18

2075 Words
Hindi ko naman gustong makipagdeal sa kung anong meron sa past ni Ulysses. Magulo na ang buhay ko para guluhan pa ng mga nakaraan niya. Ngunit, ano pa bang magagawa ko kung ganito nga at nasa harapan ko si Rhea. Tama nga ang sabi ni Clarise na parang model ito. Pakiramdam ko ay wala akong panama sa kanya. Para bang modelo itong hinugot sa kung saang sikat na magazine. Nanliliit ako. Kahit ano pang sabihin, nanliliit talaga ako. Gusto kong maiyak dahil sa ginawa ni Ulysses. Nakaya niyang ipagpalit ito sa akin? Hindi naman ako katangkaran, hindi kasing puti ni snow white. At hindi mukhang mayaman. Kung tutuusin, masyadong malayo ang estado namin ng babaeng 'to. Sopistikada. Ngayon ko napatunayan kung saan nagmana si Sapphire. Napagtanto ko na ang lahat-lahat. "How old are you?" halata sa mukha niya ang pagdududa. Natahimik pa ako at hindi kaagad nakasagot. Nanginginig ang boses ko nang sinabi sa kanyang 19 lang ako. Nang-iinsultong ngumisi ito at tumitig sa kabuuan ng bahay namin. Hindi naman ito kalakihan, at hindi rin moderno ang mga gamit. Ngunit masasabi ko namang malinis ang paligid. Walang alikabok, malinaw sa mga mata at hindi ko naman ito pinababayaan. Ngunit dahil sa pinapakita niyang reaksyon, para bang nanliit ako sa klasi ng binibigay niyang titig sa kabuan. "So? He likes sweet and innocent, huh? Ano naman kaya ang nakita ni Ulysses sa'yo? Birhen?" Napasinghap ako sa gulat. Siya nama'y mahinhing tumawa. Natakot ako bigla at lumingon sa pintuan. Sa pag-aakalang maaabutan ko iyong mga kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang sadya niya rito. Ngunit kahit ano pa iyan, parang ayaw ko sa presensya niya rito. Kung may problema man sila ni Ulysses, wala na ako ro'n. No'ng una pa lang, sinabi ko nang ayaw kong makipagdeal sa past niya. "Ganoon na ba ang mga tipo ni Ulysses ngayon? Iyong submissive? Iyong bata? God! Ang gurang na iyon!" Nalukot kaagad ang mukha ko. Ang sarap ngang kusutin nitong ilong ko. Para bang nakaamoy ako ng lansa at hindi ko nagugustuhan iyon. Kung may problema siya dahil pinatulan ako ni Ulysses. Di'ba nga siya ay may ayaw sa responsibilidad? Kaya bakit nandito 'to? At mukhang maiinsulto lang naman? May trabaho pa ako bukas, at hindi tamang oras ito para tumanggap ng bisita. Lalo na at ganito. Na mukhang konti-konti na lang ay magiging bulgar na pang-iinsulto. Naapakan ba namin ang ego niya noon kay bigla siyang sumulpot at nagiging ganito? "You know, little girl. Hindi naman sa gusto kitang saktan pero naisip mo na ba minsan kung" naging sigurado ba si Ulysses sa'yo? Iyong tipong inalok ka niya ng kasal?" Naitikom ko kaagad ang bibig. Hindi ko naaalalang inaya ako ni Ulysses ng kasal. Iyong lagi lang... iyong gusto niya akong tumira sa iisang bubog kung nasaan siya. May binanggit ba siya sa kasal? Sa dami ng problema ko at sa dami ng kailangan kong bayaran, naging lutang yata ako sa lahat ng paanyaya ni Ulysses kaya hindi rin ako sigurado kung talaga bang may binanggit siya sa kasal. Kumunot nga lang ang noo ko at tumitig sa labas. Bakit naman niya sinasabi sa akin ito ngayon? Ah... alam ko naman talaga ang dahilan. Kung papatulan ko ba ito ngayon, aalis ba siya? "I guess..." nagpipigil na ngisi na sabi niya. Bumuntong hininga ako at umupo ng maayos. Kung gusto niya akong insultuhin dito sa sariling bahay ng mga magulang ko. Kailangan ko yatang lumaban. Oo at madalas lang akong tahimik, ngunit kung naaagrabyado naman ako... hindi naman tama na basta ko na lang siyang hayaang gawin ang kung anumang gusto niya. Hindi sa lahat ng oras ay okay lang na maliitin tayo ng mayayaman o ng kung sinong higit pa sa atin. "Why are you not talking?" kunot noong tanong niya kalaunan. "Ano naman po ang sasabihin ko?" nakakunot noong sabi ko. Napaawang sandali ang mga labi niya bago unti-unting ngumisi iyon. Tumayo siya na ikinabigla ko. Hindi ko naman inasahan na gano'n na lang iyon. Na pagkatapos kong magsalita ay akmang aalis na lang siya. "I guess this is a good fight. Mukhang lalaban ka, girl. Ipaglalaban ko ang karapatan ko kay Sapphire. At package na rin si Ulysses. Nice meeting you anyway." Ngisi niya bago naglakad paalis. Nakasalubong niya pa sina Clarisse na nanlalaki ang mga mata habang nakasunod sa kanyang pag-alis. Nanginig kaagad ang mga kamay ko at gusto ko sanang tawagan si Ulysses ngunit nagdesisyon na lamang ako na wag muna. Hindi ko alam kung ano ang plano noong Rhea. At lalong hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isipan ni Ulysses. Kung dahil ba kay Rhea kaya nakilala niya ako? Dahil sa babae kaya atat siyang iuwi ako sa kanila? Hindi ko alam. Sadyang magulo lang talaga ang mundo ko para dumagdag pa ito. Naging tahimik ang Linggo ko. Ngunit hindi ko naman inaasahan na sa araw ng day off ko ay matatagpuan ko si Ulysses na nasa labas ng bakuran namin at mukhang malungkot. Hinanap ko nga si Sapphire at baka kasama niya iyong bata. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay wala namang lumabas. Napilitan ako putulin ang lihim na pagtitig ko sa kanya bago naglakad palapit. Napaawang sandali ang bibig ko nang niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi iyong miss na miss kundi parang ramdam ko ang pagkakadurog ng puso niya habang yakap ako ng mahigpit. May ideya ako ngunit ayaw ko namang pabulaanan. Malay ko ba kung totoo nga ang iniisip ko o hindi. Baka masyadong nag-iisip lang ako kaya ganito. Ayaw kong isipan na isang iglap ay agad na nakuha nito ang custody sa bata. Inaya ko muna siyang pumasok sa loob. Saka ipinaghanda ng makakain. Sinenyasan ko na rin sina Andolf na doon muna sa kapitbahay namin makipaglaro. Ayaw ko man, ngunti pakiramdam ko ay totoong pag-uusap na ito. Walang tungkol sa aming dalawa kundi para lang sa bata. Ayaw ko siyang pangunahan, ayaw kong masaktan siya ng hindi ko sinasadya. Alam ko na mahal na mahal niya iyong bata. Mas mahal niya kesa sa akin. O dahil hindi pa naman kami umabot sa ganoong estado kaya alam kong higit na mas matimbang ang bata. "Nia..." kalaunan ay tawag niya pagkatapos ng pag-inom ng juice at ng kaonting buntong hininga. Hindi pa man siya nagsasalita ngunit itong puso ko parang unti-unti nang nasusunog. Ayaw ko ideya na tama ang hula ko. Ayaw ko na mapunta si Sapphire doon sa tunay niyang ina. Pakiramdam ko hindi niya ito maaalagaan. Tulad lang din sabi ni Manang... pabayang ina. "Ang hirap kalabanin ng korte." Buntong hininga niya. Napalunok ako at lumapit sa kanya. Saka ko siya niyakap ng mahigpit. Ako nga e nahihirapan na rin sa sitwasyon. Paano pa kaya siya na tunay na kadugo ni Sapphire? Kahit saang anggulo tingnan, lugi si Ulysses. Hindi pa man umaabot sa pitong taon si Sapphire. "Pasensya ka na..." ngiti niya. Lalo akong nahabag sa pinapakita niyang reaksyon. Napabuntong hininga nga rin ako bago yumakap sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Ngumiti nga ako nang humiwalay sa kanya. Inayos ko muna ang sariling buhok saka ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko para mabawi si Sapphire. Kung kailangan na lumaban ako kasama niya, gagawin ko. Sa dami ng naitulong sa akin ni Ulysses, sa tingin ko sapat na iyon para ngayon ay tulungan ko naman siya. Ano pa ba at kami lang ang magtutulungan? "Tutulungan kita." Ngisi ko. Kung ito ang sinasabing laban ni Rhea, sa tingin niya ba ay ganoon lang kami kadaling susuko? Ilalaban namin si Sapphire. Kung kailangan ng mga witnesses at ebidensya para mapatunayang naging pabaya ito. Maghahanap kami. Saka sa sandaling nakasama ko si Ulysses, nakikita ko naman kung gaano niya kamahal ang sariling anak. Naging masyado ngang makasarili si Sapphire para angkinin lamang ang sariling ama. Nang sumunod na mga araw, ay lumiban na ako sa trabaho at sumama na kay Ulysses pauwi sa kanila. Sinama ko rin ang mga kapatid na namangha sa sariling bahay ni Ulysses na nandoon sa bayan. Nando'n si Manang na halatang nanghihina ngunit naging masigla nang nakita niya ako at lalo na ang mga kapatid ko. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang maitutulong ko pero kung kailangan ng tulong ni Ulysses. Willing na willing naman akong tumulong. Saka si Ulysses ang mas may karapatan kay Sapphire. Nabigla nga lang ako kinahapunan dahil umuwi ang mga magulang ni Ulysses. Nahihiyang napamano ako sa mama niya na malumanay na ngumiti sa akin. Saka napatitig sa mga kapatid ko. Hindi ko napaghandaan, at nahihiya ako. Ngunit kalaunan napansin ko ang pagiging magaan ng mga magulang niya sa akin o sa amin ng mga kapatid ko. Tinanong nga ako kung kumusta ba raw ako at hindi naman ginugulo ni Rhea. "Sa totoo po niyan, pumunta siya sa bahay no'ng isang Linggo." Nahihiyang pag-amin ko habang nakayuko. Pare-pareho silang nabigla at napatitig kay Ulysses na nakatitig pala sa akin. Napalunok ako. Hindi ko nga pala nasasabi sa kanya ang tungko doon. Ayaw ko naman talaga ngunti nadulas na ako ngayon. "Iha, ano naman ang sinabi niya sa'yo?" kunot noong tanong ng nanay niya. Napaamin ako ng wala sa oras. Sa huli narinig ko na natawa ang tatay niya at sinabing gano'n na pala kadesperada iyong isa para lang takutin din ako. "No'ng una pa lang ang hirap niya na talagang intindihan. Alam mo, tinitiis ko lang ang ugali noon nang nagsasama pa sila nitong anak ko. Kung hindi lang sana nanay siya ng apo ko. Nuncang makakatungtong siya sa pamamahay namin." Iling ng mama ni Ulysses. Napatango ako at sandaling pinaglalaruan ang pagkain saka ako nag-angat ng tingin. May naiisip naman akong ideya ngunit pwede ba iyon? Pwede pa bang ma-trace lahat ng calls na nanggaling si tunay na ina ni Sapphire? Sa loob ng mahabang panahon, pwede pa ba iyon? "Maliban na lang pag nagpalit ng numero. At syempre dapat malaman din natin lahat ng telepono niya mula sa labas. But that was light counterpart only. Hindi tayo sigurado kung pwede na ba iyon. Pero susubukan natin." Ngiti niya habang nakatitig ng mataman sa akin. Gusto kong ngumiti ngunit nahihiya ako. Kaya nagdesisyon na lamang ako na yumuko at ipinagpatuloy ang pagkain. Nakikinig din naman ako sa kanila. Ang dami kong nalaman. Ang daming rebelisyon. At hindi ko inaasahan iyon. Sa loob ba naman ng tatlong taon, naging ganoon talaga si Rhea? Natiis niya ang sariling anak? Na hindi man lang tawagan? Na hindi man lang binigyan ng sustento? Na inuna pa nito ang mga affairs sa iba't ibang lalaki kesa sa alagaan ang sariling anak? Hindi naman mayaman si Rhea, nakokontento yata sa sustento na nanggagaling sa mga lalaki nito. Ang daming karelasyon! Nabibingi nga ako habang nakikinig. At sa huli, parang binagsakan ako ng langit ng narinig ang relasyon naming pareho ni Ulysses. Madadamay si Ulysses sa affairs ni Rhea kasi may relasyon siya sa akin. Kung hindi man itong relasyon namin ngayon kundi iyong ilang buwan na nakalilipas. Binaliktad ni Rhea sa harap ng korte! Parang nanlamig ako sa narinig at napahawak sa kamay ni Ulysses. "You don't have to worry, Nia. Gagawan natin 'to ng paraan. Alam ko sa huli tayo pa rin ang mananalo. Ano ba't ikaw lang naman ang naging karelasyon ko pagkatapos ng higit tatlong taon. Kung ilalaban ko iyong mga ebidensya ng mga karelasyon niya noon. Higit na talo siya. Ano pa at naging mabait ka naman sa anak ko, Nia?" ngiti niya. Napahinga ako ng maluwang. Kung may sapat na ebidensya alam ko na mananalo kami. Gusto ko... gusto kong magkasama silang dalawa kumpara sa tunay nitong ina. No'ng pumunta ito sa bahay, alam ko na may kakaiba na rito. Obsession o kung ano... hindi ko alam. Bakit sa tinagal ng panahon ay ngayon pa itong nagpakita? Para ilaban si Sapphire? Diyata't huli na. Pagkatapos na magkwentuhan ng kaonti sa sala ay tumayo na kami para matulog. Sinamahan ko naman ang mga kapatid na halata na sa mukha ang pagod. Hindi ko rin napansin si Ulysses na nakasunod pala sa amin. Hindi ko nga napaghandaan nang hinapit niya ako pagkatapos na lumabas sa silid ng mga bata. Ngumiti siya at kinitalan ang itaas ng labi ko, "Thank you..." Nanlalambot ako, ngunit malakas pa rin ang t***k ng puso. Alam ko, kakayanin 'to ni Ulysses. Ang bait-bait niya kaya... ni sa hinagap wala pa akong nakitang lalaking kasing bait niya. At napakaswerte ng mga minamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD