo doon si Mr. De Ocampo ngumiti ito at inilagay sa kanyang dibdib ang kanang kamay niya habang nakasara ang mga palad nito at yumuko sa akin ngumiti ako sa kanya at pinaharurot ko na ang aking motor.
After 20 mins. nandito na ko sa condo.
Rain ikaw na ba yan?. si cash na nasa kusina.
Malamang dalawa lang naman tayo nakakaalam ng password ng pinto.
Ewan ko sayo lika dito nagluto nako mahal na prinsesa kumaen kana at kamusta naman ang assignment nyo? Buhay pa ba ang mga De Ocampo o inubos mo na sila.? napakaingay talaga neto.
Gago hindi ako pumapatay ng tao pwede naman kung gusto mo ikaw unahin ko. kinindatan ko siya.
Gago di ka mabiro. Talaga bang di ka papatay pano kapag may bumugbog saken. nag pout pa pacute talaga to.
Edi binugbog ka tanga. sarkastikong sagot ko
Ganda mo kausap. inirapan ako at binato ng tsinelas niya pero nakailag ako.
Depende sa sitwasyon at level ng init ng ulo ko at lagay ng tiyan ko baka makapatay ako. binato ko pabalik yung tsinelas niya at sapul siya sa noo.
Aray! Kamusta naman tiyan mo maganda ba lagay niyan ngayon kumaen ka na nga mukang di maganda lagay ng tiyan mo eh ginutom ka ba don?. Don't tell me pinakita mo sa kanila na patay gutom ka. nakapamewang pa ang bruha.
Kinaen ko yung pitong brownies samantalang sampu lang ang ginawa ng mommy ni achilles kaya tatlo lang nakaen nya.
Patay gutom ka girl? humalakhak ito at biglang tumigil nakapamewang ulet at taas kilay akong tiningnan at parang nandidiri pa.
Ungas masarap kase. Kumaen na nga tayo.
Habang kumakaen kame nagvibrate ang cellphone ko.
Home safe?. Unknown number.
Yes. tipid na sagot ko di ko sure kung si achilles pero mukang siya naman dahil bukod kay cash at sa pamilya ko si achilles lang naman ang pinagbigyan ko ng number ko.
Achilles POV
Bwiset na babaeng to tipid magtext kakausapin ko pa sana kaso nahihiya din ako bahala na matulog na nga lang.
Tsk di ako makatulog sino kaya yung kahit wala na sya
Mabaet naman pala syang kausap pa minsan minsan pag may time at ang cute nyang kumaen. Bakit ko ba sya iniisip. Tsk tsk
Matutulog na ko baka marinig ko pa si juno sa isipan ko bwiset sya kakasabe nya to na may gusto ako dun eh kahit wala naman may sumpa yung bunganga ng hayup na yon.
Rain POV
Sunday.
Cash punta lang ako mall. tinapik tapik ko ito pero hindi magising.
Mmmm. umungol ito at yumakap ulet sa unan nya
Boy bahala ka diyan mabaliw ka kakahanap saken ayaw mo magising. umalis nako dahil mahirap gisingin tong isang to pero sabe nya mas mahirap daw ako gisingin bahala na nga sya diyan.
Dos kamusta pogi natin ngayon ah sasama kita mall tayo. Sumakay nako at pinaandar ang motor ko after 15 mins. nasa parking lot nako ng mall at may narinig akong babae na parang takot na takot.
Hi miss
Sexy mo naman
Wag kayong lalapit
Hule ka wag ka ng pumalag patitikimin ka lang namin ng masarap.
Huwag ayoko bitawan nyo ko.
Tss bakit ba ko napapalapit sa g**o ng iba ayoko naman iwan ang babaeng ito dito bahala na.
Bitaw. utos ko sa dalawang lalaking mukang paa
Oh may isa pang maganda laki nyan miss ah pwede pahawak. manyak 1
Puta baka mapatay ko tong isang to mga bastos at pasmado ang bibig.
Sinabeng bitawan nyo sya o pagpapantayin ko yang ulo at paa nyo? parang hindi ko alam ang salitang pagtitimpi sa mga gantong klaseng tao
Masyadong palaban si miss gusto ko yung ganyan pre hawakan mo yang isa ako bahala dito sa isa. manyak 2
Hinintay ko syang makalapit saken at sinipa ko ang alaga nya kaya napaluhod ito at sinipa ko naman ang muka nya at nahimatay ito habang nakahiga sa sahig tinapakan ko ang siko nito sinigurado kong nabalian sya nagising ito at napasigaw sa sakit ngunit nahimatay ulet.
Ok next. tumingin ako kay manyak 1 na kinakabahan na.
Mayabang kang babae ka nakatsamba ka lang! sasapakin nya ko kaya sinalo ko ang kamao nya at binalian sya ng kamay nagsisigaw ito sa sakit kaya sinipa ko sa muka at nahimatay.
Ok ka lang wala ka bang kasama? nilapitan ko sya at hinagod ang likod nya pinapakalma ko sya sobrang nabigla ata sa mga bastos na yon.
Ahh o--ok lang ako miss beautiful sa--salamat buti dumating ka. nauutal na sagot nya.
Ikalma mo sarili mo ligtas kana may kasama kaba hatid na kita sa kanya.
Ahh wa--wala akong kasama actually im going home na kaso hinarang ako ng dalawang yan. aniya
May kotse ka? Sakay kana hintayin kita makaalis.
Ahh ehh super thank you talaga miss beautiful mag iingat ka din sana mag kita pa ulet tayo. By the way Im Arabelle. inabot nya ang nanginginig nyang kamay saken
Ashleigh. tipid na sagot ko
What a beautiful name it really suits you. Thank you. nginitian nya ko maganda siya pero parang familiar siya saken parang nakita ko na sya.
Hinintay ko muna siyang makaalis mahirap na baka may mga kasama pa itong mga ugok na ito.
Pumasok na ko sa mall para mag kape siguro sa bo's coffee na lang ako pupunta.
Pagkatapos ko umorder ng isang cheese cake at caramelo umupo na ko sa bakanteng upuan. Nakita kong papalapit na si Skyler sa akin.
Umorder ka muna ng kape mo skyler. sabe ko
Nang makaorder na si skyler ng kape bumalik ito sa upuan kung nasan ako.
Isa ba ang De Ocampo? tanong ko
Kung ano man ang nakita mo oo ang sagot ko. sagot nya
Bakit hindi kayo dumating agad nung may mga lalaking nanghoholdap sa kanila. dapat natulungan na nila si Mr. De Ocampo nung nasa tapat pa lang ng Madeline coffee shop.
Nakita po kase namin na sinusundan ng mga tauhan ng mga Daican si Mr. De Ocampo kaya sila muna ang inuna namin iligpit nakita ka namin na ipinagtatanggol sila kaya hindi na muna kame lumabas. kaya naman pala may araw din kayo saken mga daican
Bakit nila sinusundan?.
Kung may alam sila patungkol sa Alas which is wala naman alam sila Mr.De Ocampo dahil ang mga nakakatanda lang naman ang may alam at hindi sila basta basta nagpapakita alam din ng mga Daican yon na walang nakakaalam kung nasaan ang Alas ng Mafia Uno nagbabakasali lang sila na baka may makita silang clue kung susundan nila ang mga kaalyado ng pamilya niyo kaya nga madalas nila kong sundan dahil uno ang tawag niyo sa akin pero wala silang mapapala sa akin. aniya
Tss masyado silang madumi kumilos at mag isip. kelan ba sila titino dapat ba munang masaktan.
Sila mom and dad nga pala? pahabol na tanong ko
Kasalukuyan pong nasa Japan for business at kasama naman nila sila thirdy.
Ok salamat skyler mauna na ko.
Mag ingat po kayo A---young la--lady. tiningnan ko siya at alam niyang may muntik na siyang hindi dapat sabihin sa public place.
So--sorry young lady. tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Isa si skyler sa mga taong pinagkakatiwalaan ko at ng pamilya namin kaya minsan ko lang pagalitan yan. Na una nakong lumabas sa coffee shop.
Pag kauwe ko ng bahay humiga agad ako dahil bigat ng ulo ko kakaisip sa mga Daican na yan hanggang sa nakatulog nako.
Omg omg nandito ka lang pala akala ko kung napano kana galing pa ko sa labas hanap ng hanap sayo. nagising ako sa maingay na bunganga ni cash
Ano ba natutulog yung tao ang ingay mo. singhal ko
Kanina pa kita hinahanap mabaliw nako dito kung saan saan ka nagpupunta ng hindi nagpapaalam baka napaaway ka nanaman. nakapamewang nanaman ang bruha
Nagpaalam ako pero ayaw mo magising. bored na sagot ko
Tsk kumaen ka na ba magluluto muna ko. tinaasan muna ko nito ng kilay bago umalis.
Nang matapos kame kumaen ni cash nakatulog ako agad dahil lunes nanaman pala bukas tsk tsk.
Rain POV
Monday na at nandito kame sa condo nababadtrip ako dahil ang iksi ng uniform namin ano ba naman to habang si cash ay tuwang tuwa.
Rain tara na baka malate tayo. ngiting ngiti ang gago
Hoy pano tayo magdadrive? inis na tanong ko
Suot muna natin jogging pants natin ayoko magcommute at iwan si flamie dito. maarteng sabe nya
Ayoko din iwan si dos dito. inis na sabe ko
oh wag kana maginarte tara na. kainis naman bakit kase ganto uniform namin
Pagdating namin sa school puro bulungan ang naririnig namin tss.
Chicks pre oh
bagay na bagay sa kanila yung uniform
witwew
ang sexy nila grabe
Sa buong klase ay nairita lang ako. Matapos ang third subject namin dumiretso na kame ni cash sa cafeteria at sumabay samin ang tatlong mokong na ito.
You girls looks so beautiful bagay na bagay yung uniform ng sylance sa inyo. si kev
Ah eh thanks. si cash
Leche ako di ako natutuwa reklamo ko sa isip ko.
Uy grabe kanina ang taas ng grade niyong dalawa ash at les. si juno
Parehong abnormal nagsama. si cash
Sabay kameng napatingin ni achilles sa kanya.
Kalma joke lang. si cash
Babyyyyy!!!!
Bakit nandito ka?
Ah wala masama bang makasabay kumaen ang baby ko? nag pout pa siya di ba to nahihiya sa mga kasama namin
Hi cashie. pinisil nya ito sa pisngi at napatingin siya sa tatlo. oh may friend na pala kayo dito sa bagong school nyo.
Hi bro Im kevin buti nakita ka nanamin pwede kame magpapicture. nginitian siya ni vlad at lumapit silang tatlo sa kumag na to tss ano sila fanboy.
Juno is the name idol lagi ka samin nababanggit ni coach. sumaludo pa ito kay vlad
Achilles idol tangkad mo pala talaga. awkward na ngumiti
Buti naging kaibigan niyo to hindi ba kayo binubugahan ng apoy niyan. humalakhak silang lahat.
Ano ba kakaen ka ba o makikipagdaldalan?. kunot noo ko silang tiningnan.
Eto na mahal kakaen na po. hinalikan ako sa noo bago umalis si vlad at bumili ng pagkaen
Ang sweet nyo naman. si juno
Tiningnan ko lang si juno at binigyan ng pilit na ngite.
Sweet talaga sila. si cash
Tss wag kang kiligin na tinawag ka niyang mahal kilala mo naman siguro si mahal. si achilles
Gago ka par. natatawang hinampas ni juno sa balikat si achilles at sabay na tumawa si kev at cash
Binigyan ko sila ng nakakamatay na tingin at nagsitahimikan sila at dumating na si vlad.
How many years have you been married?. si kev na nakatingin kay vlad.
Ha? we're not. humalakhak ito at humigop sa kanyang malamig na pineapple juice at gumalaw ang adams apple nito rinig rinig ko ang nakakarinding tilian ng mga babae sa paligid.
Ang hot nya
Grabe makapigil hininga ang kagwapuhan nya sis
Kahit walang syang gawin ang gwapo nya pa rin
Ashton my love
Like putang ina naririndi ako sa mga babaeng to tss.
What?! so gf mo lang sya bakit pareho kayo ng surname. si juno.
She's my baby sis my pwinchess. si vlad
Ah eh akala namin mag asawa kayo ang sweet mo kase sa kanya. siraulong juno to 15 pa lang ako anong asawa asawa tss.
Achilles POV
Bakit parang natuwa ako na hindi sila mag asawa tsk tsk erase erase. Pero sobrang ganda nya bagay na bagay yung uniform sa kanya kaso ang iksi hindi ko alam kung bakit ako naiinis na suot nya yang uniform pero sa ibang babae dito wala naman akong pakealam. tsk ano bang nangyayare saken.
Siya lang ang babae kong kapatid kaya siya lang ang malalambing ko. si vlad.
Tapos na ba kayo na pagchismisan ako?. si busangot tumayo ito at umalis.
Rain POV
Ang iingay ng mga yon pumunta muna ko saglit sa aking locker pero may nakabunggo sa akin.
Sorry mi--miss beautiful?! oh hi. si arabelle
Hello dito ka nag-aaral?
Hindi nya ko sinagot bigla na lang akong niyakap. Oh im happy na nakita kita ulet i really wanted to say thank you sayo ng paulet ulet.
Once is enough. sabe ko pero nakayakap pa rin sya saken.
Arabelle?. isang boses na pamilyar saken ang tumawag kay arabelle
Kuya! sigaw ni arabelle nakita ko sila cash at yung tatlo na nasa likod namin nasan na si vlad baka bumalik na yun sa college bldg. tss. wait kuya? siya yung kakambal ni achilles na nasa picture kaya naman pala parang familiar.
Kilala mo sya? tinuro ako ni achilles
Yep si miss beautiful ashleigh. kumindat sa akin si arabelle
Pano mo sya nakilala?. si juno
Siya yung nagligtas saken sa mall nung may dalawang lalaki na humarang saken. Thank you ulet ate ashleigh pwede ba kitang imbitahan sa bahay gagawa kame ni mommy ng brownies pls. nag puppy eyes pa sya.
Ahhh ehhh.
Sumama ka na gusto mo naman yon diba. Damihan mo gagawin mo kulang pa sa kanya yung sampu. si unggoy
Kilala mo siya kuya?
Yes classmate ko siya matakaw yan sa brownies. Putang ina nahihiya ako pero gustong gusto ko na pumayag na pumunta sa kanila at matikman ulet yung brownies pero bakit parang may pag atake tong si achilles pakealam niya ba kung matakaw ako .
Pwede ba kameng sumama diya . si juno.
Sure kuya juno at kuya kevin pati na rin si miss cute classmate niyo ba sya.
Ah kaibigan ko si ashleigh magkasama kame sa iisang bahay.
Oh great! Kuya dalhin mo sila sa bahay ah nagpunta lang ako kay tito may pinapabigay kase si lolo uwe muna ko bye ate pretty ash. (tito nila yung dean ng school)
Kumaway na lang ako sa kanya.
Thank you. si achilles na napapakamot pa sa ulo.
For what? tanong ko.
Sa pagligtas sa kapatid ko. hindi sya makatingin saken ng diretso nahihiya ba to.
Ah wala yon. tipid na sagot ko
Anong wala ka jan? mukang nanalo na yung anghel sa katawan mo ah super hero ka na boy? hoy mokong tinuro nito si achilles wag mo ng pagtitripan tong kaibigan ko dahil bihira yan magpaka super hero pero dalawang beses na niyang niligtas ang pamilya mo mahiya ka naman o ibabalik na kita sa kinder para maturuan ka ng magandang asal.
Humalakhak si juno at kev si achilles napapakamot sa ulo sa hiya
Oo na kaya nga papadamihan ko yung brownies mamaya. si achilles.
Puta parang pumapalakpak ang tenga ko sa tuwa brownies come to mama.
Bumalik kame sa classroom at nag discuss na ang prof namin.
*Kriiiiiinggggggg
Nagbell na senyales na tapos na ang klase.
Rain wait kita sa parking lot di na kita masasamahan sa cr mauna na ko sayo dadaan pa kase ako sa locker at kay coach then diretso nako parking lot doon ko na lang din hintayin yung tatlo. nag flip pa ng hair bago umalis
Sige cr muna ko naiihi na talaga ko. sagot ko.
Cashmere POV
Nasa locker ako ngayon para kunin yung libro ni coach na naiwan niya sa desk tinext ko siya na itinago ko muna ito at ibabalik ko after class, matapos kong ibalik ang libro pumunta nako ng parking lot at may humarang saken.
Oh hi b***h buti naman at nagkita tayo ulet pasalamat ka at nandun si achilles ng mga araw na nabibwisit ako sayo. yung panget na sheena
Oh tapos? sarkastikong tanong ko
Palaban ka talaga miss. sabe nung lalaking si dirt.
Tuturuan ka lang namin ng leksyon at para matuto kang gumalang. Hinawakan ako ng dalawang lalaki at sinampal ako ng malakas ni sheena.
Aray puta! sigaw ko nagdugo yung labi ko. duwag ka ba bakit kailangan may hahawak pa saken? di mo ba ko kaya?.
Sinampal niya ako ulet at lalong dumugo ang labi ko.
Juno POV
Sheena anong ginagawa nyo?! si achilles
Wag kang makialam achilles mahal kita pero hindi kita hahayaan na pakealaman ako tuturuan ko lang ng leksyon tong babaeng to.
Mahal tss alam mo ba yon? wala kang alam sa ganon hindi ka kase marunong makuntento.
Sinampal ni sheena si achilles at napasmirk lang si achilles.
So--sorrryyy di ko sinasadya nagkamali ako noon pero sana mapatawad mo na ko.
Tss wala kong babaeng minahal na may ganyang ugali gaya sayo. walang ganang sagot ni achilles
Rain POV
Tss wala kong babaeng minahal na may ganyang ugali gaya sayo.
Nang marinig ko yon kay achilles napaisip ako siya ba yung hindi niya naipaglaban? bakit sya nagkagusto sa babaeng yan tss.
Napatingin ako kay cash na dumudugo ang labi awtomatikong nag init ang ulo ko.
Lumapit si sheena kay achilles at pilit na niyayakap pero itinulak lang siya ni achilles.
Gago ka. si dirt na akmang sasapakin si achilles kaya sinalubong ko ang kamao neto sabay pilipit at napaupo sya sa sakit.
Cash ilang sugat meron ka?
Achilles POV
Cash ilang sugat meron ka? kalmadong tanong ni ash di ko talaga malaman kung galit ba ito o hindi hirap basahin
Isa lang sa may labi. sagot ni cash na inaalalayan ni kev at juno
Sinong gumawa sa kanya niyan? hindi kayo sasagot o isa isa kayong puputok ang nguso. si ash na mukang seryosong tinitingnan at kinakabisado kung saan banda may sugat si cash
Matapang ka miss para sumagot sa amin ng ganyan nakakatawa di mo kame talaga kilala sorry three kings pero hindi ko kayo mapagbibigyan sa ngayon let me disrespect you for just 5 minutes kailangan lang maalog utak ng babaeng to Sorry King. si dirk na sumenyas at pinasugod ang mga bata niya kay ash.
Tutulungan ko sana siya pero pinigilan ako ni cash. Kaya niya yan.
Apat na lalaki ang sumugod kay ash at sa tatlong minuto napa bagsak nya ang mga ito.
Kung sinabe niyo na kung sino edi sana hindi kayo namimilipit sa sakit ngayon. tumingin sya kay dirk. ikaw ba ang leader ng mga mahihinang to? tinuro nya ang mga lalaking nakahiga sa sahig. lumapit ka nga at pakitaan mo ko kung may maipagyayabang ka. hamon ni ash
Sumugod agad ito kay ash at sa isang suntok na pinakawalan ni ash na out of balance si dirk
Yan ang pinakamahina kong suntok katumbas ng pinakamalakas mong pitik hindi ko pa tinodo yan para marinig mo pa ang sasabihin ko. Oras na saktan nyo ulet ang kaibigan ko uubusin ko ang lahi nyo at sa susunod na magyayabang ka sa harap ko siguraduhin mong marunong ka ng sumuntok. Leader ng isang g**g? napa smirk ito bago ulet nagsalita. sa pinakamahina kong suntok wala kang nagawa tss.
At ikaw sabay turo nito kay sheena. Wag kang duwag lumaban ka ng patas alam kong ikaw gumawa nyan sa kaibigan ko pero gusto muna kitang pakitaan kung pano ko paglalaruan tong mga kasama mo at maramdaman mong wala kang kakampi katulad ng ginawa mo sa kaibigan ko. Baka umulet ka pa? sinasabe ko sayo mas higit na mapanakit ako sa pangalawang pagkakataon sinisiguro kong di mo magugustuhan. Pasalamat ka babae ka at hindi ko pag aaksayahan ng lakas ang mababang uring katulad mo. Tara na bago pa magdilim ang paningin ko at patulan ko ang isang yan. ganon sya magalit hindi sumisigaw pero makakaramdam ka ng takot.