Hannah point of view Halos mabaliw na ako dito sa kusina dahil sa nangyari kanina. Nakakahiya sa kanila na naabutan kaming dalawa ni Gray na gano'n ang posisyon at baka ano pa ang isipin nilang nangyayari sa pagitan naming dalawa ni Gray. Nakakahiya! Matapos ng nangyari ay nagpaalam na ako sa kanila na magrestroom lang ako at mabuti na lang may restroom dito sa kwarto ni Gray kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Rinig ko ang pag-uusap nilang apat pero di ko maintindihan ang isa sa mga 'yon dahil tungkol sa mga business. Di ako mapakali dahil sa nangyari kanina at kahihiyan 'yon. Nakita niya kanina at nakita ko si Lucas na parang nakakunot noong nakatingin sa akin at kay Gray. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. "Hannah." Napatingin ako kay Gray na pumunta na rin pala dito sa kus

