KISHA’S POV Katatapos ko lang maligo. Nakapagpalit na rin ako ng pantulog ko. Lumabas ako ng kwarto ko upang i-check si Renzo noong una ay hindi ko pa siya nakita pero nakita ko ang ulo niya sa may ilalim kaya sumilip pa ako. Nakaluhod siya sa sahig at may hawak na basahan. Nagpupunas ng basang sahig. Tapos na siyang maghugas ng mga platong pinagkainan namin at siguro ay umapaw na naman ang mga bula kaya naglalampaso siya ngayon. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin ng makita ako. Naka-apron pa siya. Tumayo na siya kaya napatingin ako sa buong paligid. Maayos na. Malinis na lahat. “What do you think? Papasa na ba ko para maging house husband mo?” malaki ang ngiting tanong niya. Hindi ko siya pinansin at tumalikod na akong muli sa kaniya. Alam ko naman na hindi ko dapat pinapa

