Chapter 16

2280 Words
Rain POV Hindi ko alam pero ang lakas ng kaba ko nang marinig ko ang Apelyido na nabanggit ni thirdy. Avilez? tanong ko Yes po Young Lady Kent Leo Avilez wala pa ko masyadong alam sa kanya hindi naman siya kumikilos ng masama naka focus ako kay Silencer. si leo? alam niya kaya na kapatid ko si kuya dale. Sige thirdy i-check mo din ang patungkol sa kanya. utos ko Pero Young Lady hindi ko na po siya nakikita ang nabalitaan ko ay mag-aaral daw sa Pilipinas, sa korea wala po sila masyadong impormasyon. sagot niya Ganun ba sige maiwan ko na kayo magpahinga na kayo pagkatapos niyo. sabe ko at umakyat nako papunta sa kwarto ko konektado ito sa underground kung nasaan ang buong Miyembro ng Mafia Uno hindi to alam ng pamilya ko ang mismong gate ng Underground ay tatlong kanto mula rito sa mansion ginawa to ni Lolo para mabilis kong maprotektahan ang Pamilya ko at ang Mafia Uno noon ay tutol sila sa pagiging Mafia Ace ko kung kaya't sinubukan ni Lolo si kuya dale at vlad ngunit hindi sila tumagal sa ensayo. Nandito na ko sa kwarto ko at hindi ako mapakali at hindi rin ako makatulog Si Leo? anong meron sa pagkatao niya? bakit niya sinusundan si kuya dale? ang dame kong tanong sa isip ko Leo hindi ko maipapangakong mananatili tayong magkaibigan oras na saktan mo ang Kapatid ko. Kaya pala magaling din siya humawak ng Pana kaya pala ang sabe niya ay mas mapanganib siya kaysa sa mga Ungas na Gangster na nakasagupa namin nung nakaraan. Dahil sa hindi ako makatulog at alas dos na ng madaling araw tumayo ako pumunta sa front garden naglakad nag isip at nagutom kaya pumunta ko sa kusina para maghanap ng makakaen. Naka hood ako at naka sumbrelo nang may marinig akong pag kasa ng b***l at itinutok ito sa ulo ko. Sino ka? tanong ng binatilyo Ikaw sino ka? tanong ko habang nakayuko at nakatingin sa kanyang anino naka shorts at t-shirt dito ba sa mansyon to nakatira. Alam mo bang ikamamatay mo ang pagpasok dito? tanong niya Kung mapapatay mo ko. sagot ko at mabilis kong inagaw ang b***l sa kanya. No----noona? si kazier kaizer? Anong ginagawa mo dito? tanong ko Ang tatay ko ay miyembro ng Mafia Uno ikaw din ba? nagsasanay ako upang maprotektahan ang pamilya ng Mafia Uno dahil minsan na din nilang prinotektahan ang pamilya ko. sagot niya Hindi mo ko kilala Kai? tanong ko Kilala ikaw yung noona ko. kamot ulong sagot niya kahit kailan talaga ay napakainosente niya yung tipong gusto mo siyang laging protektahan. Nakaikot ka na ba sa loob ng Mansyon? may mga malalaking litrato dito na nakapaskil sa pader. tanong ko Opo pero hindi ko pa naikot lahat nakakahilo eh ang laki kase at 2 months pa lang akong nag eensayo. sagot niya Young Lady ano pong nangyayare dito?. si Kalix Punong bantay sa korea isa sa mga hawak ni Uno inilagay niya ang kanang kamay niya sa dibdib at  yumuko ito sa harap ko ang pag galang na nararapat lang sa posisyon ko. Kelan ka pa nakauwe? tanong ko Kasama ko po ang Kuya niyo at si thirdy. sagot nito at tumingin kay Kaizer Anak anong ginagawa mo dito sa kusina? tanong niya Dad kilala mo si Noona? tanong niya Noona? sinong noona? tanong ni kalix at itinuro ako ni Kaizer Anong noona siya ang Young lady dito nakababatang kapatid ni Master Dale. sagot niya Hayaan mo na kaklase ko ang iyong anak ok lang saken tawagin niya kong noona iyon ang nakasanayan namin. sagot ko at ibinalik kay Kai ang b***l niya Ganun ba Young Lady paumanhin kung hindi siya nakapagbigay galang sa inyo. Binatukan niya si Kaizer at yumuko ito sa harap ko. Siya ang Pinakamataas sa buong Mafia International at Local. gulat na napatitig sa akin si kaizer Huwag mo naman takutin ang anak mo Copper. Copper ang code name ni Kalix sa Mafia kilala siya na gumagamit ng copper pang sakal sa mga kalaban lumapit ako kay kai at inakbayan siya. Sa susunod ay tuturuan kita humawak ng b***l at kung paano maging mabilis yung hindi ka maagawan. Talaga Noona? tanong niya Oo naman basta ikaw basta secret lang natin to ah kahit si cash ay hindi ito alam ayoko lang na may ibang madamay sa pagiging delikado ng Mafia. sabe ko Ganyan kayo ka close Young Lady? di makapaniwalang tanong ni copper Oo parang kapatid ko na itong anak mo kaya nga noona ang tawag niya sa akin. sagot ko Pero Kaizer anak gagalangin mo pa din ang Young lady magbibigay galang ka pa din nagkakaintindihan ba tayo?. tanong niya sa anak niya Yes po dad noon pa may ginagalang ko na si noona idol ko nga po siya. sagot niya kaya ginulo ko ang buhok niya. Sige na magpahinga kana Kai. yumuko ito bago umalis Kamusta ang Korea Copper may kilala ka bang Avilez? tanong ko Naririnig ko na ang Apelyido na yan Young Lady pero wala akong masyadong alam sa kanila. sagot niya Ganun ba o sige magpahinga kana copper. sabe ko Kayo din Young Lady bumalik na kayo sa kwarto niyo at gabi na. naiwan ako mag isa dito sa kusina miyembro ng Mafia si Kaizer ngunit bakit hindi siya lumalaban sa mga nambubully sa kanya sa school lalo lang gumugulo ang isipan ko idagdag mo pa si leo. Cash POV Kasalukuyan akong kumakatok sa kwarto ni rain dahil aalis kame nila tita carrie. Boy!!! gising na!!! Tumayo kana diyan lintek ka!!!! sigaw ko at nagulat ako nang may biglang humalakhak sa likod ko. Ganyan pala itsura mo cashie tuwing umaga? natatawang tanong ni kuya dale Buti nga't hindi pa nakakalas ang katawan ni cashie. si kuya vlad Ang hirap kase gisingin netong kapatid niyo. nang marinig kong nagising na si rain sumenyas ako na umalis na kame Bakit? tanong ni tito ges Narinig ko na po yung papalapit niyang yabang ay este yabag mahirap na baka mabugahan tayo ng apoy. sabay sabay kame na palingon nang magbukas ang pinto ng kwarto ni rain at nag katingin kame sa isa't isa at nag kanya kanyang takbo. Halos hinihingal pa kameng nakarating sa kusina at hawak hawak ang aming mga dibdib. Cashie ganoon pa din ba siya? tanong ni tita carrie Huminga muna ko ng malalim at umupo bago mag salita. Yes tita nagbubuga pa din ng apoy. natatawang sagot ko Iba talaga yang kapatid mo eh noh. si kuya vlad habang nakatingin kay kuya dale Kung magsalita ka parang di ka namin kapatid. natatawang sabe ni kuya dale Bakit kase kayo tumakbo?. si kuya vlad na naghahabol pa ng hininga habang kumukuha ng tubig Eh bakit tumakbo ka rin?. tanong ni kuya dale kaya natawa kame nila tita Bakit ba tayo natatakot kung bagong gising siya? tanong ni kuya vlad Bro nakalimutan mo na? Yung last time na ikaw ang gumising diyan halos mabalian kana ng daliri buti na lamang at naka adjust na yung mata niyang bagong gising at nakita niyang ikaw na pala tong ginugulpi niya. si kuya dale na tumatawa at nang aasar kay kuya vlad. Malakas kase ang pakiramdam niya alam nyo namam ang Lolo dad niyo sinanay siya maging alisto kaya konting kaluskos lang sa loob ng kwarto niya ay mabilis na bumabangon si pwinchess. si tito ges Kaya nga diba nakalock na lagi ang pinto niya. si tita carrie Kung ako po sa inyo gayahin niyo na lang ang technique ko sigawan niyo ng sigawan hanggang sa magising tapos pag narinig niyong bubukas na yung pinto takbo na mahirap naman kase ginawa mo kuya vlad eh ginising mo siya ng tinatapik tapik mo lang dapat sigawan mo para marinig niya ang boses mo at makilala ka niya dati din kase muntik na din ako mabalian ng daliri. sagot ko Oh bakit ano ba ginawa mo cashie? tanong ni kuya dale Naiwan niyang bukas ang pinto niya kinalabit ko para gisingin isang kalabit lang yon ah tapos ang bilis ng mga pangyayari nakapilipit na yung daliri ko kaya sumigaw ako agad ng ako to boy!!!. Sinabe ko yun with action pa kaya nagtawanan sila. Masyadong alerto yung anak niyo tito hindi kayo mananakawan kapag siya ang bantay ng bahay. pabirong sabe ko at natawa si tito Mana sa ina niya tara na nga kumaen na at hintayin na lamang natin siyang bumaba. si tito ges Mas di hamak na mas mabilis yang anak mo. sagot ni tita carrie Bakit po nanggugulpi ka din ba tita? tanong ko at tumahimik sila at biglang nagtawanan. Ano ka ba cashie binibiro ko lang tita carrie mo oh nandito na pala si pwinchess kumaen na tayo. pag-iiba ni tito ges sa usapan Sa itsura ni tita napakaelegante hindi naman siguro siya tulad ni rain na barumbado actually lahat sila kagalang galang kumilos si rain nga lang ang naiiba para siyang laging handang gumulpi ng tao kung kumilos ay parang napakataas na awtoridad at kinakatakutan. bulong ko sa isip ko. Baby mamaya magshopping tayo nila cashie ah. si tita carrie at tumango lang sa kanya si rain at dinukot ko sa bulsa ko ang cp ko dahil may tumatawag Excuse me lang po. lumayo ako konti sa hapag kainan. Hello bakit ka napatawag? tanong ko Nasan kayo nandito kame nila achilles sa loob ng condo nyo. si riri Aba'y lintek pakausap nga kahit sino sa tatlong ugok na yan. sabe ko Hoy!! sigaw ko napatingin saken ang buong Imperial nginitian ko lang sila at sumenyas na tumuloy na sa pagkaen. Sino to ah?! tanong ko Si achilles ang ingay mo sakit sa tenga. sagot niya Pag nakarating ako diyan sa condo sasakit yang tenga mo pag pinutol ko yan. sagot ko Grabe ka naman nasan ba kayo? tanong niya Sinong nagsabeng pwede kayong pumasok diyan?! tanong ko Sorry na akala kase namin tulog kayo kaya pumasok na kame. sagot niya Ayaw na ayaw namin na may pumapasok diyan naiintindihan mo ba hindi nakakatuwa achilles. inis na sabe ko Sorry na cash may dala kase kameng pagkaen para sainyo nandito din sila tala. sagot niya Nakaka.... di ko na ituloy ang sasabihin ko dahil hinablot ni rain ang cp ko. Rain POV Sino to? bakit ginugulo mo kaibigan ko. tanong ko sa kausap ni cash dahil kumakaen kame at gusto kong malaman kung sino tong mokong na to na nanggugulo Boss baby. sagot nito Achilles? tsk. bored na sabe ko Yes boss baby nandito kame sa loob ng condo niyo. nung sinabe niya yun tumingin ako kay cash May dala daw silang pagkaen kasama din nila si tala. sagot ni cash Bakit hindi muna kayo nagsasabe wala kame diyan. sagot ko Baby sino yan kumaen na kayo ni cash. si dada Sino yun? taksil ka ash may bf kana? tanong ni achilles Hoy ikalma mo muka mo anong taksil magtigil ka hindi pa tayo at hindi pa kita sinasagot. napatingin ako kila cash at sa pamilya ko na nagpipigil ng tawa. Ikaw mapapatay kita talaga. inis na sabe ko kay achilles Sino nga yon? nanghihina na ko niloloko mo. sabe ni achilles Bakla ka anong pinagsasabe mo di kita niloloko ikaw lang manliligaw ko. sagot ko at naasar ako lalo sa mga taong nandito sa paligid ko at rinig na rinig ko ang pagpipigil nila ng tawa. Talaga? kinikilig ako yehey ako lang nanliligaw kay ngot woooohh. sigaw ng oa na abnormal na baklang to. Umuwe na kayo dahil gabe pa kame uuwe diyan. sabe ko Ganon ba sige hindi na namin kayo mapipilit? tanong niya Nandito ko sa bahay namin at aalis kame mamaya family bonding minsan ko lang sila makasama sige ngayon sabihin mo saken kung kailangan ba talaga naming bumalik ni cash diyan sa condo. inis na sabe ko Ah sorry naman ngot hindi ko alam sige ingat kayo kumaen ka ah. ibinaba ko na ang tawag Achilles POV Ano sabe par? si juno Aalis Family bonding daw. sagot ko Ganon ba sige wag na natin kulitin tayo na lang kumaen ng mga to. sagot niya Saan tayo? si tala Tara sa bahay namin. si juno Nakarating na kame sa bahay nila juno at nakita namin si kuya Arlan. Guys doon muna kayo sa game room. si juno Ah sige punta na kame doon hintayin na lang namin kayong tatlo. sagot ni kaizer Lumapit kame kay kuya Arlan para tanungin kung may bago siyang nakalap na impormasyon. Kuya musta may bagong chismis ka ba? tanong ni juno Sa ngayon wala pa rin. sagot ni kuya arlan Nandito daw family ni ash aalis nga sila ngayon para mag family bonding. sagot ni juno Kayong dalawa di niyo pa rin titigilan kakaalam sa buhay ni ash. si kev Eh gusto lang namin malaman. si juno Tss bahala kayo diyan. umalis si kev at pumunta na sa game room Problema nun? tanong ko kay juno nagkibit balikat lang siya Alam niyo ba kung saan sila nakatira? tanong ni kuya arlan. Yun lang hindi namin alam yung condo lang alam namin tsaka silang dalawa lang ng kaibigan niya ang nakatira doon. sagot ni juno Nagpunta na ko dun ang hirap pumasok may electric mode yung pinto. sagot ni kuya arlan at pinakita niya ang kamay niyang may pasa Hala seryoso meron? si juno Meron pag mali yung password na napindot mo. sagot ni kuya arlan Alam niyo ba ang password? tanong ni kuya arlan Nagkatinginan kame ni juno at alam kong ayaw niya din sabihin nagdadalawang isip kame dahil ayaw din naming magalit si ash at cash sa amin. Ah eh hindi kuya arlan sige hayaan na lang natin wag na natin alamin. si juno Bumalik na kame sa game room at nakahanda na ang mga pagkaen. Oh King kamusta panliligaw? si riri Ah eh yon nanliligaw pa rin. kamot ulong sabe ko Ay nako kumilos kana baka maunahan ka pa ng iba bakit hindi mo ayain mag date. suhestiyon ni riri Oo nga par. si juno Gusto niyo i-set up namin kayo? tanong ni tala Good idea. si kev Ako na bahala sa lugar ano ba hilig ni ash para ibabase ko dun yung idedecorate natin sa lugar. si tala Black ang favorite color ni bakla ang panget naman kung nagde-date sila tapos parang may lamay. natawa kameng lahat kay riri Mahilig siya sa nature. sagot ko Alam ko na bakla why not doon tayo sa Zambales sa bahay bakasyunan niyo napakaaliwas doon tapos maraming puno wild life lang ang peg ni baklang ash. suhestiyon ni riri Oo tama doon kayo sa tree house mag date Omg excited na ko. si tala Kelan yan ngayon pa lang magiimpake na ko. kahit kelan talaga tong playboy na to This coming weekends na lang. si kev Sige friday nang gabe tayo umalis. si tala Matapos namin planuhin ang mga gagawin namin sa date namin ni ash kinakabahan ako kung magugustuhan niya ba o hindi ewan ko lang wala pa naman emosyon yung babeng yon. Nakarating na ko sa bahay at nakahiga na sa aking kama at hindi pa rin mawala sa imahinasyon ko yung mga mangyayari sa date namin gagi kinikilig ako sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD