Inis na inis pa ako, paglabas ng opisina ni Trevor. Buong akala ko pa naman makakausap ko s'ya ng matino ngunit hindi pala. Kaya pala malayo pa lang amoy malansa na may bisugo pala sa loob. Akala mo naman kinaganda n'ya ang kulay ng outfit today?! Mukha syang puto bumbong! Violet at Green talaga? Kulang na lang niyog at asukal! Inis kong bulong sa isip. "Helena, okay ka lang?" tanong ni Alfred. Nakalimutan ko nasa tabi ko pala s'ya at nagpresinta na ihatid ako dito sa labas. "A-ah…oo. Salamat sa paghatid huh!" "Wala 'yon! Panigurado usok na naman ang tumbong ni Galledo," natatawa nyang saad. "Bakit naman? Diba kasama naman n'ya ang jowa, nyang mukhang isda na nawalan ng oxygen!" wala sa loob kong sabi. Kaya naman napahalakhak pa si Alfred. Habang nakahawak sa tiyan n'ya dahil sa labis

