Chapter 9

3329 Words
Achilles POV Nasa tapat kame ng classroom nakatambay dahil wala pa yung prof. namin. Nakita ko sila ash na paparating at kasama sila riri. Napatitig ako sa kanya napakaganda niya huminto ito at lumingon saglit sa kabilang building hawak ko ang cp ko at palihim ko siyang kinuhaan ng litrato. Nakangiti akong nakatitig sa perpektong imahe na nasa harapan ko. "set as wallpaper" Hoy ano yan bakit pangiti ngiti ka par patingan nga. mabilis na nilagay ko ang cp ko sa bulsa ko muntik na mahablot ni juno Wala yon may nabasa lang ako nakakatawa. palusot ko Tara na pasok na tayo. Dumaan kame sa harap nila ash na malapit na sa pinto ng room namin hindi ako lumingon nahihiya pa rin ako at tinatraydor ako ngayon ng puso ko dahil ang bilis ng t***k nito. Rain POV Dumaan sa harap namin sila achilles at ngumiti samin sila juno at kev pero etong isang to diretsong naglakad papasok at hindi namamansin. Nasa loob na kame ng room at dumating na si Sir Sales tumayo kameng lahat at bumati. Class meron tayong long quiz ngayon remember? maraming ayaw mag quiz itsura pa lang nila ngayon halatang mga di nakapag review. Pag natapos kayo agad maari na kayong lumabas dahil may importanteng seminar akong pupuntahan tandaan niyo ang quiz na ito ay mahalaga dahil hindi ako makakapag lesson ngayon dito ko na rin ibabase yung grade niyo sa recitation kung bagsak sa quiz bagsak ka din sa recitation. puro mga naluging muka ang makikita mo sa section emerald. Cash POV Kasalukuyang sinasagutan ko ang long quiz namin na 30 items bakit parang exam na to napatingin ako sa studyanteng naglalakad papunta sa harapan si rain tapos na siiya tumingin si Sir Sales sa papel ni rain at sa reaction niya alam ko na agad ang ibig sabihin non tumingin ako sa relo ko 15 mins pa lang ang nakakalipas natapos niya agad perfect nanaman siguro base pa lang sa reaction ni Sir napasmirk na lang ako wala naman bago dun pati sa pag-aaral ay halimaw yan. Ilang minuto pa ang lumipas at tumayo na rin ako dahil ako ang pangalawang halimaw. Bago lumabas tumingin ako kila riri muka silang nalugi hindi siguro nakapag review. Naglalakad ako habang nagtetext sa hallway at hinahanap si rain. Nang magreply siya dumiretso na ako agad sa cafeteria. Pwede ba lumayo ka kila achilles kayo ng basura mong kaibigan ako lang ang nagiisang babae dito sa campus ang pwedeng lumapit sa kanila. ano ba tong sheena na ito gutom ako ngayon at wala kong gana makipag away akala mo mauubusan ng lalaki. Lumingon saken si dirt at nagsmirk tinaasan ko lang siya ng kilay at itong sheena na to hindi pinapansin ni rain kumakaen lang siya ng spaghetti asa kang sumagot sayo yan at wag mo ng hilingin na sumagot yan maasar ka lang. Wag kang bastos sumagot ka kinakausap kita. naasar na ang bruha Bakit gusto ba kitang kausap? wala kong pake kung gusto mo kong kausapin at wala ka din pake kung ayaw kitang sagutin kasama ba sa tuition na binabayaran ko ang kausapin ka?. natatawa kong nakatingin kay sheena hindi nya pa nararamdaman ang presensya ko. What?! are you stupid?!. oh ano ka ngayon ubos na pasensya mo girl hindi siya sinagot ni rain marami na rin nakikinerbyos at nakikinig sa eksena ni sheena. You know what? hindi ko alam kung bakit nakapasok ang mga basurang tulad mo at ang kaibigan mo baka naman may sugar daddy kayong dalawa kaya may pera kayo unlike samin na sa mga respetado at sa mayayamang pamilya nanggaling. natatawang sabe ni sheena at tumawa rin ang mga kumag na out law Bahagyang natawa si rain. Galing sa respetadong pamilya tss stupid. mahinang sagot ni rain sapat lang para marinig ng kupal na sheena. What?! Are you calling me stupid?. maarteng tanong ni sheena. Did i mention your name? o baka second name mo yung stupid? si rain na hindi pa rin tinatapunan ng tingin si sheena. Lumapit si sheena at tinapon niya yung spaghetti sa uniform ni rain awtomatikong nag beast mode ako lalapit na sana ako kaso naunahan ako ni kent. What are you doing sheena? hindi pa ba nagmamature yang utak mo? napamaang si sheena at di makapaniwala sa sinabe ni kent What?! kinakampihan mo yang basurang yan?. gusto ko ng kalbuhin tong sheena na to. Achilles POV What?! kinakampihan mo yang basurang yan?. si sheena You know what stop being immature malapit na tayo mag college isang taon na lang 4th year kana kaya tumigil ka na sa pagiging isip bata mo. matapos sabihin ni kent yon hinubad niya ang coat niya at sinuot kay ash ako dapat ang gumagawa niyan sa kanya naunahan niya lang ako Wow pati pala si kent naakit mo na napakalandi mo. si sheena. Sheena coming from you ha? makahulugang sabe ni kent Inalalayan ni kent si ash at lumakad na sila paalis. Bitch wag mong ipagmamalaking galing ka sa mayamang pamilya. lumapit si cash kay sheena at inayos niya ang bangs nito. Darling remember my surname Mon-te-ver-de. dahan dahan at sa malumanay na paraan sinabe ni cash ang kanyang apelyido na may kasamang konting kaartehan. oh i forgot wag mong kakalimutan ang Imperial. bahagya siyang tumawa lumingon kila dirk at nagbalik tingin kay sheena. the dangerous surname they dont give you a fuckin' minute to listen to every lame words that comes from your dirty mouth you better shut your mouth darling. kumindat ito nag flip ng hair at umalis. Monteverde at Imperial. nakahawak si juno sa kanyang baba at nakatingin sa taas. Why not mag research tayo? What do you think par?. si kev Check kaya natin background nila curious na talaga ko alam kong curious ka na din achilles. si juno Tss wag niyo kong damay jan. sagot ko Kinuha ni juno yung cp nya at may tinagawan. Hello Kuya Arlan may papacheck sana ko sayo Imperial at Monteverde. curious din naman ako kaya hinayaan ko na lang tong si juno. Matapos ang klase namin sa araw na to dumiretso kame sa bahay nila juno para puntahan si kuya arlan yung assistant ng dad nya.Pumasok kame sa game room nila juno eto madalas tambayan namin kapag nandito kame sa kanila pag nandun naman kame samin sa kusina ang tambay namin patay gutom kase ang mga ito Par eto na yung result ready na ba kayo?. paexcite pa ang gago Buksan mo na dame mo alam. sagot ko Oo nga par para kang baliw. si kev na naiinis na din pano sino bang hindi maiinis sa kumag na juno dahan dahan pang kinukuha yung papel sa loob ng sobre. What?! napatakip ng bibig si juno ano ba nabasa niya kaya nagmadali kameng lumapit ni kev sa kanya. Ganyan kayaman ang Monteverde?. tanong ko Sila may ari ng Manila hotel, Shangri-la, Conrad at Okada at may limang resort pa sila sa batangas at meron din silang sampung branch ng Daniel Wellington at sampung branch ng Mc donalds, stock holder ang mom niya ng dior at yung dad niya stock holder ng celine? what the f**k! at take note only child siya damn cash is fuckin' rich. namamanghang sabe ni juno. Bakit par walang result sa Imperial?. si kev Tumingin kame sa bagong dating na si Kuya Arlan. Oh bakit kayo nakatingin saken may problema ba?. si kuya arlan Kuya Arlan bakit sa Imperial wala kang nahanap? tanong ni juno May kaya lang ba siya? hindi super rich like cash. si kev Stupid she has Ducati Evo think about that kev. si juno Hindi siya mayaman hindi rin siya mahirap. si kuya arlan Eh ano? tanong naming tatlo. Nagsmirk ito bago magsalita. That Girl is not just rich i think richer than Monteverde. Wala akong nakuhang information patungkol sa kanya kahit isa na patungkol sa pagkatao nya sa tingin niyo bakit? tanong nya samin So mas mayaman siya kay cash? sobrang bigatin naman ata ng pamilya niya at napakagaling magtago ng impormasyon akala ko ay ang pamilya nila kevin pinakamalupit magtago ng impormasyon. si juno Tumango tango si kuya arlan at nagkatingin kameng tatlo. Nararamdaman kong hindi lang basta basta ang Imperial na ito magaling magtago pero may isa akong nalaman pero hindi tungkol sa pagkatao niya. nakatingin kame kuya arlan at hinihintay ang kanyang sasabihin Chineck ko lahat ng event na ginagawa ng Monterverde at mga event na pinupuntahan nila present si Imperial sa lahat ng event ng Monteverde ngunit siya lamang ang naroon wala ang pamilya niya di kaya mag isa lang siya sa buhay? at may mga event na para sa VIP's at Elite na nandon ang Imperial ngunit walang firstname Imperial lang ang nakalagay umasa ako na doon ko sana makukuha ang pangalan ng kanyang mga magulang or kung may kapatid  siya pero walang ashleigh na nakalagay at wala din ang mga Monteverde sinong Imperial kaya iyon?. ash ano ba ang pagkatao mo tanong ko sa isip ko. Hindi na siguro bago samin kung mayaman siya since nakapasok siya sa school na kalahating milyon ang tuition fee wala rin naman siya sa listahan ng scholar ship program ng school ang gusto namin malaman kung gaano kaimpluwnesya at kayaman ang pamilya niya. si juno Bakit ba kayo curious sino ba yon nakabangga niyo ba?. si kuya arlan Binangga ni achilles. Natatawang sabe ni juno. Pero ok na naman na kame kuya actually classmate namin at kaibigan na rin turing namin sa kanila kaso medyo weird sila.  Medyo na curious din ako ngayon lang kase ako nahirapan mag hack at kumuha ng information ng isang tao subukan ko na lang ulet at i-update kayo. si kuya arlan Nandito na ko ngayon sa kwarto ko matapos kong malaman ang iilang impormasyon patungkol sa dalawa hindi ako makatulog kakaisip sa kanila buti na lang sabado bukas puyat ako baka di ako magising ng maaga bakit kase napaka weird nila lalo na si ash bakit ni isang impormasyon walang nakuha si kuya arlan hays itulog ko na lang ito. Rain POV Sabado bukas kaya mapapasarap ang tulog ko nito nang tuluyan na kong dalawin ng antok wala nakong nagawa kundi pumikit. Napabalikwas ako sa aking kama ng mag alarm ang aking cellphone ngunit hindi ito alarm pampagising sa taong tulog mantika dahil hindi ako nagseset ng alarm since maingay naman ang bunganga ni cash Alarm ito na nagbibigay signal saken na may nagtatangkang pumasok sa condo kaya dali dali kong kinuha ang remote ng pinto namin at inactivate ko ang electric mode. Kapag mali ang pinindot mong password mag aalarm ang cellphone ko kaya malalaman ko kung may nanloloob samin at kapag naka electric mode ito makukuryente ang taong nagtatangkang pumasok. Tumayo agad ako at pumunta sa pinto namin nakiramdam muna ko at hindi ko binuksan ang ilaw lumapit ako at iniwasan kong makagawa ng anumang ingay Sinilip ko sa cctv kung nandon pa ang hayup na yon ngunit wala na ito ni-replay ko ang footage ng mga oras na nag input siya ng password. Lalaki base sa mga malalaking niyang kamay at pangangatawan matangkad nakajacket na black at naka sumbrelo na black sino to impossibleng isa tong daican hindi nila ako kilala para puntahan nila ko dito sa condo. Tanghali na tuloy ako nagising dahil sa lintik na lalaking yon baka kase bumalik siya kaya kailangan kong maging alerto. Antok na antok ah ano nanaman kinapuyatan mo?. nakapamewang niyang tanong May nagtangkang pumasok dito kagabe kaya hindi ako nakatulog agad. humihikab pa ko ng sabihin ko yon. Ano?! bakit hindi mo ko ginising sino naman yon nahuli mo ba?. sunod sunod na tanong nya. Hindi ko siya nahuli dahil hindi niya alam ang password kaya nag alarm ang cellphone ko at inactivate ko ang electric mode. tumayo ako at kumuha ng plato gutom na rin ako. Sa tingin mo isa sa tatlo yon? tanong niya Hindi ko alam dahil maling password ang na input nung taong nagtatangkang pumasok kagabe pero pwedeng sila rin malay mo di tayo basta basta dapat magtiwala kung kani kanino. sabe ko Sa bagay sa dame ba namang g**o na humahabol sayo remember last time pinagbabaril yung kotse ko nung kinatagpo natin si skyler napakabasagulero naman ng taong yon madami atang kaaway nadamay pa tuloy ang kotse ko baka ikaw din ah nako Ashleigh Raina magtigil kana! mahabang litanya niya hindi niya kilala si skyler ang sabe ko sa kanya kapitbahay namin nung mga oras na yon kase ay nasundan siya ng mga daican buti na lamang at nakajacket at sumbrelo kame ni cash kaya hindi nila kame nakita o namukaan. Tss tumahimik kana kumaen na tayo at pagkatapos ay mag grocery na tayo. sabe ko Oo nga pala wala ng laman yung ref natin. aniya Matapos namin kumaen sumakay na kame sa kotse ko dahil hindi kakayanin ni dos at flamie ang mga mabibili namin sa grocery store. Oh dark ikaw muna ngayon gagamitin ko ah. isa siyang black mercedes g wagon gwapo rin gaya ni dos last week hinatid saken ni skyler to dahil nahihirapan nga kame mag grocery kapag motor ang gamit kaya pinakuha ko si dark dahil sira na yung kotse ni cash. Nandito na kame sa parking lot ng mall at papunta na kame ngayon sa super market. Oh bakit huminto ka? yung malaking cart na kunin natin. may naramdaman akong sumusunod samin kaya napahinto ako at nagtaka si cash Boy may sumusunod sa atin sa may bandang gilid nakasumbrelo na itim wag kang magpapahalata na nararamdaman nating sumusunod siya. tumango lang si cash saken. Nagpunta kame sa meat section at kumuha ng pork at chicken si cash ramdam ko pa rin ang presensya ng lalaking sumusunod samin kung di ako nagkakamali katulad ng tindig ng katawan niya yung lalaking nagtangkang pumasok sa condo. Nandiyan pa ba?. tanong ni cash Pinapakiramdaman ko kung may masamang balak o baka nais lang netong kumuha ng impormasyon satin iwasan mong magkwento ng patungkol sa atin bilisan na natin mamili. pasimpleng bulong ko sa kanya Matapos namin mag grocery dumiretso kame sa pizza hut para mag take out ng chicken at pizza sa bahay na lang kame kakaen dahil hanggang dito sa pizza hut nakita ko yung lalaki sa di kalayuan na nagmamasid samin tiningnan ko siya at nag smirk ako nag iwas siya ng tingin at umalis ito. Papunta na kame sa parking lot at binulungan ko si cash. Lakasan mo pakiramdam mo baka nandito rin yon. tumango lang si cash saken Nakarating na kame sa condo pero wala na yung lalaking sumusunod sa amin nung nasa parking lot kame hindi ko na rin siya naramdaman natakot ata sa smirk ko sino ka bang hayup ka wag kang magkakamaling lumapit sa amin malilintikan ka saken. Sino ba ang lalaking yon kaparehas nga ng tindig niya yung pinakita mo sa akin sa cctv footage. aniya Ewan ko pero aalamin ko kung sino man yung nagmamanman sa atin. sabe ko Yung pepper spray na binigay ko sayo ilagay mo yon sa tabi ng kama mo palagi at yung isa sa bag mo dapat ready tayo sa anumang mangyayari. paalala ko kay cash Mahuli lang talaga natin yung lalaking yon pasapak ako ng isa ah. bahagya akong natawa kahit papaano marunong naman lumaban si cash tinuruan ko siya ng mga basic na self defense. Sa monday na pala yung unang araw ng sport fest natin noh may laban pala tayo agad 1 pm ang laban natin. aniya Nawala nga sa isip ko kakaisip sa pesteng lalaking yon kagabi. inis na sabe ko. Diba sabe ni Sir next week taga ibang school naman ang mga makakalaban natin pero yung mga nanalo nga lang ang ilalaban kaya galingan natin gusto ko masubukan lumaban sa ibang school. excited na sabe nya Tss ewan ko sayo pahinga muna ko. tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Cashmere POV Magluto na lang muna ko ng hapunan namin para pag gumising ang dragon may lalamunin na siya. Seswang Riri Calling Hello ses bakit? Ses pwedeng sunduin mo ko dito sa may Rial mall please na hablot ng snatcher yung bag ko tinawagan ko si tala pero tulog ata si kaizer medyo malayo dito wala na kong masakyan ses nahihiya din ako na hindi magbayad buti na lang nasa bulsa ko itong cellphone ko sorry sa abala. Sige malapit lang kame diyan sa mall 15mins. nandiyan na ko. Pagbaba ko ng tawag ni riri tumakbo ako agad sa kwarto ni rain. kumatok ako ng sunod sunod sa kwarto niya mahirap kase gisingin to. Boy!! Boy!! Ano ba?! sigaw nya Aalis ako punta ko sa Rial Mall. sabe ko Ano malapit ng mag gabe anong gagawin mo don?. binuksan niya ang pinto at ang g**o pa ng buhok nya. Si riri kase nahablot yung bag niya ng snatcher nagpapasundo kawawa naman. paliwanag ko Ganun ba tara na sama na ko. nagmadali kameng mag ayos at sumakay sa kanya kanya naming motor. Nang makarating kame sa Rial Mall nakita namin si riri na umiiyak tumakbo ito samin at niyakap kame. Ses naagaw bag ko nandon yung allowance ko for the month. humihikbing sabe nya Tahan na ses pasok muna tayo sa mall kaen muna tayo sure ako gutom ka gutom na rin kame hindi ko natuloy yung niluluto ko. sabe ko Wag na ses nakakahiya sa inyo. sagot nya Ano kase ginagawa mo dito ng mag isa?. tanong ko Bumili ako sa national bookstore nung ballpen na pink na may brilyante yung takip ng ballpen pinag ipunan ko yon ses 80 pesos isa non. nakanguso pa itong si riri parang inapi talaga. Tara na sa loob. si rain Tara na baka mag init ulo netong isa. turo ko kay rain. Bibilhin natin ulet yung ballpen na yon. Talaga ses thank you babayaran ko na lang next week mag iipon ulet ako sasahod na din naman ako sa side line ko. aniya Matapos namin kumaen sa pizza hut dumiretso kame sa national bookstore. Ang ganda pala ng ballpen gusto ko rin nito. sabe ko Sabe sayo ses eh bili ka na din para pareho tayo. tumingin si riri kay ash at binalik niya ang tingin niya sa akin. Wag mo na pilitin na bumili yang si rain baka ipakaen sa atin yang ballpen na yan hindi sya mahilig sa mga ganyan lalo na pag pink. sabe ko Sumenyas siya na nag zip ng bibig nya. Sabe ko nga ses quite na lang me ditey. Rain ito gusto mo. pinakita ko sa kanya yung ballpen na black at may gold lining at may maliit na crystal black diamond sa may takip. Ayan bakla perfect sa aura mo. si riri Tumingin si rain sa hawak kong ballpen. Sige bilhin mo din yan. sagot nya. Sabe sayo bakla bet niya ganto black ayaw niya sa pambabaeng kulay bilhan ko na din si kaizer at tala. violet kay tala may flower yung takip nito at may violet diamond sa gitna at dark blue naman kay kaizer na may black dragon logo sa katawan ng ballpen may maliit na dark blue diamond sa may takip. Pwede na to para sa kanila at sayo pink at heart shape ang takip na may pink diamond saken red na may star na takip at may red diamond sa gitna ng star ang ganda. masayang sabe ko nagkakasundo kame ni riri sa kaartehan So ses si rain kalaban natin?. humalakhak ito at tumigil rin agad dahil tiningnan siya ni rain. Joke lang baklang ash eto naman di mabiro tara na sa cashier. aya ni riri Mabuti pa nga bakla pumila na tayo baka gamitin niya pa sa atin yung black na brilyante niya. Humalakhak kameng dalawa at tumakbo sa cashier. Matapos namin bayaran pumunta na kame sa parking lot. Wow ang angas niyo mga bakla ang gaganda ng motor niyo bagay sa inyo. aniya Dito ka saken umangkas hindi nagpapaangkas yang isang yan. lumapit siya saken at sinuotan ko siya ng helmet. Turo mo sa amin ang daan papunta sa inyo. Matapos ang trenta minutos na pagmamaneho huminto kame sa may tapat ng eskinita. Mga ses maraming salamat sorry hindi ko kayo mapapapasok sa loob maliit lang kase bahay namin tsaka medyo magulo nakakahiya. nahihiyang sabe nya. Ano ka ba ses anong connect? kung maliit bahay niyo atleast may tinutulugan ka diba. sabe ko Mahirap kame ako bumubuhay sa pamilya ko nakuha ako sa scholarship ng sylance kaya nakapag-aral ako dun. malungkot na sabe nya. Bumaba si rain sa motor niya at may inabot kay riri. 20,000? first time ko makahawak ng ganto kalaking pera ash ang laki naman nito bakla 2k lang budget ko sa buong month pinagkakasya ko na yun minsan nililibre naman ako nila tala at kaizer kaya nakakatipid ako. inaabot niya ito pabalik kay rain Tumingin lamang si rain sa kanya. Kunin mo na yan pang allowance mo kahit hindi mo na bayaran. Hindi ash babayaran ko to bakla nakakahiya naman sayo. aniya Ok ikaw bahala anytime pwede mong bayaran kung mapilit ka pwede kahit hindi na tara na cash. aya ni rain sa akin Sige na ses una na kame wag ka ng makulit kunin mo na yan use it wisely. kininditan ko sya at pinaandar na namin ang aming mga motor di pa kame nakakalayo narinig naming sumigaw si riri. Salamat mga baklang maton!. sigaw nya Bahagya akong natawa sa sinabe nya itinaas lang namin ang isang kamay namin ni rain at nag ok sign kame sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD