Hannah point of view Napatingin na lamang ako sa salamin habang kaharap ang sarili. Tanda ko pa ang sinabi ni Zedy sa akin. Medyo kinakabahan ako mamaya pero gagawin ko ang lahat para maging matagumpay itong plano. Sinukbit ko na ang bag ko at naglakad na para pumasok. Commute ako ngayon para mabilis makarating sa school tsaka may trabaho pa ako mamayang gabi sa restaurant. Hindi ako mapakali kasi hindi ko alam kung anong irereact ko kay Lucas kapag nakita ko siya-- babatiin o tatakbuhan na lang? aish! "Manong dito na po." Sambit ko at bumaba na ako ng jeep habang tulalang nakatingin lamang sa gate. Kaso minamalas ka ng naman. *splash Nanlaki ang mata ko ng may biglang dumaan na kotse sa gilid ko dahilan para matapunan ako ng putik. Wah! Ang dumi na ng uniporme ko Hindi ko alam per

