Hannah point of view Nakangiti ako habang tinitignan si Lucas. Bakit ang gwapo nitong nilalang? Hahaha noong umulan ng kagwapuhan siguro nasa labas ito hahaha Namula na naman ako dahil sa wild na nangyari sa amin kahapon at tatlong beses na may nangyari sa amin,di tuloy ako nakapagswimming pero ayos lang dahil nakasama ko naman ang taong mahal ko. Tinanggal ko ang kamay nito na nakahawak sa beywang ko ng dahan-dahan at baka maistorbo ko pa. Sinuot ko ang tshirt niya at dumiretso na kusina nitong room niya at nagluto ng almusal, pinritong itlog at bacon ang nakalagay sa ref. niya kaya ito na lang ang niluto ko at nagtimpla na rin ako ng kape. Napasinghap ako ng may naramdaman akong yumakap sa beywang ko at naramdaman kong inamoy nito ang leeg ko at hinalikan. "Goodmorning mahal ko." Na

