KISHA’S POV Tumaas ang kilay ko nang tumingin ako kay Renzo. Nakasimangot siya habang naka-krus ang mga braso sa dibdib niya. Umingos pa siya sa akin kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Kanina pa siya ganyan, hindi ko alam kung ano naman ang problema niya. Hindi ko naman siya pinapansin. Bahala siya sa buhay niya. Kung ano man ang problema niya sa akin, wala akong alam at mas wala akong balak na suyuin siya. Kinuha ko ang phone ko. Naglaro na lang ako ng blocks sa halip na pansinin si Renzo na mukhang inaatake na naman ng sayad niya. Nakatuon ang atensyon ko sa phone ko. Pero pinakikiramdaman ko si London. Nagdadabog siya. Malakas niyang binagsak sa table ang tumbler pero hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. “Hindi mo ba talaga ako papansin?” tanong niya kaya nag-angat na ako n

