Matapos maiayos ang bangkay ng ama ni Felicity ay ini-uwi na ito. Napagpasyahan nila na sa bahay na lang ang lamay. Maraming mga kamag-anak, kaibigan at katrabaho ng matanda ang bumisita at nakipaglamay. Halos lahat ay hindi makapaniwala sa maagang pagkamatay nito. Si Freda ay halos hindi makausap dahil sa gulat sa sinapit ng ama. Hindi pa rin niya matanggap ang nangyaring pagkamatay nito. Samantalang ang ina ay ganun din. Galit na galit ito kay Felicity at siya ang sinisisi nito sa nangyari sa asawa. Dahil sa galit ng kapatid at ina ay napgpasyahan ni Felicity na huwag muna lumabas aa kanuang kwarto. Sigurado pag-iintan.siya ng dalawa ngunit naiintindihan niya kung bakit ganun na lang sila. Kasalanan naman kasi niya kung bakit nangyari 'yun. Ay hindi! Kasalanan ni Darwin at Virgie. Kung

