Ang Huling Yugto Hannah point of view "Dad I like that!" Napapikit na lang ako dahil sa kakulitan ni Lion. "Lion marami ka ng toys sa bahay hindi ba?Pumunta tayo ng mall para bigyan ang mga bata sa orphanage." Napanguso naman si Lion dahil hindi naman nasunod ang gusto nito. "Wifey what if bilhan na lang natin siya--Sabi ko nga wag na lang,Lion makinig ka kay mom alright?" Tinignan ko ng masama si Lucas. Ayaw ko lang na maging spoiled si Lion sa mga bagay. "Dad I want new car toy." Umupo ako para magkasing pantay na kami at tinignan siya sa abo niyang mga mata. "Lion makinig ka." Hinawakan ko ang mukha nito at ngumiti."sinong mas mahalaga sayo si mommy o yung toy?" "Ikaw po mommy." Ngumiti at hinalikan ito sa pinsgi. "Lion hindi mo ba alam na may mga bata na wala ng mommy at daddy

