KISHA Ilang beses na akong bumuntonghininga. Habang pinagmasadan ko ang katawan ko sa whole body mirror na nasa bathroom. Kitang-kita ko ang mga pulang marka na naiwan dahil sa nangyari sa aming dalawa kagabi. Biglang nag-init ang mga pisngi ko nang parang sirang dvd player na nag-flashback sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Ilang beses kong sinampal ang sarili ko pero hindi talaga mawala sa isip ko ang bagay na iyon. Kaninang umaga ay Malabo pa sa akin ang mga pinaggagawa namin, pero ngayon, parang gusto kong barilin ang sarili ko dahil malinaw ko nang naaalala ang lahat. Hindi ko mapigilang makaramdam ng init kaya mabilis akong pumasok sa loob ng shower room at tumapat sa malamig na tubig mula sa shower. Pinikit ko ang mga mata ko pero iyon pa rin ang nakikita ko. Kung paano ko si

