Rain POV
Umuwe na tayo wala daw last class may faculty meeting ulet. sabe ni cash na hinihingal pa dahil galing sa classroom nag cr muna kase ako kaya pinauna ko sya dahil sa lintik na unggoy na yon nagpalit nanaman ako ng damit.
Nakasakay na kame sa motor at naka red light kaya nakahinto kame nang makita namin sa Madeline coffee shop tapat ng school yung tatlong ugok at may nakakatandang lalaki na kasama siguro nasa mga 40's na yung lalaki.
Boy mukang hinoholdap sila tingnan mo may umakbay dun sa kasama nilang lalaki boy may babae din ayon sa likod ni achilles mukang dadalhin sila sa gilid ng coffee shop iskinita na yon. pakelamera talaga to
Ang dame nila pero di sila lumalaban. bored na sabe ko
Tulungan natin boy. parang di ko gusto takbo ng utak ng isang to ah
Police ba ko boy kelan pa ko nagkaron ng pake sa iba? inis na sagot ko. Tara na gigil pa ko sa taong yan.
Pero boy nangengealam ka diba kapag lugi ikaw din pag may nangyareng masama sa kanila baka di ako makatulog nun kase nakita ko sila tapos di ako tumulong tsk tsk. Nangongonsensya pa ang animal
Lugi? eh mas madami sila at tatlo lang yan nanghoholdup pero hindi mukang holdaper kaya siguro hindi napansin ng mga dumadaang tao. sagot ko
Bahala ka boy pupunta ko. tigas na ng muka tigas pa ng ulo.
Hoy Cashmere Jimenez Monteverde! tsk putang ina tigas ng ulo akala mo malakas sumuntok ang puta. no choice na ko lumiko ako at sumunod sa kanya may kutob ako na hindi lang basta holdaper ang mga yon base sa mga suot nila baka sindikato o kinapper? psh.
Achilles POV
Hoy tukmol bitawan mo sila. sigaw ng pamilyar na boses yung maingay na kaibigan ni busangot. Bakit nandito tong asungot na to.
Kinakabahan ako dahil hawak nila si dad at hindi kame makalaban baka kase may gawin silang masama kay dad kaya hindi kame makakilos at nanlalambot sa sobrang takot.
Sino ka? damputin nyo yung babaeng yon masyadong maingay.
Lalapit yung isang lalaki kay asungot ng biglang sipain nya ito sa tiyan at ikinatumba nung lalaki.
Putang ina anong ginagawa nyo damputin nyo yan batang yan! singhal nung lalaking nakahawak kay daddy.
Yung isang lalaki na kasama nila tumakbo papunta kay asungot at nahablot nya si cash pota pakilamera kase baka madamay pa sya hinawakan sya sa leeg kaya hindi sya makagalaw tumayo yung lalaking sinipa nya kanina at akmang sasapakin sya sa tiyan.
Shit!. napamura si kev at juno ng makita nila na sasapakin sa tiyan si cash pero may sumalubong sa kamao nung lalaki at hinawakan ito. Touch her or taste the hell? puta yan nanaman yang linya nya.
Nagbitaw ng malalalim na hininga si kev, juno at ako.
Nang pumalag ang lalaki pilit na inaalis ang kamay nya kay busangot. Pinilipit nya ito at sinuntok ang siko ng lalaki kaya napaupo ito at nagsisisigaw sa sakit.
Shhhhhhhh wag kang maingay baka marinig tayo ng mga pulis. yung muka nya seryosong seryoso di mo kakakitaan ng kaba
Putang ina nakakatakot sya na parang kayang kaya nyang paglaruan yung lalaking mas malaki pa sa kanya.
Binitawan ng isang lalaki si cash at akmang sisipain si busangot na nakatalikod sa kanya pero nailagan nya ito at na out of balance yung lalaki dahil sa sobrang pwersang binigay nya sa sipa nya sa pag ilag ni busangot yung lalaking nakaupo ang nasipa sa muka.
Putang ina nyong dalawa bata lang yang mga yan hindi nyo pa kaya. galit na sigaw ng lalaking nakahawak kay dad.
Mabilis na sinuntok ni ash yung likod ng dalawa hindi ko alam saan banda at parehong nahimatay. Lumapit ito samin at humarap sa lalaking may hawak kay dad.
Bitawan mo na yan dahil gutom nako. Putang ina nantitrip ba sya bakit yung pagiging patay gutom pa nya yung pinagsasabe nya dito
Ano sinasabe mo bata?! sabe nung lalaki
Bilis dahil pagsisisihan mo pag humakbang pa ko dito base sa kilos at galaw nyo hindi kayo holdaper. sabay smirk.
Bata ka lang ano bang alam mo?!. galit na yung lalaki sa pangengealam ni ash
Anong kailangan mo sa lalaking hawak mo? bored na tanong ni ash
wag kang lalapit sasaksakin ko to. mas nilapit ng lalaki yung kutsilyo sa leeg ni dad
Hoy ashleigh wag mo ipahamak si dad makinig ka na lang sa lalaki magkano ba kailangan nyo?. tanong ko sa lalaki
Kailangan kong dalhin tong tatay mo at ang boss ko ang magpepresyo nun hintayin nyo na lang ang tawag namin. bwiset tong mga to ayaw magbanat ng buto
Rain POV
Nakita ko ang mga linya at tuldok morse code ito na may diamond sa dulo tattoo sa may pulsuhan ng dad daw ni achilles alam ko ang simbolong yan.
Mr. De Ocampo. sambit ko at napatingin saken ang dad ni achilles.
Hexo. sambit ko
Nagulat yung dad ni achilles pero alam kong naintindihan nya yon.
Achilles POV
Nang marinig ni dad ang sinabe ni ash napahinto ito at napatitig kay ash. Tumango si daddy bakit parang nagkakaintindihan sila.
Humakbang ng isa at sumugod ng mabilis si ash at parang nataranta ang lalaking may hawak kay dad at gamit ang dalawang kamay ni dad hinawakan nya ang kamay ng lalaki kaya nataranta ang lalaki dahil hindi nya alam kung sino sa dalawa ang uunahin nya ng akmang gigilitan ng lalaki si dad pero hawak ni dad ang kanyang kamay kaya kahit papaano ay napipigilan ni dad pero napakahina ng pwersa niya dahil nanghihina ang kamay dahil naipit ito sa pinto ng sasakyan nung nakaraang araw, nagulat kameng lahat ng hawakan ni ash yung kutsilyo na konti na lang malapit na sa leeg ni dad at dumugo ang kanyang kamay na ni isang emosyon na nasasaktan ay hindi sya kakikitaan at parang nag uusap sila sa mata ni dad.
Hinablot nya ang kamay ng lalaki senyales na makakawala si dad at pumunta ito samin. Kinakabahan ako dahil alam kong may b***l sila di ko alam sinong sa kanilang tatlo yung nakita kong may hawak nun kanina
Actually marunong si dad lumaban pero dahil nandito si mommy hindi niya magawang lumaban ayaw niyang nakakakita si mommy ng mga ganoong pangyayari hangga't maari ay idadaan niya sa usapan kung hindi dumating sila ash baka napagastos na kame.
Iha mag ingat ka. sambit ni dad.
Hawak ni ash ang kamay ng lalaki at pumapalag ito pero itinulak ni ash yung siko ng lalaki kasabay ng palad sa magkaibang direksyon at tumunog ang buto nito at sinipa nya sa parteng ibaba ang i***********l na teknik.
Sigurado akong hindi kana makapananakit pero may kanang kamay ka pa gamitin mo sa mabuti at sa oras na magkita tayo ulet hindi ako magdadalawang isip na gawin ulet sa kanang kamay mo yan pati na rin sa mga paa mo kung gagawa ka ulet ng gantong eksena. sabay talikod nito.
Tara na cash. sambit nito
Boy may sugat ka. si cash
Gusto ko lagyan ng panyo kamay nya pero hindi ko magawa naistatwa ko sa kinalalagyan ko.
Ah iha. tinawag ni mommy si ash.
Huminto ito at lumingon.
Salamat iha. niyakap nya si ash na wala man lang emosyon eh halos lahat kame dito ay kumabog ng bente
ang puso pero ito kahit isa wala ata.
Salamat. sambit ni dad.
At nagkatitigan sila ni ash na parang nagkakaintindihan sila.
Walang anuman po mag ingat kayo at mauuna na kame. tumingin ito kay cash at sumakay na sila sa motor nila.
Sumigaw ng thank you si kev at si juno lumingon si cash at ngumiti pero hindi sila nilingon ni ash tinaas lamang nito ang duguan niyang kamay at nag ok sign.
Nabigla ako sa pangyayari at nahihiya akong mag thank you dahil sa kabila ng kagaguhan ko nagawa nya pa rin kameng tulungan.
Cashmere POV
Maaga kameng pumasok dahil Monday ngayon 2nd week at kukunin na namin ang aming uniform at sa aming paglalakad pare pareho ang naririnig ko.
Uy guys 2nd week na papasok na ang mga Out law gangstah.
Nakita ko na kanina
Balita ko guys buo na ulet ang Out law uuwe na galing america ang member nito kasama ata si sheena.
oo nga daw at dito na sila ulet mag-aaral
Araw araw nanaman tayong makakakita ng gwapo.
kahit wala sila nandiyan naman three kings natin walang makakatalo sa kagwapuhan nila
Out law gangstah tss may gangster dito at bakit 2nd week sila pumapasok pa VIP.
Lahat naman ng school meron. sabat ni rain.
Ms.Monteverde and Imperial eto na yung uniform niyo pati p.e uniform nadiyan na rin. yung staff ng school
Sige thank you po. sagot namin ni rain
Nagpunta muna kame sa locker room at iniwan ang mga uniform namin. Papunta kame sa room at may nakasalubong kami sa hall way na Limang lalaki may itsura at isang babae na maganda naman pero mas maganda tong katabi ko. Naglalakad kame sa gilid at diretso lang ang tingin namin ni hindi namin sila pinagmasdan, ako lang napasulyap ng konti para madescribe ko sa inyo.
Nang malagpasan namin sila biglang may tumawag samin at napalingon kame.
Bakit hindi kayo tumabi alam niyong padaan kame. sabe ng lalaking nakataas ang buhok.
Kasya naman tayo sa daan at bakit hihinto pa kame? sagot ko.
Nakakuha kame ng atensyon at ang dameng students na nakatingin samin.
Hala sumagot siya kay Dirk
Nako patay siya
Lakas ng loob nila sumagot sa leader ng out law.
Napangisi yung lalaking kausap ko na ang pangalan ata ay Dirt.
Bumulong saken si rain. dirt daw pangalan niyan sabe nung mga nasa paligid baka gangster mukang mapapaaway ka nanaman. Natawa ko dahil pereho kami ng pagkakarinig ng pangalan ng kumag na to.
Anong tinatawa tawa nyo diyan?. si dirt na nakakunot na ang noo
Tara na malelate na tayo. si rain
Akmang tatalikod na kame ng hatakin nung nag iisang babae ang buhok ko.
Aray! sigaw ko
Bitaw. Malumanay na sa sabe ni rain
Juno POV
Bitaw. cold na sabe ni ash
Putang ina diba si sheena yon. bumalik na pala sila
Sabay kameng napatingin ni Kev kay achilles na ngayon ay bakas sa muka ang galit.
Lumapit ito kila sheena.
Nakahawak si ash sa kamay ni sheena na nakahawak sa buhok ni cash ginamit ni sheena ang kaliwa niyang kamay para hawakan ang kamay ni ash.
Wag kang makialam!. si sheena
Nagulat kame ng hawakan ni les sa kamay si sheena.
Bitaw. cold na sabe ni les
Binitawan naman ni sheena si ashleigh at cashmere
Hinatak ni les si ash palayo sa eksenang yon.
Rain POV
Hinatak ako ng unggoy na to palayo doon nasan na kaya si cash bwiset to kaya pumiglas ako.
Ano bang ginagawa mong unggoy ka?! singhal ko
Sinong unggoy?! sigaw nya
Ikaw. sagot ko
Sa gwapo kong to unggoy ang tawag mo sakeng busangot ka?!. inis na sigaw nya
Anong busangot?! Bakit mo ko hinahatak naiwan kaibigan ko don. napipikon na din ako sa isang to
Dadalhin kita sa clinic hinawakan ni sheena sugat mo. kumalma sya pero nakakunot pa rin ang noo
Eh ano naman sinabe ko bang dalhin mo ko. nag walk out ako at hinanap si cash.
Boyyyyy!! buhay pa akala ko nabugbog na don
Napalingon ako kay cash na nasa tapat ng cr.
San kayo nagpunta boy? aniya
Wala bwisit na unggoy yon bigla bigla nanghahatak. Nagulat ako ng may humagalpak ng tawa.
Hi Ash natawa naman kame sa tawag mo kay achilles. si juno humalakhak sya at mukang abnormal.
Tiningnan ko lng sya ng diretso sabay lipat ng tingin kay cash at nagets naman nya ang tingin na yon.
Ah si juno at kevin pala. kamot ulong sabe ni cash
Alam ko classmate natin yang mga yan. bored na sagot ko
Sinamahan lang nila ko papunta dito sa cr baka daw kase sundan pa ko ng mga out law gangstah. buti pa tong mga to medyo mabaet di tulad ng kaibigan nilang unggoy
binigyan ko sya ng tingin na nagsasabeng "ok"
Ah ash pwede ba namin kayo ayain sa cafeteria kase late na din tayo sa class may time pa tayo para kumaen bago pumunta ng gym para sukatan ng uniform. si juno
Tara na papayag yan basta pagkaen. si cash
Tss.
Cashmere POV
Nasa cafeteria kame at pinagtitinginan ng mga haliparot.
Bakit kasama nila si baby juno
hala close na sila ng kevin my loves ko
nasan si achilles babe
Mga leche iingay nila kagigil.
Cash Ash ano sa inyo. si kevin
Burger fries with ice tea sa akin kay rain spaghetti fries at ice tea thanks. sarap kumaen pag libre
Sige wait nyo kame order lang kame. iniwan na nila kame at pumila na sa cashier pinagtitinginan sila ng mga babae kulang na lang sambahin na sila well gwapo naman talaga sila
Mabait naman pala tong mga ugok. tumingin ako kay ash at nakakunot ang noo badtrip to kay achilles
Tss.
after 10mins nakabalik na yung dalawa.
Ah eto na yung sa inyo. sabay abot ng pagkaen namin.
Oh si achilles yon par here. sigaw ni kevin habang kumakaway pa.
Umupo ito at tumabi kay kevin
kevin achilles
juno
ako rain
Nilibre namin sila les kase mag thank you na din kame dahil sa nangyari nung isang araw tinulungan nila tayo. Ang angas mo dun ash idol na kita. si juno
Tss niligtas baka kasabwat nila yon. nakakapikon na sagot ng kumag na to
Les naman ano ka ba?. si juno
Biglang nilapag ni rain yung tinidor nya ng padabog at napatingin kameng apat sa kanya at nag walk out sya.
Les naman kumakaen tayo bawasan mo nga yang pagiging aburido mo. si juno
Nakakahiya naman kila cash. si kevin
Alam mo juno at kevin dapat mahiya yang kaibigan nyo bakit kase di mo pa binalik sa kinder yan. inis na sagot ko
Hoy asungot lagi ka na lang umeepal. papansin talaga tong animal na to
Manahimik ka kumag! Mahiya ka nga yung kaibigan kong yon walang pake yun kahit kanino sa akin lang may pake yon. Ako unang nakakita sa inyo pinilit ko syang tulungan kayo dahil ayaw nun ng nangingialam at remember may atraso ka pa sa kanya dahil sa pagiging isip bata mo pero dahil makulit ako at classmate ko kayo hindi rin kakayanin ng konsensya ko kung may mangyari masama sa inyo. Pinihit ko yung motor ko pabalik at sinundan kayo sa iskinita. gigil na kwento ko para malaman ni achilles na napaka kapal ng muka nya para pagbintangan ang kaibigan ko
Hindi ka natakot? si juno
Hindi kase alam kong susundan ako ni rain kahit kelan hindi ako pinabayaan non pag nandiyan sya feeling ko safe ako. Mabait yon medyo mailap lang sa tao pero uulitin ko mabait yon kahit bully'hin mo yun hindi yun sasagot siguro ok na mga isa o dalawang words or isang sentence wag mo hilingin maging talata pa dahil hindi mo magugustuhan mga salitang lalabas sa bibig non pero kadalasan ako lagi ang sumasagot. Kumikilos lang yon kapag mga malalapit at mahalagang tao sa kanya yung kinakanti o sinasaktan. sobrang bait non kapag nakabisado nyo timpla ng ugali nya
Ah kaya pala lagi ka nyang pinagtatanggol pero napansin ko hindi nga sya nagsasalita masyado pero pagnagsalita nakakatakot naman. si juno
Why? ahh i mean bakit sya ganun. si kevin
Hindi ko rin alam cold sya pero pag nakilala mo sya masasabi mong mabait talaga sya. tumingin ako kay achilles na tahimik lang at gusto ko ng sapakin.
Oh sige una na ko hanapin ko lang yon baka mapaaway nanaman. thank you pala sa libre. paalam ko sa kanila
Kevin POV
Par why you do that? di ko maintindihan si achilles napakainit ng ulo kay ash
Are you talking to me. si les
yes hindi ko naman pwedeng tanungin si juno bakit nya kame nilibre eh elem ko namen dahilan. sarkastikong sagot ko
Arte mo talaga magtagalog tsk basta di ko alam naiinis lang ako kase ayaw nya magpadala sa clinic kanina. si les
Oyyy concern ang bebe boy namin. pang aasar ni juno
Tang ina mo juno tigilan mo ko. badtrip na sya
Par i think you like her. dagdag pang inis ko sa kanya.
Achilles POV
Par i think you like her. anong pinagsasabe neto
Tang ina hindi nako magkakagusto ulet. galit na kontra ko sa sinabe ni kev
Par alam mo kung naiinis ka sa isang babae dalawa kakahinatnan niyan una ma in love ka tapos pangalawa ma in love ka. si juno
King ina nag una dalawa ka pa eh pareho lang pala. kahit kelan talaga to di ko alam bakit naging kaibigan ko to
Kase nga dun bagsak mo niyan the more you hate her the more na maiinlove ka at mas lalo mo siyang mapapansin lalo mo siyang makikita lalo mo siyang maiisip tapos pagtitripan ka na ng tadhana. natatawang sabe ng loko
Sa susunod na pagtripan ako ng tadhana sisiguraduhin kong handa ako at hindi na mauulet ang nakaraan. Tang ina mo tadhana. humalakhak ang dalawang loko
What?! inis na tanong ko sa dalawang nakatingin saken habang tumatawa
Ah wala lang halata ka kase sa kilos pa lang. si juno
Leche! gusto ko na paslangin tong dalawa
Indenial Pageant! contestant no. 1 Achilles bebe boy tentenenennnnn. si kevin
Tumayo ako at akmang hahambalusin silang dalawa kaya kumaripas sila ng takbo.
Tss magkakagusto? parang hindi ko na nga alam ang salitang yon.