Nyle point of view Nakahiga lamang ako sa kama buong maghapon ng marinig kong bumukas ang pinto ay napapikit na muli ako. Alam kong siya 'yan dahil sa amoy ng pabango niya na kabisado ko. Naramdaman kong lumubog ang kama kaya mas lalo akong napapikit at parang tumaas ang balahibo ko ng bigla nitong hawakan ang buhok ko. "Sorry." ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses nito at sinserong boses. Bakit siya nagsosorry? "I know it's my fault." Humiga ito na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko na para bang may mga elepanteng nag-uunahan. Pumalupot ang braso nito sa aking bewang at parang may kiliti ang dumaloy sa tiyan ko. "Sorry for what happened, I'm just... I'm just jealous that time. I know your awake chubby." Napadilat agad ako at hinarap siya. Napanguso naman ako dahil sa pang-aasar n

